CHAPTER 33

1838 Words
Chapter Thirty-three - Chance "Feeling the moment?" Bulong ni Franco na siyang nagpadilat sa kanyang mga mata. Umiling ito kaagad upang sabihin na mali ito. Umakto naman na hindi ito naniniwala kaya kinurot niya ang dibdib nito kung saan malayang nakalagay ang kanyang mga kamay. "Aray! Masak-" tigil nito sa sarili. Kinagat muna nito ang labi bago nagsalita ulit. "Matigas ba ang aking dibdib?" "Oo matigas!" Natawa siya noong bahagya pang kinikig si Franco. "Iyon nga kasing tigas ng bato. Magaspang din naman." Bawi niya kaya hindi na maipinta ang mukha nito. "Parati mo nalang akong sinasaktan Margarita." Natawa dito si Margarita. "Hindi bagay sa iyo ang mag-emo. Ang laki-laki ng katawan tapos crybaby pala?" Malakas na tumawa si Margarita sapagkat inikutan siya nito ng mata. "Sige pagtawanan mo lang ako. Kapag ako ang makakabawi," ani nitong naghahamon. "Siguraduhin mo lang na hindi ka magagalit." "Hindi ako natatakot," sagot nito sa hamon ni Franco. "Totoo?" Bulong nito at mas nilapit ni Franco ang kanyang katawan. "Ano ba Franco!" Tumingin siya sa paligid habang binubulong ang mga ito na may diin. "Anong masama? Isinasayaw kita ng maayos galit na agad. Akala ko hindi ka natatakot sa hamon ko?" Inikutan nalang niya ito ng mata at hinayaan nalang kung ano man ang gagawin nito. Tiningnan niya ulit ito ngunit napabaling siya kaagad sapagkat nakatingin ito ng mariin. Gusto niya naman ulit bumaling sa kabilang dako sapagkat nakasunod ang mukha nito kung saan siya titingin. "Bakit hindi ka makatingin?" Ramdam niya ang boses nitong nagva-vibrate sa katawan. Nagkalapat kasi ang kanilang katawan sapagkat palaging dinidiin ni Franco ang sarili nito. Iniiwas niya naman ito sapagkat nakakailang kapag lumalapat ang kanyang dibdib at ang ibang dibdib nito. "Sumayaw ka nalang Franco." Tumikhim siya habang nilalayo ulit ang kanyang sarili. "Huwag ka ngang lumayo," hinatak nito ang kanyang beywang at niyakap niyang tuluyan ang kanyang likuran. Nag-iinit na naman siya sapagkat dama nito ang bawat parte ni Franco. Ang matigas nitong katawan ay damang-dama niya. Ultimo kaunting galawa man lang hindi niya magawa sapagkat mahigpit ang pagkakahawak nito. "Hindi ako makahinga Franco! Ang higpit," tanggi niya. "Gusto kong tumawa dahil nahihirapan ka ngayon. Pero, mahirap kang tignan kasi nahihirapan ka. Hindi kita kayang tignan na nahihirapan ka ," ani nito at niluwagan ang pagkakayakap. Sakto lang para makontrol parin nito si Margarita. "Pero ang sikip parin." "Hindi na kasing sikip kaysa kanina," agaran naman nitong sagot. "So, naaawa ka sa akin kasi nahihirapan ako? O dahil ba sa itsura ko kaya ako nagmumukhang kawawa?" Nagulat si Franco sa diretsang tanong ni Margarita. Hindi niya aakalaing ganito ang iisipin nito sa sinabi niya. Niluwagan nito ang pagkakayakap sa beywang ni Margarita, sapat lang para maayos ang pagdaloy ng hangin sa kanilang mga katawan. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin Margarita." Tinaasan ito ni Margarita ng kilay tanda na handa itong makinig. "Ayaw ko ng makita na nahihirapan ka kasi parang nasasaktan din ako. Naaalala ko kasi iyong unang dating mo dito. At iyon ang ayaw kong maaalala sa iyo," sinsero nitong sabi habang nagkatitigan ang mga mata. Humalakhak ng mahina si Margarita. "Alam ko. It was just a prank," ani niya ngunit binawi ang sarili sa paghalakhak. Seryosong nakatigtig si Franco sa kanya habang sinasabayan nila ang tugtog ng musika. Ibat-ibang silweta ni Franco ang kanyang nakikita habang sila ay umiikot. Napakaseryoso nitong tingnan kaya napatikom siya ng labi sapagkat mali ang kanyang ginawa. "Listen. I am serious Margarita. The first time I laid my eyes on you, on that day, my heart skips on beating," bulong nito sapat lang para marinig niya ito. Gusto niya ito pigilan ngunit nadadala siya sa kung paano kaseryoso ito. Ang mga mata nitong nangungusap, ang nakakunot nitong noo, at kung paano kapantay ang labi nito ay siyang nagiging dahilan para hindi siya makatutol. Humugot nalang siya ng malalim na hininga habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin. “I laid my eyes when I heard that your name is Margarita. Gusto ko lang tingnan at kumpirmahin na ikaw nga ang nawawalang anak ng donyo. And because of that, my heart skips on beating confirming na ikaw nga iyon. Sinabi ko sa aking sarili, ‘finally makakapaghiganti na ako sa pagkakamatay ng aking ina’ at iyon talaga ang aking naging rason para tulungan ka,” mahabang litanya nito habang unti-unti lumandas ang luha nito sa pisngi. Nanlaki ang mga mata ni Margarita sapagkat ngayon niya lamang nasaksihan ito na umiiyak. Unti-unting bumaba ang mga kamay niyang nagpahinga sa mga dibdib nito. Gusto niya itong hagurin man lang upang ibsan ang sakit na nararamdaman ngunit, hindi niya ito nagawa. Naalala niya na anak siya ng pumatay sa ina nito. “I was very happy at that time dahil you look very miserable. At wala ng mas makakapantay pa sa aking kaligayahan na makitang naghihirap ang anak ng pumatay sa aking ina. Ngunit, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman kung bakit sa tuwing nakikita kitang nasasaktan, nagi-guilty ako dahil sa aking pagtawa.” Tango lamang ang naging sagot niya habang unti-unting nararamdaman ang pagbigat ng kanyang dibdib. Para siyang mapapaso kung hahawakan man lang niya ang anak ng pinatay ng kanyang ama. Naaawa siya habang tinitingnan si Franco na patuloy ang pagbuhos ng mga luha sa pisngi nito. “But as time passed by, unti-unti ko ng napapangalanan ang mga emosyon na hindi ko maintindihan. Mas nakilala kita bilang sino ka talaga. At nagi-guilty ako sapagkat I was horrible for thinking ill of you. I forgot how to be humane on other people. Nagpadala ako sa bugso ng kaing damdamin and I am very sorry for that,” ani nito habang humahagulhol sa kanyang harapan. Napatingala siya dahil nagsisimula na naman lumabas ang mga pinipigilan niyang luha. It twitched her heart seeing Franco, how sorry he is for what he had done. It twitched even more when Franco is very humble to say sorry, even if her father killed his mother. Hindi nararapat na humingi si Franco sa kanya ng kapatawaran sapagkat mas malaki ang naging kasal-anan ng pamilya niya dito. “Please Franco, don’t cry. Let us stop this. We already had talked about this before. I do not deserve your apology,” pareho na silang umiiyak ngayon. “No! You need to hear me out, Margarita. I was not able to say, how sorry am I for putting all my frustrations to you. I did not mean it, Margarita. It was just, I was drawn by my emotions that is why.” “I know Franco, so please?” Almost pleading. “I understand you! I do not deserve your apology. You are the one who deserves an apology, not just that but also justice. I already told you before, I understand if you will be angry at me.” “No,” napailing si Franco. “You need to hear me out more,” ani nito sabay hawak sa kanyang mga kamay. “Can you do me a favor?” Gusto niyang umiling sapagkat hindi niya naiintindihan kung ano ang sinasabi nito. Ngunit, napatango na lamang siya sapagkat humihingi na ito ng pabor sa kanya. Dahan-dahan nitong pinulupot ang kanyang mga kamay sa beywang nito. “Just tonight Margarita. Favor for the birthday boy. Is that too much too ask?” bulong nito sa kanya. “No. It’s not too much Franco.” Malaya siyang niyakap ni Franco habang nilagay nito ang baba sa kanyang balikat. Dama niya ang pangungulila nito sa isang ina. Para itong nag-iisa sa tanang buhay nito sapagkat kay higpit nitong yumakap. Nakapagtatakang isipin  na wala siyang nakilala na kapamilya man lang nito para may mapagsabihan kung may mga problema nito. Gusto man niya itong tanungin ngunit, hindi ito ang tamang panahon para itanong niya ito. “Matagal ko na kasing kinikimkim sa aking dibdib lahat ng sakit na aking nadaanan. Ngunit , wala akong mapagsabihan man lang o makausap man lang. I always long for someone who is brave enough para harapin ako, pakinggan ang aking mga problema, at magiging sandalan tuwing gusto kong magpahinga. Thank you for coming into my life kung hindi baka natuliling na ako ng tuluyan,” natatawa ito habang pinupunasan ang mga luha. Natawa rin si Margarita dahil sa sinabi ni Franco. “Hindi naman! Meron ka namang mapagsasabihan kung magiging open ka lang sa kanila. Just look at them,” ani niya at binalingan ang mga taong nagsasayawan. “Hindi ko alam kung gaano na kayo katagal magkasama ngunit, minsan pagkatiwalaan mo minsan ang tao para may makausap ka, mailabas ang bigat sa iyong dibdib, at humingi ng mga payo. In that way, you can build a strong foundation on your relationship upang pagkatiwalaan niyo ang isa’t-isa.” “Diba sabi ko sa iyo moment ko ito? Bakit mo inagaw?” “Hindi ko naman inagaw,” ani niya at hinagod ang likuran nito. “Pinapayuhan lang kita.” “Ayan! Ganyan nga,” ungol nito. Napailing naman si Margarita. “Iba pabor naman ang hinihingi mo Franco. Akala ko ba mag-eemo ka pa?” “Huwag nalang baka sabihin mo pang kay laki-laki kong tao pero nag-eemo,” ani nito habang ginagaya ang boses ni Margarita. “Buti alam mo?” “Pero seryoso, I am very sorry Margarita for what I had done. Pero at the same time hindi nalag siguro? Kasi dahil sa galit ko sa iyo, you always occupied my mind. At hindi ko napansin na, eventually, my thoughts of you fell in my heart.” “Naku! Ano na namang paandar ito Franco?” “Favor nga diba?” “Sige na nga! Kung hindi mo lang kaarawan talaga ngayon,” pagsusungit niya dito. Natawa ito. “Tapos ayon napilitang umamin ngunit binasted rin,” napailing naman ito. “Dahan-dahan naman sa mga sinasabi mo Margarita dahil masakit.” “Anong gusto mo paasahin kita? Ganoon?” “Hindi naman. Just be a little more gentle on how you will reject someone’s feelings.” “As long as the thought is there!” Natawa nalang silang dalawa. Ramdam nila ang mga katawang naghahagikhikan. “Can you give me another chance?” “Franco?” “What?” Hindi niya ito inimikan. “Chance to be your boyfriend?” “Boyfriend?” “Oo!” “We had already talked about this.” “Boyfriend as in, boy space friend. Kaibigang lalaki kasi tatanggihan mo rin lang naman ako. Kaya no choice.” “Magkaibigan na naman tayo Franco.” “Salamat!” Malakas nitong sigaw na ikinagulat niya. Pinagtitinginan sila ng mga tao. Kumalas siya sa pagkakayakap upang tignan ang reaksyon nito. Kung makasigaw wagas. “Bakit ang OA mo?” “Diba sabi mong matagal na tayong magkaibigan?” “Oo. Kakasabi ko lang,” nakakunot ang kanyang mga noo sapakat hiindi niya ito maintindihan. “Magka-ibigan?” ani nito at mabilis na tumakbo. Natawa na lamang si Margarita dahil sa kakulitan nito. Binalewala niya lamang ito at hindi nalang hinabol. Masaya siya sapagkat naging maganda ang kanilang pag-uusap ngayong gabi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD