CHAPTER 36

1331 Words
Chapter Thirty-Six – Victor “Bibili muna ako ng makakain natin,” ani nito habang binababa ang mga bintana ng sasakyan. “Gusto mo samahan na kita?” “Huwag na! I’m okay.” Pinaningkitan niya ito ng mata. “Okay! I won’t bother you. Dito nalang ako sa loob ng sasakyan.” “Come on,” sounding defeated. “What?” Natatawa siya habang tinitingnan ang guilty na mukha ni Franco. “Sige na! I was just joking.” “You sure?” Hindi ito kumbisido sa sinabi ni Margarita. “Yeah,” ani nito at ibinaling ang mukha. “Mambabae ka lang naman,” bulong nito. “What did you say?” “Huh? Ang daming lamok,” sagot nito at iwinawasiwas ang kamay sa harapan. “Okay! I will be quick.” “Sure! No problem,” at plastic na ngumiti. Pumunta na kaagad si Franco at napabuntong na lamang si Margarita. Nakapanglumbaba ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan. A cold wind brush her hair while staring to a car next to them. It was quite unique and different from the rest. And the design were sleek, silvery, and windowless. Napatingin siya sa malayo na kung saan nakikita niya ang mga taong nakahilig sa malalaking bintana ng barko. Wala naman rin siyang magawa sa loob kaya bumaba ito soot ang bandana. Inilibot niya ang kanyang paningin para makahanap ng magandang pwesto at hindi gaanong matao. “Sa tingin ko dito na lang talaga ako,” habang inilibot ang paningin nito. Hanggang makita niya ang isang bintana na kaunti lamang ang tao. Isang lalaki lamang ang naroon kaya minabuti nalang niyang pumunta doon. Habang papalapit siya dito unti-unting tumumal ang kanyang paglalakad. The way the man stand, his gesture, and his appearance it’s all familiar to her. Nagsimulang kumabog ang kanyang puso habang pinapawisan ang noo. Kasing lamig ng yelo ang mga kamay ng hawakan niya ito kaya pinigilan niya rin ang panginginig nito. ‘I must be wrong’ sabi nito sa kanyang isipan. Kinagat nito ang pang-ibabang labi at matapang na nagpunta malapit dito ng isang metro. She was holding her tears, so not to cry. Bumaling siya dito at nagulat siya na nakatingin din ito sa kanya. Binawi niya kaagad ang kanilang pagtitinginan at tumikhim sapagkat nailang siya. Tama nga siya hindi ito si Victor. Hindi ito ang kanyang asawa. “You okay?” His deep voice soothed very well on her ears that she wasn’t able to respond quickly. “H-huh?” Napailing siya. “I mean, I am okay sir,” dagdag niya at bumaling sa dagat. “What happened to your face?” ani nito kaya agad niyang inayos ang bandana. “I mean, I-I’m sorry if I was rude.” “Okay lang. Naaksidente kaya naging ganito.” “Here!” At may ibinigay ito kaya siya napabaling sapat lang upang hindi makita ang buong mukha niya. “It seems like your about to cry a while ago. Don’t worry it doesn’t contain poison,” ani nito noong hindi niya ito agad tinanggap. Napilitan siya kaya niya ito tinanggap. “Thank you,” pasasalamat nito noong matanggap ang tsokolate. “Ikaw lang mag-isa?” “Hindi. May binili lang kaya nagpunta nalang ako dito.” “Uh-huh.” “Ikaw? Mag-isa ka lang?” tanong nito habang pinakpakan ang tsokolate. “Uh-huh.” “Hmm,” tango niya. ‘boring naman nitong kausap’ ani niya sa kanyang isipan. “Where are you headed to?” Hindi niya parin ito binalingan. “Isa lang naman ang patutunguhan ng barkong ito diba?” sarkastiko niyang sagot. “Yeah! Haha! I am very dumb for asking that question.” Napabaling siya dito at ngayon lang niya nalamang nakatitig pala ito. Tumungo ito upang iwasan ang mga mata nito. “Bakit mo ako tinititigan?” “Because you wont face me when you talk. It is like I am only talking to myself.” “I am too shy to have an eye contact with a stranger. We can talk without seeing each others eye naman, diba?” “Uh-huh!” “Again?” “What?” ani nito habang natatawa. “Wala,” binalewala niya nalang ito. Tumingin nalang siya sa malayo kung saan nakikita na niya ang pupuntahan nilang probinsiya. “Uh-huh,” tunog natatawa parin ito. “Why wont you face me? Are you shy?” “Are we close?” “That was rude, by the way,” hindi makapaniwalang sabi nito.’ “It is rude also if you stare like that!” “I am not staring at you. How can you say if you cant even face me?” “You said that you were staring at me because I wont face you. So you are staring at me again right now because I wasn’t facing you?” “Wanna bet? I am not really staring at you. So you are the rude here? You insulted me and can’t even face me when talking.” “It’s because I’m shy. We are strangers and strangers don’t talk unless necessary. You’re the one who is rude here because you keep staring at me even if I told you to stop staring at me!” Hindi niya napigilan ang kanyang boses at napatingin pa siya dito. “Saang banda sinabi mong titigilan kita?” Napahugot siya ng malalim na hininga at ito ay ibinuga. “Hindi ko iyon sinabi literally. At saka, congrats marunong ka palang magtagalog. Pinahirapan mo pa ako.” “Okay,” ani nito na parang sumusuko na. “Relax! Like, why so angry?” Napatikom siya ng labi. “Sorry. Nadala lang ng emosyon.” At humugot ulit ito ng malalim na hininga. “Matthew, by the way.” Inilahad nito ang kamay. “Margarita? Anong ginagawa mo dito?” tawag ni Franco dito. Binalingan ito ni Margarita kaya nakabitin sa ere ang mga kamay ni Matthew. Ibinaba niya ito at ibinaling nalang ang sarili sa dagat at nagpanggap na parang walang nangyari. Kinuyom nito ang mga kamay at pinalo-palo sa metal na harang habang nakasandal ang katawan. "Nagpapahangin lang." Napatingin si Franco sa lalaking nakatalikod na ngayon. "Akala ko kung nasaan ka na. Tara? Baka lumamig na iyong pagkain?" "Sige." Ani niya at ngumiti. Binalingan niya ulit ito para sa naantala nilang pag-uusap ngunit nakatalikod na ito. Minabuti niyang hindi nalang magpaalam at umalis nalang doon. "Ang tagal mo Franco kaya lumabas nalang ako. May na tyempohan ka na?" Biro naman ni Margarita. "Tyempohan ka diyan! Ikaw nga itong may kausap na iba diyan. May patsokolate pa?" "Huh? Anong masama kung binigyan niya ako? Mabait lang siguro siya." "Ayan! Hindi ka sigurado. Baka may lason pa iyan?" "Sabi niya wala. Tapos nakakahiya naman kung hindi ko tanggapin baka sabihing choosy pa ako." "Sus! Sabihin mo-" "O ano na naman? haha!" Napahalakhak siya noong binuksan ang pintuan. Hindi nalang tinuloy ni Franco ang kanyang sinabi. Binigyan siya nito noong biniling cup noodles. "Maraming salamat." "Mainit pa iyan. Ilagay mo muna ang tsokolate mo. Hindi pa magawang bitawan?" "Atat nito! Ilalagay ko naman talaga pero binigyan mo kasi ako kaagad." Natawa nalang si Franco habang napailing at hindi nalang sumagot. Nilagay ni Margarita ang mainit nitong cup noodles malapit sa bintana upang lumamig ito ng kaunti. Biglang may aninong dumaan kaya napatingin siya dito. Ito iyong lalaki kanina na kanyang kausap kanina. Naghubad ito ng coat noong nabuksan ang sasakyan. 'Sa kanya pala itong sasakyan' ani nito aa isip. Maganda ang katawan nito kahit parang babad ito sa gym. Hindi masyadong malapad at malaki, hindi rin ito payat. Fine body with toned muscle structure, defined, and well built curves which are visible through clothing. Muscles strain against fabric at the forearms, biceps and chest. Tumingin ito sa kanyang banda at tinanguan niya ito bilang pagkilala. Pumasok na ito at isinarado ng mga bintana bago ito matingnan ni Franco. Kanina pa kasi ito tinatawag ni Franco ngunit hindi ito sumasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD