Chapter Thirty-five – Ama
“Okay lang ba itong suot ko?” ani niya habang tinitignan ang suot nitong damit. “Hindi ba ito nakakahiya sa doctor kung ito ang isusoot ko?”
“Diba may dinala ka namang ibang damit na nasa bag mo?”
“Oo ngunit ito lamang ang maayos na damit.”
“You are fine Margarita. Don’t stress yourself. Bibili nalang tayo pagkarating doon total bukas pa naman ang opersyon,” ani ni Franco at binuksan ang sasakyan.
Napabuntong-hininga na lamang siya sapagkat hindi na naman siya maka-ayaw kay Franco.
“Kamahalan,” inilahad nito ang kamay katulad ng isang magalang na lalaki chauffeur.
“Uhh?” napakurap siya sapagkat binuksan nito ang back seat.
“Magmumukha ako nitong driver mo Margarita,” nakapanglumbaba nitong ani.
“Pasensya na. Hindi ko alam na nagpapaupo ka sa front seat bukod sa mga babae mo?”
“Babae naman kita diba? What is wrong?” isang malakas na sapak ang kanyang natanggap galing kay Margarita.
“Dito na lang ako,” ani niya at binuksan ulit ang pintuan.
“Nagbibiro lang naman. Wala akong babae na pinapasakay dito dahil wala naman akong babae. I am not a Don Juan,” proud nitong sabi. “Sige na baka malate pa tayo.”
“Sige na nga. Maraming salamat,” pasasalamat nito at tumuloy na sa front seat.
Ngumiti muna ito sa kanya bago siya pagsarhan. Parati talaga siya nitong binibiro kaya inikutan niya ito ng mata. Mabilis na umikot si Franco sa harapan at umupo na sa driver seat.
“Seven-thirty pa naman. Mabuti ng maaga kaysa mahuli tayo sa ating sasakyang barko. We have five hours before our flight. We will travel for four hours and I hope hindi traffic baka maubos natin ang limang oras. Then, another hour sa ship. Kung meron lang sana talagang ospital malapit dito na nag-ooperate ng surgery hindi na tayo pupunta sa susunod na probinya.”
“Sorry Franco,” ani nito sa mahinang boses.
“No! It is fine Margarita. Ang akin lang kawawa ang mga pasyente kasi mapapagod lang sila.”
Tinanguan ito ni Margarita bilang pagsang-ayon. Pinaandar na nito ang sasakyan at tumulak na papunta sa ospital. Pagkarating nila sa highway ay naalala niya ang tinatahak nilang daan. Naalala niya bigla ang bandanang inihanda niya kanina. Hinanap niya ito ngunit hindi niya ito mahagilap.
“Nakita mo ba ang bandana?” baling nito kay Franco.
“Anong bandana?”
“Iyong pantakip ng ulo. Kulay itim iyon at mahaba,” kinakabahan niyang tugon baka kasi naiwan na ito.
“Ah ito ba?” sabay kuha samga gamit nito sa likuran.
“Ito nga iyon. Maraming salamat Franco,” ngiti niya dito.
“Naiwan mo kasi iyan kanina kaya kinuha ko na. Sabik na sabik ka na talaga,” ani nitong ng natatawa.
“Nakalimutan ko lang talaga. Pasensya na,” pagpapaumanhin nito.
“You don’t need naman siguro?”
“Gusto ko lang makasiguro Franco baka mamukhaan ako. Kahit may peklat na ang aking mukha, iba na ang damit na aking soot, at pumayat man ako alam kong makikilala parin ako ng aking ama. We had been for twenty years and that time is enough for him to memorize everything about me. Maybe, the way I talk, I walk, and my behavior. That is why we need to be more cautious Franco,” ani nitong ikinatango ni Franco.
“By the way, we will drop by a*****e baka gutumin tayo sa apat na oras nating byahe. Pwede kang matulog nalang dahil aantukin ka lang din naman,” suhestiyon nito.
“Huwag na! Sino pa ang kakausap sayo kung matutulog ako. Baka antukin ka pa?”
“No I am fine. I am used to this most of the time kapag may kliyente ako sa ibang probinsya.”
“Hindi pa naman ako inaantok. Kapag inaantok na ako matutulog talaga ako. By the way, ano ang gagawin mo doon bukod sa pagsama sa aking surgery. We have our whole week there. What are your plans?”
“Hindi pa naman ako nakapag-isip kung saan ako dahil ang operasyon lamang ang iniisip ko ngayon. Kung gagala man ako, maiiwan ka naman sa condo tapos you will be left alone? Maybe, I will just stay at the condo for the whole week.”
“Mabobored ka niyan? Okay lang talaga sa akin kung gagala ka man.”
“Nah! I will just stay,” at bumaling it okay Margarita.
“Maybe may mga high-end bars doon you can go there.”
“Tinataboy mo ba ako Margarita?”
“Hindi ko lang gusto na ma-bored ka the whole week because of me.”
“Then, will plan something na hindi ako mabobore at the same time kasama ka. We can spend all the time together. Watch movies, play online games, drink wine together, the cuddle with–“ sapak ang umabot sa kanyang mga braso kaya siya na pa aray.
“Cuddle ka diyan? Iyan talagang bibig mo! Kung hindi mo talaga iyan titigilan susuntukin ko na talaga ang mukha mo.”
“Haha! Biro lang naman. Basta ako na ang bahala! I will make sure na magugustuhan mo ang staycation doon.”
“Siguraduhin mo lang ang mga planong iyan baka may tumama talagang kamao,” banta niya dito.
“Isang oras na pala ang lumipas,” ani nito noong tignan ang relo.
Napahikab siya noong sinabi ito ni Franco. Unti-unting bumigat ang kanyang talukap habang gumibigat ang kanyang hininga. Ang huli niyag naalala ay napabaling siya kay Franco at tuluyan na siyang nagpahila sa antok.
Ilang minuto ang lumipas, napansin ito ni Franco kaya itinabi niya ang sasakyan para ayusin ang upoan nito. May pinindut ito at gumalaw ang upoan ni Margarita. Naging elevated na ito kaya malayang makakatulog dito si Margarita ng mahimbing. Tumingin-tingin si Franco sa labas para tingnan kung may tindahan malapit at mabuti nalang meron. Bumaba ito ng sasakyan at nagtungo doon para makabili ng pagkain.
It took him ten minutes to buy all the foods. Mahimbing na natutulog si Margarita nung datnan niya ito. Tumatagos ang init dito kaya ibinalot nito ang itim na bandana. Nilakasan niya din ang aircon ng sasakyan para hindi maiinitan si Margarita. Tumulak na siya sapagkat ilang oras na lang at mararating na nila ang pier.
Naalimpungatan si Margarita sa kanyang pagkakatulog noong narinig nito ang ingay na nanggagaling sa labas ng sasakyan. Madali lamang siyang nagigising kahit mahihinang tunog ang kanyang naririnig. Nagulat siya sapagkat bakit nakahiga na siya ngayon. Inilibot niya ang kanyang pangingin para hanapin si Franco.
“Franco?” tawag niya dito.
“Gising ka na pala,” ani nito. “Huwag ka munang gumalaw,” at may pinindot ito upang ibalik sa orihinal na pwesto ang kanyang upoan.
Kinusot nito ang mga mata habang tumingin-tingin ito sa paligid. “Malapit na ba tayo sa pier?”
“Oo malapit na tayo. Ang aga mo namang nagising? Isasakay din natin itong sasakyan.”
“Nagising kasi ako sa ingay. Anong oras na ba?” baling niya dito.
“Mag-aalas dose palang naman. Ito kain ka na muna,” ani nito at ibinigay ang isang supot ng pagkain at inumin.
“Thanks. Almost four hours pala akong tulog,” at tinanggap niya ang binigay nitong pagkain.
“Mabuti at nakabili ka nitong burger at float?”
“Yeah! You were sleeping soundly noong binili ko iyan.”
“Ikaw? Kumain ka na?”
“Hindi pa naman ako gutom,” ani nito habang nakatuon ang mga mata sa daan.
Kinuha ni Margarita ang ibang supot at kanya itong binuksan. “Open your mouth,” utos niya dito.
“Why are you feeding me?” gulat nitong tanong.
“It’s the least that I can do. Sige na say ahh,” ani nito habang nakabuka rin ang bibig.
“Ahh,” ani nito at kinagat ang burger. “Sweet naman–“
“Huwag assuming Franco,” agad-agad nitong sabi.
“Oo na!” at ito ay natawa dahil sa reaksyon ni Margarita.
Kinain narin ni Margarita ang kanyang burger habang binibigyan niya rin si Franco. Pinapainom niya rin ito sa biniling float. Ganyan lamang ang kanilang ginagawa hanggang sa maubos ang mga ito. Pinahiran niya rin ang bibig nito sapagkat nakisuyo ito dahil nagmamaneho raw.
“Abusado.”
Humalakhak si Franco. “Hindi ko naman talaga kaya.”
“Hindi daw kaya pero kapag may kukunin kaya naman? Huwa ako Franco.”
“Ikaw naman ang kj nito.”
Napailing na lamang si Margarita dahil sa mga pakulo nito. Napatingin siya sa labas noong tumigil ang sasakyan dahil sa traffic. Pamilyar sa kanya ang sasakyan kaya tumigin siya sa driver seat nagulat siya nung tumingin ito sa kanyang banda.
“Franco?”
“Yes?”
“Tinted ba itong sasakyan mo?”
“Oo naman bakit?”
Napahinga siya ng malalim at guminhawa ang kanyang dibdib. ‘Mabuti nalang’ ani niya sa kanyang isipan. Nakita niya ang kanyang ama na tumitingin sa kanyang banda na para bang tumatagos ito at nakikita siya. Bumaling ito sa harap at piaandar na nito ang sasakyan.
“Bakit may problema? Bakit namumutla ka?” ani nito noong bumaling siya dito.
“W-wala,” napakagat siya sa kanyang labi. “Kakagising ko lang kasi kaya ganito ang aking mukha,” at pilit itong tumawa.
Tumango nalang si Franco at makikitaan ang mukha nito ng pagdududa kaya bumaling nalang siya sa kanyang harapan. Mabuti nalang talaga at tinted ang sasakyan ni Franco kung hindi nakita na siya ng ama. Hindi niya aakalaing ganito kaaga niya makikita ang ama. Malaki ang ipinayat nito na kanyang ikinabahala. Kahit marami itong kasal-anan ay name-miss niya rin ito. Gusto niya mang umiyak ngunit pinipigilan nya ito upang hindi magtaka si Franco.
“Nandito na tayo!” Sabik na sabik na itong isakay ang sasakyan. “Kapagod rin ang magmaneho.”
“Palit na naman tayo? Ako na ang magmamaneho nito.”
“Daya nito! Papalitan mo ako kasi sakay na ito ng barko? Ganoon?”
Nagtawanan sila at itinabi muna ni Franco ang sasakyan sa bigayan ng ticket. Ibinigay nito ang ticket at sila ay pinapasok na. Namangha si Margarita sapagkat kay laking bark ang kanilang sasakyan. Nasasabik siya dahil matagal narin noong nakasakay siya ng ganito kalaking barko.
“Hold on tight baby coz we are going in!” ani nito at pinaharurot ang sasakyan papunta sa loob ng malaking barko.