CHAPTER 31

1682 Words
Chapter Thirty-One – Birthday Celebration Ilang linggo na ang lumipas at naghilom na ang mga sugat ni Margarita. Napag-usapan narin nila ni Franco ang tungkol sa kanyang operasyon. Nasasabik siya ngunit may halong takot siyang nararamdaman sapagkat ito ang kauna-unahan niyang karanasan na ooperahan siya. Nasa dalampasigan siya ngayon kasama ang mga katulong at si nanay Cecil. Abala ang lahat sa paghahanda para sa salo-salong magaganap mamaya. Kaarawan kasi ni Franco kaya napag-usapan nilang sorpresahin ito galing trabaho. Naisipan nilang sa dalampasigan sila maghahanda sapagkat malamig ang hangin, maganda ang tanawin, at malaki ang lugar. “Inday! Ayusin mo ang pagiihaw ng karne baka masunog iyang karne,” ani ng lalaki habang ngumingisi. Nagtawanan ang mga kalalakihan sapagkat kanina pa nila tinutukso ang isang katulong. Natawa nalang din si Margarita habang hinahanda ang mga pinggan at kubyertos sa mesa. Napatingin siya sa papalubog na araw. Kay ganda nitong tignan sapagkat naghalo ang kulay kahel at rosas  na kalangitan. “Huwag niyo akong pansinin Norman. Iyang tinatrabaho mo ang iyong tignan baka mapano ka pa,” ani naman ng dalaga. “Sweet naman,” kantyaw ng mga kalalakihan. Napailing na lamang si Margarita  dahil sa kakulitan ng mga kalalakihan. Pumunta ulit siya sa kusina para kumuha naman ng mga pagkain na kanilang ihahain. Gusto niyang tulungan si nanay Cecil sa pagluluto ng mga pagkain ngunit, hindi siya  pinapayagan. Kaya, tumulong nalang siya sa pag-aayos kasama ang ibang katulong. “Saan pa po ba dito ang ilalagay sa mesa nay?” “Iyang kare-kare nak,” ani ni nanay Cecil habang namamawis ang noo nito. “Tulungan ko nalang kayo nay. Magpahinga ka na muna para hindi ka mapagod masyado sa kakaluto.” “Huwag na anak,” ani nitong nakangiti. “Kayang–kaya ko naman baka darating na iyong si sir Franco. Malapit na naman akong matapos,” dagdag nito. Kumuha si Margarita ng mga lalagyan ng pagkain. Naisipan niyang tulungan nalang niya itong ilipat ang mga kakahain pang mga pagkain sa lalagyan. Hindi na siya nagpaalam pa sapagkat alam niyang hindi siya nitong pinapayagan. Simula noong parati na silang magkalapit ni Franco ay hindi na siya nitong pinapayagang tumulong dahil mapapagod lang daw siya. “Naku! Ikaw talaga ang tigas ng ulo,” pinanggigilan nito si Margarita. “Hindi naman po ito nakakapagod nay,” ani niya sa malumanay na boses para kumbinsihin ito. “Baka maabutan tayo ni sir Franco. Malalagot talaga ako,” nahintatakutan nitong tugon. “Bakit naman po nay? Hindi naman,” hilaw siyang napangiti. “Hindi naman po kami para mag-aalala siya ng ganyan. Tapos, napaka-obssess niya naman po ata kung ganyan nga?” “Maalaga lang talaga si Franco sayo kaya ganyan,” ani nito habang tinutumbol nitong tama ito. “Ho? Naku! Guni-guni niyo lang talaga inay,” sabi nitong ikinailing niya. Napatulala siya ng ilang segundo sapagkat nagkakamali lamang si nanay Cecil. Napagkamalan lang nitong magjowa silang dalawa, sasabihin na nitong mag-on talaga sila. Natawa siya sa kanyang iniisip baka binabase ni nanay Cecil ng kanyang mga hinala sa mga naranasan din nito. Katulad na kung saan nagsimula sila katulad nila Franco na parating nagbabangayan noong una pero nagkamabutihan kalaunan. Pero sigurado siyang magkaibigan lang talaga sila at iyon lamang ang kanyang maibigay sa ngayon. “Ihahatid ko na muna ito nay. Huwag na kayong mag-assume nay dahil walanng kami,” natatawa nitong sabi at lumabas na sa kusina. Unti-unti ng nag-aagaw ang manipis na sinag ng araw at ang kadiliman. Sinindihan narin ang ilaw sa mga daanan kung saan dadaan si Franco. Maliban sa mga ilaw na nasa daanan, patay lahat ng ilaw pati ang bahay. Nadatnan niyang ang dalampasigang may bonfire na sa gitna ng mataas na mesa. May mga maliliit na bombolya din na nagpapailaw sa mesa. Napakainit nitong tignan pero at the same time malamig ang hangin  na ibinubuga ng dagat. Nilapag niya ang dalang pagkain sa espasyong inilaan. Natapos narin ng iba ang mga inihaw kaya nilagay narin ang mga ito. Napangiti siya nung tingnan ang paligid sapagkat kay saya ng mga tao. “Nandyan na si sir Franco,” ani ni manang Cecil habang bitbit ang ibang pagkain. Agad niya itong nilapitan para tulungan. “Wala na bang ibang pagkaing naiwan doon nay?” “Wala na. Okay na ang lahat. Salamat sa pagtulong nak!” “Walang anuman nay. Halos hindi mo naman ako pinapatulong,” natatawa nitong sagot. “Manang Cecil?” tawag ng isang katulong. “Saan ko po ba ito ilalagay? Wala ng espasyo sa mesa,” ani nito habang bitbit nito ang nakasinding keyk. “Akin na iyan. Maraming salamat at dinala mo ito kasi nakalimutan kong bitbitin iyan.” “Nandyan na si sir!” sigaw ng babae. “Ang gwapo ni sir!” sambit naman ng isa. Parang umurong ang mundo sa pag-ikot. Dahan-dahan siyang napatingin kung saan itinuro ng babae si Franco. Nakasuot ito ng tuxedo at bagong gipit narin ang buhok. Ang mga ilaw na nilalakaran malapit sa paanan nito ay nagbibigay ng silweta sa kanyang mukha. Mas nadepina ang mga panga, matangos na ilong, naningintab na labi, ang malalim nitong mata, at ang makapal nitong kilay. “Ikaw na ang magbitnit niyan anak,” ani ni manag Cecil at ibinigay sa kanya ang keyk. Nabigla ito kaya muntikan na niya itong malaglag. Mabuti nalang ay nakahawak parin si manang Cecil dito. Noong nakuha na niya ito ng maayos ay bumitaw si manang Cecil sa paghawak dito. “Lumapit ka kay sir Franco anak,” bulong nito sa kanyang tenga. “Ho?” ani niya. Ngayon lang niya nakuha ang ibig sabihin nito kaya agad siyang lumapit kay Franco. Habang papunta siya dito ay bigla siyang na-consious sa kanyang soot na damit. Isang simpleng t-shirt at maong na pantalon lamang ang kanyang isinoot. Nahihiya siyang tumingin dito kaya hindi niya ito matingnan ng diretso. “Baka mahulog iyang bitbit mo na keyk,” ani ni Franco sa mababa na boses. Napaangat naman siya ng mukha at pilit na ngumiti. “Happy birthday Franco,” sinsero niyang bati. “Maraming salamat. How do I look tonight?” Hindi makatingin si Margarita kay Franco noong nagtanong ito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba kaya napakagat siya ng labi. Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili. “O-okay naman. Wala namang bago,” kinakabahan nitong sagot. “Bakit hindi ka makatingin sa akin habang sinasabi mong ‘o-o-o-okay naman’, hmm?” tukso nito. “Naku Franco! Ewan ko sa iyo. Hipan mo na para makakain na kami. Kanina pa lang kami nagugutom for your information,” masungit nitong sabi. “Sungit naman nito sa birthday boy manang?” bumaling it okay nanay Cecil. “Baka naiiinip kaya nagsusungit?” hindi sigguradog sagot ng katulog. “Bakit naman naiinip?” “Antagal niyo kasi sir.” Naghiyawan lahat ng mga nandoon. Napatingin siya kay Franco na tumatawa narin. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sapagkat gusto niyang lumayo doon ngunit, hawak naman niya ang keyk. Pinamulahan na siya ng pisngi sapagkat pilit rin siyang tumatawa upang itago ang hiya sa kanyang sarili. “Gutom na iyang girlfriend mo sir,” sigaw naman ng isang lalaki. Napabaling siya kaagad dito. “Anong girlfriend ka diyan!” gulat niyang sabi habang natatawa. “Defensive!” sabay namang sigaw ng mga kalalakihan. Malakas na napatawa si Franco sapagkat nahihiya si Margarita. Hinayaan nalang ito ni Margarita at napailing na lamang. Tumingin siya kay Franco at ito naman ay tumingin pabalik sa kanya. Inangat niya ang kanyang dalang keyk para hipan ito ni Franco. “Hipan mo na sir! Namamanhid na ang kamay ng girlfriend mo.” “Sige na nga,” ani nito habang mapanuksong tinitignan si Margarita. Bumuntong-hininga na lamang si Margarita at hinayaan nalang ang mga ito. Lumapit si Franco sa keyk at ipinikit nito ang mga mata. Napansin niya ang mahahaba at makakapal nitong talukap. Para itong anghel na natutulog, napakaamo ng mukha. Hinipan ito ni Marco kasabay ng pagdilat ng mga mata nito. “Tapos mo na ba akong titigan?” nakangising tanong nito. “Hindi po kita tinititigan. Nakatingin po lamang ako sa keyk,” ani niya habang nakataas ang kilay. “Sabi mo,” at matamis itong ngumiti. “Kain na tayo,” sabi nit habang binabalingan ang mga nakapalibot sa kanila. Mabilis na kumuha ang mga ito ng mga pinggan kaya naiwan silang dalawa na nakatayo malapit sa bonfire. Hindi na muna nilagay ni Margarita ang keyk sapagkat napakadami pang tao dito. Nagulat siya noong kunin ni Franco ang dala niyang keyk. “Ako na baka lumaki pa ang braso mo,” tukso nito. “Pasalamat ka birthday mo ngayon,” nagtitimpi niyang sagot. “Nagsungit ka naman kanina. Tinatanong ko lang naman kung ‘how do I look tonight’ tapos nagsungit naman agad,” ani nito habang nakanguso ang mga labi. “Parang kang ano,” bitin nitong sabi. “Parang ano?” baling niya dito kaagad. “Wala” at mahinang natawa si Franco. “Pinggan niyo po sir,” ani ni manang Cecil habang binibigay ang plato at kubyertos. Kinuha ito ni Franco at ibinigay naman ito sa kanya. Ikinagulat ito ni Margarita kaya tinanggap niya nalang baka mabasag pa ang plato. “Maraming Salamat,” kagat-labing sagot ni Margarita. “Sweet naman. Naaalala ko na naman ang aking asawa dahil sa inyo.” “Naku nay! Ayan na naman kayo. Hindi po kami magkasintahan.” “Bagay naman kami. Diba po?” painosente nitong tanong. “Aba oo! Bagay kayong dalawa.” “Naku kailan pa naging bagay tignan kung hindi naman ako kagandahan?” “Asus! Nag-emote pa. Kumain na nga lang tayo,” ani nito at kinaladkad si Margarita. Napatingin naman si Margarita kay nanay Cecil na naiwan. Nakangisi lamang ito habang nakatingin sa kanila. Napatingin siya kay Franco noong hapitin ang kanyang bewang habang naglalakad sila papunta sa lamesang may pagkain. Nilapag nito ang dalang keyk at inilapit ang mga labi nito sa kanyang tenga. “So sinasabi mo ngang gwapo akong tignan ngayon?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD