Chapter Thirty-four – Tuwalya
“Hmm,” she was humming the tune of the music while taking a bath. Maaga siyang naghanda ngayon sapagkat pupunta sila ngayon sa susunod na probinsya kung saan siya gaganapin ang surgery. Bukas ang araw na napagkasunduan nila para sa magiging surgery ng kanyang nasunog na balat. Wala ding trabaho si Franco ng isang linggo kaya saktong maaasikaso siya nito para sa kanyang operasyon.
Ilang araw na rin ang nagdaan noong kaarawan ni Franco pero natatawa parin siya kapag naaalala niya ang kakulitan nito. Simula nung gabing iyon ay mas naging matalik na silang kaibigan. Walang araw na kinukulit siya nito, kahit saang sulok man ay nagagawa nitong sirain ang araw niya.
“Margarita hija?” tawag sa kanya ni nanay Cecil.
“Po?” sagot nito habang binababad ang sarili sa ilalim ng shower.
“Saan dito ang isusuot mo? Walang ka damit-damit itong cabinet mo. Ang dadalhin mong damit?” sigaw nito na kanyang ikinahiya.
Napakagat siya sa kanyang labi dahil sa kahihiyang makita ito ng ibang tao. Hindi niya ikinakahiyang pabalik-balik lamang ang limang pares niyang damit araw-araw. Wala naman siyang natanggap na pintas tungkol sa paulit-ulit niyang damit kaya nasanay nalang din siya.
“Nilabhan ko po kasi kahapon ang iba kong damit tapos ‘di pa tuyo kaya nasa sampayan pa,” nahihiya niyang sagot.
“May maisusuot ka bang damit ngayon? Ang dadalhin mo doon? Pwede tayong makihiram–“
“Huwag na po nay! May damit naman po ako ditong susuotin. May hinanda narin akong damit kaya huwag na po kayong mag-aalala.” agaran nitong sabi na ikinatigil ng matanda.
“Ganoon ba? O siya sige! Bilisan mo daw diyan utos sa akin ni sir Franco,” rinig niyang sabi nito na kanyang ikinailing.
“Mag-aalas sais pa lang po. Naku! Ito talaga si Franco kay agang mambuwisit.”
“Haha! O siya. Mauuna na ako baka nasusunog na iyong niluluto ko.”
“Sige nay! Susunod nalang po ako,” sigaw niya dito.
Mabilis niyang tinapos ang kanyang pagligo para mauna siya kay Franco. Alam niyang hindi pa ito handa kay siya na muna ang mangungulit. Isinuot niya ang damit na isinoot niya noong kaarawan ni Franco. Wala siyang ibang damit na maganda man lang siya tignan bukod dito.
Nagtungo siya sa vanity mirror para ayusan ang sarili. Kinuha niya ang tuwalyang nakapatong sa kanyang ulo at kanya itong nilugay. Nginitian niya ang kanyang sarili sa repleksyon ng salamin kahit ang mga mata niya ay malungkot. Ang peklat nito sa kaliwang bahagi ng pisngi patungo sa ulo nito. Nilugay niya ang kanyang basang buhok papunta sa kabila upang takpan ito. Nginitian niya ulit ang sarili bago umalis doon.
Bumungad sa kanya ang magandang kalangitan. Katamtaman lamang ang mga ulap na makikita dito, ang sikat ng araw ay malayang dumadampi sa kanyang balat, at ang lamig na hanging nanggagaling sa dagat. Bitbit niya ang kanyang bag na may lamang mga damit at nilagay muna ito sa upoan na nasa labas.
“Nay? Nasaan po si Franco?” bulong nito pagkapasok ng kusina.
“Nasa kwarto pa niya hindi pa bumababa.”
Napangisi naman si Margarita. “Salamat po nay!”
“May binabalak ka na naman?”
“Ako naman po ang mangungulit sa kanya. Maghanda siya,” halakhak niya.
“Kayo talaga,” ani nito at napailing.
“Tutulong po ako pagbalik dito nay. Sandali lang naman ako.”
“O siya! Sige,” ani nito kaya mabilis siyang nagtungo papunta sa kwarto ni Franco.
Nilandas niya muli ang mahabang hagdan na may nakabiting chandelier. Kumikinang ito sa bawat tagos ng araw, na kanyang hindi pinagsasawaang tignan. Ang mga magandang pintura na nakabitin sa mga dingding nito.
Tinakbo niya ang kwarto ni Franco pagkarating ng ikalawang palapag. Nakinig muna ito kung nasa loob ito bago pumasok. Pinihit niya ang pintuan at tama nga siya, nasa banyo pa ito naliligo. Tiningnan nito ang mga kagamitan sa loob ng kwarto. Wala siyang mapagdiskitahan kaya naisip niyang pasukin ito sa banyo na miminsan niya na ring nagawa.
Natawa siya sapagkat hindi parin ito naglo-lock ng pintuan. Pinasok niya ito at naliligo pa si Franco sa isang frosted glass shower. Nakita niya ang tuwalya nitong nakabitin sa labas ng hawakan nito at ito ay kanyang kinuha. Nakatalikod ito kaya hindi siya mapapansin nitong kinukuha ang tuwalya.
Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng banyo noong narinig nitong pinatay ang shower. Agad siyang lumabas ng banyo at hindi na nagawa pang pagsarhan ang pintuan ng kwarto. Pagkalabas niya ay nilagay niya ang tuwalya sa upoang sopa ng lounge area. Mabilis siyang bumaba at bago pa siya tuluyang makaabot sa kusina ay narinig niya ang sigaw ni Franco sa pangalan niya.
“Anong nangyari kay Franco?” ani nito habang bitbit ang ulam.
“Wala po nay,” ngiti nitong sagot. “May pagkain pa po ba kayong hindi nalagay sa lalagyan?”
“Wala na. Iyong mga pinggan nalang anak pakilagay doon sa lamesa.”
“Sige po nay,” malumanay nitong sagot.
Nakangiti siyang bitbit ang mga pinggan papunta sa dining room nito. Maganda rin ang pagkakadisenyo nito. Mga nakabiting maliit na chandelier, mga larawan na nakapaligid, malaking salamin na mesa, at ang mga modernong upoan. Ngunit nagtaka siya sapagkat walang pagkain ang makikita dito.
Tiningnan niya ang alfresco at tama nga siya nandoon si manang Cecil. Doon din minsan sila kumakain pero minsanan lang talaga. Nagtungo siya doon at muntik na malaglag ang dala niyang mga pinggan ng makita niya si Franco na nakaharang sa labasan nito. Naka-ekis ang mga kilay habang nagkasalungat ang mga kamay nito sa dibdib.
Malakas siyang napatawa dahil makikita talaga sa mukha nito na pikon ito. Nai-imagine niya pang may usok na lumalabas sa ilong nito. Inilingan lamang niya ito at nilampasan. Nadatnan niya naman si nanay Cecil na nakataas ang mga kilay. Naisip niyang nagtanong ito kay Franco kung ano ang nangyari kanina kaya nakatingi ito sa kanya ngayon.
Mabuti nalang at nilagay niya kaagad ang plato noong kiniliti siya ni Franco. Hinarap niya ito para pigilan ngunit nakikiliti siya kaya hindi niya magawang patigilin. Tawa lang siya ng tawa habang ang mukha naman ni Franco ay galit.
“Kabayaran mo iyan sa pambusuwesit mo sa akin,” ani nito noong tinigilan si Franco.
Hingal na hingal parin si Margarita kaya hindi ito nakasagot. Tawang-tawa parin ito sapagkat nainis na naman si Franco. Humakbang siya palayo dito upang hindi na siya nito kikilitiin sa beywang.
“Pang energizer lang Franco. Nagustuhan mo ba?” tukso niya dito.
“Hinanap ko ang tuwalya na nakahubad ako Margarita,” ani nito sa boses na nagpipigil.
“Wala namang tao doon Franco. Kaya malaya kang makakalakad kahit wala kang damit.”
“Mabuti nalang talaga at nandoon si inday at siya ang inutusan ko. Nilagay mo pa talaga sa labas ng kwarto? Mamaya ka sa akin,” banta nito.
“O siya mamaya na iyang alitan niyo. Kumain muna kayo baka malilate pa kayo,” tigil ni manang Cecil sa dalawa.
Umupo nalang si Margarita at humingi ng paumanhin dito. Tinanguan na lamang ito ni Franco at umupo narin. Silang dalawa lamang ang umupo at maiilang lamang siya kung wala siyang ibang kasama. Paniguradong hindi titigil si Franco sa pagbibigay ng seremonya nito.
“Umupo na po kayo nay. Nasaan po ba sila?” nahintatakutan niyang tanong.
“Huh? Busog pa ako nak. Balik muna ako sa kusina,” ani nitong ikinatango niya.
Wala na siyang magagawa pa kaya nagpaalam narin siya dito. Nakatungo lamang siya at dahan-dahang kumuha ng kanin at ulam. Hindi niya alam kung tinitignan ba siya ni Franco o hindi. Basta ang importante hindi siya makikipag-eye contact baka magagalit naman ito. Isang halakhak ang kanyang narinig kaya napabaling siya dito. Masama niya itong tinignan sapagkat pinagtatawanan siya nito.
“Anong tinatawa-tawa mo diyan?” siya na naman ngayon ang naimbyerna.
“Your face is so–“ hindi nito natapos ang sasabihin dahil tumawa na ito ng tuluyan.
“Ewan ko sa iyo. Ang unfair mo! Parati mo akong kinukulit. Pero kapag ikaw naman ang kinukulit ko, nagagalit ka na parang dragon.”
“Sino naman ang nagsabi sayong galit ako?”
“Eh paano. Iyong awra mo kanina parang gusto mo akong patayin.”
“Sobra ka naman kung mag-isip. Nagtampo lang naman ako. Promise hindi kita papatayin kung magalit man ako. Pero kukulitin kita hanggang ikaw naman iyong magagalit.”
“Ewan ko nalang sa iyo,” at bahagyang lumuwag ang kanyang dibdib.
“So? Are you excited for you surgery tomorrow?” ani nito habang hinihiwa ang karne.
“Kaunti? Nakakatakot kaya,” subo niya naman sa pagkain.
“Huwag kang mag-aalala nandito naman ako. Sasamahan kita sa loob.”
“Hindi naman siguro ako bata para kailangan pang samahan. You can do what you want. Go where you want while I am still having my surgery.”
“You sure? Kasi may pupuntahan din kasi ako. Pero sandali lang din naman ako.”
“Oo okay lang. You can take your time. Matagal namang matatapos ang sugery. Pwedeng i-drop mo nalang ako sa ospital bukas.”
“No, I will accompany you to the doctor before going.”
“Okay,” ani nito at nagkibit ng balikat sa kung ano ang gusto nitong gawin.
“Siya nga pala, nasabi sa akin ni manang na wala ka dawng damit?”
Natigil siya sa pagsubo. “Hindi naman. May damit ako pero nilabhan ko kasi kahapon kaya nasa sampayan pa.”
“We can shop for clothes after ng surgery mo? Huwag nalang. Ako nalang ang bibili after meeting with my client.”
“Huwag na lang Franco. May damit pa naman ako, and I don’t need a new one. Nandito lang naman ako palagi kaya bakit kailangan ko pa ng bagong damit? Wala naman akong pupuntahan.”
“I know Margarita. Pero paano ka nito mapoprotektahan laban sa init o lamig kung manipis na ito. Are you comfortable with your clothes? Hindi ka ba giniginaw kung soot mo ito sa gabi? I know we don’t need one kung kaya tayong protektahan laban sa init at lamig na panahon. Dahil kung hindi na ito komportable pang suotin baka ito pa ang dahilan kung bakit magkakasakit ka pa.”
Hindi nalang nagsalita si Margarita sapagkat tama naman siya. Tumango na lang siya kahit labag sa kanyang loob. Nahihiya na siyang tumanggap pa kay Franco na marami ng naitulong sa kanya.
“Huwag ka ng mahiya,” ani nito at pinunasan ang bibig. Tumayo ito at pumunta malapit sa kanya. “What friends are for kung hindi natin tutulungan ang isat-isa?”
“Nakakahiya na Franco,” ani nito sa maliit na boses.
“Huwag ka sabing mahiya!” Piningot nito ang ilong ni Margarita kaya napa-aray siya kahit may pagkain sa kanyang bibig. Natawa ito habang tinitignan siyang nakabusangot.
“Ang sakit!” protesta nito habang hawak-hawak ang ilong.
“Ngumiti ka kasi! Bilisan mo diyan kung hindi iiwan kita,” banta nito at mabilis na tumakbo.
“Patapos na po!” At mabilis na inubos ang natitiyrang pagkain.