Chapter Thirty-Two – Guilty
“Maghunos-dili ka nga Franco,” ani niya at pinilit na tanggalin ang kamay na nakayakap sa kanyang mga beywang. “Porke’t birthday mo ngayon, magagawa mo ang iyong mga gusto,” babala niya dito.
“Hindi ba pwedeng friendly gesture lang?” ani nito habang pinipigilan ang ngiti.
“Friendly gesture ka diyan. Babaero ka kasi kaya ayan! Iyang mga kamay mo kung makalingkis,” ani niya at inikutan ito ng mata.
“Judgemental mo naman,” tunog nagtatampo na naman ito.
“Huwag ako Franco! Hindi mo ako madadala sa mga paandar mo,” sagot niya at bahagyang tumawa. “Mabuti pa ay kumain ka na rin para naman magkalaman iyang utak mo.”
“Pwede mo rin ba akong ikuha ng pagkain?” ani nito habang ang mga mata ay makikitaan ng pagsusumamo.
Napaatras siya dahil sa pagkakagulat. Bumuga siya ng hangin at kinuha ang pinggan sa kamay nito. Wala siyang magawa kung tatanggi pa siya sapagkat alam niyang mangungulit lamang ito.
“Sige na nga! Para sa birthday boy,” ani niya habang sumandok ng kanin.
Napaaray siya habang kumukuha ng kanin dahil piningot ni Franco ang ilong niya. Matagal pa itong nakakurot sa ilong niya habang patuloy siya sa pagkuha ng kanin. Iniiwas-iwas nito ang mukha para matanggal ang pagkakakurot ngunit, malakas ang hawak ni Franco dito.
“Aray Franco! Masakit na kaya tanggalin mo na ang iyong kamay,” galit nitong sabi.
“Ayaw ko! Ang kyut mong tignan.”
Bigla siyang napatigil sapagkat ramdam niyang nag-iinit ang kanyang mukha. Binilisan niya ang paglagay ng mga ulam sa pinggan ni Franco. Iwinasiwas niya rin ang kanyang mukha at mabuti nalang natanggal ang kamay ni Franco dito.
“Ito na! Ang atat nito,” dabog nito habang binibigay ang pinggang puno ng pagkain. “Para kang bata,” dagdag nito at iniwas ang kanyang namumulang mukha.”
“Okay ka lang? Pinagpawisan ka ata?”
Masusing tiningnan ni Franco ang kanyang mukha kaya mabilis niya itong pinahiran ang mga pawis. Ibinaling niya rin ang kanyang mukha sa kanyang tagiliran upang hindi mapansin nito ang namumulang mukha. Mabilis niyang pinulot ang kanyang mukha at nagsimula na itong kumuha ng mga pagkain. Para iwasan lamang ang mga matang nagmamatyag sa kanya.
“Huwag ka nalang kumuha. Madami ka namang kinuha para sa akin,” ani nito at inangat ang plato ng kabundok na kanin at ulam. “Sige na! Hindi ko ito kayang ubusin,” pagsusumamo nito.
Kinilabutan si Margarita noong dinig nito ang pagsusumamo. Hindi na niya kaya. She was only twenty and her feelings can be easily persuade. Humugot siya ng malalim na hininga at hinarap si Franco.
“Kumain ka na po sir Franco,” malinaw nitong bigkas. “Doon ka nalang sa mga kalalakihan,” pagtataboy niya dito.
“Wait,” tigil niya kay Margarita. “Nahihiya ka ba sa sakin? It seems like you are driving me away,” naniningkit ang mga mata nitong tinitingnan si Margarita.
Kinagat ni Margarita ang kanyang pang-ibabang labi upang hindi matawa. “Hindi,” tanging nasagot niya.
“Bakit mo ako pinapapunta doon?” baling nito kung saan nakaupo ang mga lalaki.
“Doon ako kakain katabi kay nanay Cecil.”
“Dinahilan pa?” smirking. “I don’t mind sharing my food with you,” suhestiyon nito.
Inangat ni Margarita ang kanyang pinggan na may laman ding kanin at ulam. “I have mine already,” malapad nitong ngiti kay Franco.
“You really are making ways to get rid of me huh?”
“Hindi kaya! Hindi naman magandang tignan na magsasalo tayo ng pagkain. We are not into each other Franco. Baka sabihin pa nilang tayo talaga. We should avoid misconception!” maligaya pa niyang pahayag.
“No! You are thinking too much. Tingnan mo?” turo nito sa mga taong abalang kumakain. “See? Wala silang pakialam sa atin kasi they often see us a lot together. You are making your own misconception Margarita,” ani nito habang umiiling.
Kahit nakatikom na ang bibig ni Margarita hindi niya mapigilan pigilan ang pagtagis ng kanyang mga ngipin. She can’t drive franco away from her. Ginagawa niya ang lahat na ito ay mapalayo man lang sa kanya sapagkat kaibigan lang talaga ang kaya niyang maibigay.
“Sige na nga,” pagsuko ni Franco. “Baka sabihin mo pang pinilit kita. Tapos magsusungit ka na naman,” ani nito at piningot ulit ang ilong niya bago siya iwan ng tuluyan.
Noong nakalayo na si Franco, naramdaman niyang nagi-guilty siya sa kanyang ginawang pagtaboy dito. Ginawa niya lang kung ano ang nararapat bilang kaibigan. She might be overthinking but she was just very cautious. Napabuga siya ng hininga at naglakad nalang papunta kay nanay Cecil.
“Nasaan si Franco nak?” bungad sa kanya ni nanay Cecil pagkarating niya.
“Nandoon po nay,” baling niya kay Franco na ngayon ay nagkikipag-usap na sa ibang kalalakihan.
“Akala ko dito siya kakain?”
Hindi siya kaagad nakasagot sapagkat siya ang nagtaboy nito. “Doon daw muna siya,” pagsisinungaling niya. Nagsimula narin siyang kumain para ibsan ang kaba sa kanyang dibdib. Naeenjoy niya din ang pagkain sapagkat masarap ang pagkakaluto nito.
“Sabi niya kasi kanina sa akin na tatabi daw siya sayo.”
“Ho?” muntik na siyang mabulunan noong sinabi ito ni nanay Cecil. “Wala naman po siyang sinabi sa akin na ganyan?”
“Baka tinaboy mo?
“Ang sarap talaga ng luto niyo nay,” puri niya dito habang pinipilat na bininat ang mukha.
“Parang hindi ka naman nasanay,” nakangiti nitong sagot habang kinikilig.
“Totoo po! Ang sarap talaga!”
“Naku! Mahusay ka na talagang mambola. Noon, napakahirap mong magsalita sa amin,” napailing ito. “Ang bilis talaga ng panahon. At ngayon, ito ka na! Napakamasiyahing bata,” puri niya dito.
Napangiti siya sa sapagkat kumagat dito si nanay Cecil. Magtatanong lamang ito tungkol kay Franco at ayaw na niya itong pag-usapan dahil nagi-guilty siya dito. Napatingin siya sa malayo kung saan makikita si Franco. Hindi niya ginustong masaktan ito sa ginawa niya kanina pero, inaasam niyang nawa ay hindi talaga ito nasaktan dahil sa pagtaboy niya.
Bumaling siya ulit kay nanay Cecil na nagsasalita parin tungkol sa kanya. Magiisang buwan na nga ang lumipas noong napadpad siya dito. Naalala niya kung paano niya tinaboy ang mga tao dito para lang mapag-isa siya. Pero ito sila ngayon, nanatili sa kanyang tabi. Hindi man lang siya nakatanggap ng mga masasakit na salita tungkol sa kanyang salita. Masaya siya sapagkat ngayon, hindi siya nagkamali sa pagbibigay ng kanyang tiwala. Katulad din nila, nagpapasalamat siya sapagkat nagtiwala sila sa kanya kahit hindi ito lubusang kilala.
“Hali ka na! Tinatawag na tayo nina Julio makikipagsayawan raw sila.”
“Teka muna! Hindi pa ako tapos.”
“Bilisan mo na baka isayaw pa ng ibang babae. Alam mo na mahiyain na ang mga kalalakihan ngayon.”
“Ang rupok naman natin te kung ganoon?”
“Huwag ka na mag inarte day kung hindi mo gusto maging byuda habang buhay.”
Napatawa si Margarita habang nakikinig sa usapan ng mga kababaihan. ‘Iba na nga ata ang mundo ngayon’ ani niya sa kanyang isipan. Binalingan niya ang mga kalalakihang nag-aantay malapit sa bon fire. Ang mga babae naman ay dali-daling nagtungo papunta roon. Napailing na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.
“Punta mo na ako doon anak,” paalam ni nanay Cecil.
“Saan po nay?” taka iyang tanong. ‘Hindi naman ata?’
“Nandito ang asawa ko. Sasayaw muna kami.”
“Ipapakilala kita mamaya sa kanya,”
Tama nga siya. Nginitian niya ito at tinanguan bilang pagsang-ayon. Dali-dali itong naglakad kung saan naroroon ang asawa. Nagkibit siya ng balikat sapagkat unti-unti siyang nakaramdam ng kapanglawan. Nag-iisa na lamang siya at hindi niya naman gaano kakilala ang mga naiwang kababaihan ilang metro ang layo sa kanya.
Ilang subo pa ng kanin at ulam, malapit ng maubos ni Margarita ang kanyang kinakain. Tanaw niya ang ibang kababaihan at kalalakihan na nagsasayawan na malapit sa bonfire. Malayang hinihipan ng hangin ang kanyang buhok kaya napatingin siya sa malawak na karagatan. Tila may mga dyamanteng nakalutang dito sapagkat kumikinang ang mga ito dahil sa liwanag ng buwan. Napapikit siya habang dinaramdam ang mga sandaling iyon.
“Pwede ba kitang isayaw?” ani ni Franco sa baritonong boses.
Napabaling siya kaagad dito. Naghiyawan naman ang mga ibang kababaihang natira sa mesa. Nagdadalawang-isip siya kung tatanggapin niya ba ito sapagkat nahihiya siya. Mas nakakahiya naman kung tatanggihan niya ito, baka sabihin pa ng iba na mapili siya.
“Bakit ako,” bulong niya kay Franco. Nahihiya siyang tumingin sa kanyang paligid. “Nakakahiya. Marami namang pwede diyan?”
“Anong nakakahiya? Ikaw lang naman ang malapit sa akin dito na pwede kong isayaw,” naguguluhang sagot ni Franco habang natatawa.
“Tingnan mo ang soot ko Franco. Nakakahiya talaga,” ani niya habang nagpatianod kay Franco.
“Ano naman ang masama sa sinusoot mo?” tanong nito at hinubad ang sinoot na tuxedo. Naghiyawan ang mga nagsasayawaan roon. Pares-pares din sila habang nagyayakapan ang mga ito.
“Bakit ka naghubad?” gulat niyang sabi noong naghubad ito. Mas lumitaw ang makisig nitong pangangatawan dahil sa pagkakahulma ng puti nitong long sleeve. Masikip itong tignan sa kanya ngunit, bumabagay din ito sa kanya at the same time.
“Naiinitan ako. Huwag kang mag-aalala kasi may natira pa namang long-sleeve,” bulong nito. “Sige na. Huwag ka ng mahiya,” dagdag nito.
Unti-unting inabot ni Franco ang mga kamay niya. Napakunot ang mga nagtatanong na kilay niya habang tintignan si Franco. Nilagay ni Franco ang kanyang mga kamay sa makikisig nitong bisig. Napakaliit nitong tignan habang nakapatong ito doon. Dama niya rin ang mga malalaki nitong kamay na dahan-dahang yumayakap sa kanyang beywang. Napapikit siya noong naramdaman niya ang kiliti sa pagkakahawak ni Franco.