CHAPTER 37

1653 Words
Chapter Thirty-seven - Condo "Margarita? Are you fine?" Pukaw ni Franco sa kanya. Nakatulala parin kasi ito sa bintanang nakasarado. "Yeah." Ibinaling niya ang kanyang mukha at ngumiti. "I am okay. Just thinking of something. Ano nga ulit ang iyong sinasabi?" "Next time, be careful. Hindi natin alam kung pinapasundan ka parin ng iyong ama. " Natutup ni Margarita ang kanyang labi noong isubo pa nito ang hinihipang noodles. Hindi niya alam kung bakit ito nasabi ni Franco ngunit, tama naman ito. Naging maluwag siya sa mga tao, naging maluwag siya sa labas, at nakalimutan niyang may humahabol pa sa kanya. "Thanks of reminding me, Franco. Bakit mo pala nasabi iyan? I mean, had you encountered one of papa's men when buying our foods? " "Wala naman," ani nito at hinipan ang kanyang noodles. "Just saying. You need to be careful especially to a stranger." "Are you referring to the guy I was talking earlier?" "We don't know." "Don't worry I am still cautious. Sinoot ko naman ang bandana at sinisiguro ko rin na hindi niya ako mamumukhaan. At, hindi naman siya iyong tipo. Tingnan mo nga naman iyong damit niya, pareho kayong naka-suit and tie. At sa kanya din itong-" tigil niya sa kanyang sarili. "Wala! Hihi,"muntik na niyang makalimutang mahilig itong mang-usisa. "That's why? Dahil lang pareho kaming naka-suit and tie, sinasabi mong hindi ito kasabwat ng iyong ama?" Nagkibit siyan ng balikat." Okay! Next time I will be careful sa mga taong hindi ko kilala." "Akin na pala ito tsokolate," ani ni Franco at akmang kukunin na, pinigilan ito ni Margarita. "Anong akin ka diyan?" "Baka may lason iyan," ani nito at sinubukan paring kunin ito. "Walang lason nga iyan. Kanina pa ako kumain niyan malamang patay na sana ako ngayon. At saka, alam kong gusto mo rin iyan kaya kukunin mo imbes na humingi ka." "I can buy one Margarita." "Edi bumili ka nalang ng sa iyo. Hindi iyong kukunin mo iyan. I like these chocolate," ani nito at kinuha na. Binalewala nalang ito ni Franco at tumingin sa harapan. "Sa tingin ko dadaong na tayo." Tumingin din si Margarita at tama nga ito, dadaong na ang barko. Nagsimula ng magsibalikan ang mga tao sa kanilang sasakyan. Panay narin tunog ang barko bilang pagpapahiwatig na dadaong na ito. Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang malaking harang sa kanilang harapan at isa-isang nagsilabasan ang mga sasakyan. "At last makakapagpahinga na ako," ani ni Franco at inunat ang mga braso bago apakan ang gaas. Bumungad sa kanya ang napakagandang imprastraktura ng lungsod. Mga malalaki at matatayog na mga building ang bumati sa kanila. Napakarami ding tao dito kumpara sa mga daongan na kanyang napuntahan. Ngayon lang niya ito napuntahan sa tanang buhay niya. "That is my condo unit," turo ni Franco sa isang building. Bukod-tangi ang tinuturo nitong building sapagkat ito ang pinakamataas sa lahat. May kulay ginto din ang makikita dito ngunit mga maliliit na detalye lamang. "Ang gara siguro noong condo mo," ani ni Margarita habang nakatingin parin doon. "Hindi naman. Condo parin kung tignan." "Ang ganda din dito. The buildings here were all designed well especially the site development. Sinisiguro talagang bawat puno, daanan, at mga upoan na makikita sa labas ay magaganda." "Yeah! Nakakasawa ng tingnan minsan," sagot nito na parang bored. "Hindi ka naman siguro dito namamalagi kung may projects ka dito?" "I was actually residing here before when I was a child until that day." "Ahh," napatango siya sapagkat nakuha niya ito. "Dito ka pala nakatira noon? Akala ko kasi taga San Juan ka talaga?? Bakit ka pala lumipat?" "I planned to visit our site in San Juan. But, nagustuhan ko kaya ako nagtagal leaving my company here. Pero araw-araw ko din naman silang binibisita iyon nga lang virtually." "Hmm," tango niya. "That must be really hard that you managed two buildings?" "Actually, hindi naman talaga ako nagmanage sa San Juan. I was just there to visit and help them. We're actually a corporation so I am just one of the owners." "Buti nalang you can still manage your company here kahit na you were there?" "Kaya ko naman pero I planned then naman na babalik na siguro ako dito? I am not quite sure kung kailan dahil kailangan ko pang tapusin kung ano ang mga nasimulan ko sa San Juan." "That's good para hindi ka na malayo sa kompanya mo." "How about you? Hindi ka ba sasama sa akin?" "I thought I will be working for you? Remember," at inikutan niya ito ng mata. "But we will be living in the same roof. Is that okay with you?" He said while smirking. Hindi naman nakasagot agad si Margarita. Para siyang napipi sapagkat naisip niya rin ang kanilang sitwasyon. Pero kailangan niyang makibagay sapagkat para din naman ito sa kanyang sarili. Franco is trying to help her at wala na siyang mapupuntahan pang iba. "I dont mind," ani nito habang naiilang. "Pero ibang kwarto naman diba?" "Sure! Why not? Ano ba ang nasa isip mo?" Nagawa pa talaga nitong tumawa kaya inikutan niya ulit ito. Bumuhakhak na ito sa kakatawa dahil pikon na si Margarita. Sinapak niya ito dahil sa kanyang galit. "Okay! I am sorry. Again, I was just joking. Here," ani nito at tumingin sa building na nasa harapan. "We are here," ani nito at tinigil ang sasakyan sa harapan ng building. "It's really big though." "Yeah," ani nito at binigay ang susi sa isang valet. "Hali ka." "Good afternoon sir/ma'am," bati sa kanila ng security guard. "Good afternoon din po," bati din ni Margarita dito. She was convinced by the design of the building because it is modern. The design were simple yet elegant. Touches of white, black, and gold will be seen in all the materials around the building. The ambience is good enough for you to feel that you are at home and you can relax freely. “Fiftieth floor po,” ani ni Franco sa lift attendant noong nakapasok na sila sa elevator. The elevator is made up of glass which enabled her to see the beautiful architectural site of the city. The streets filled with cars, people passing by, and different yatch were seen in the coast. The elevator went even higher that made things on the ground looked so small. The elevator rang as soon as they reached their destination and as the door opened, a well-designed hallway welcomed them. “Naninibago ako sapagkat ilang taon narin ang lumipas noong nagbakasyon ako,” ani nito habang inilibot ang paningin sa buong hallway. “Please come in,” magalang nitong sabi habang nilalahad ang mga kay Margarita. “Wow! Your condo is spacious and well-designed,” ani nito habang namamangha parin. “Maupo ka muna! Pupunta lang ako ng kusina. You need something? Perhaps hungry or water?” tanong nito kay Margarita. “Hindi na Franco. Maraming salamat pupunta nalang ako doon mamaya.” “Sige! Just feel at home. You can watch tv.” “Sure! Thanks.” At umupo na ito sa malaking sopa. Malaya niyang pinahinga ang kanyang katawan sa malambot nitong upoan. Kanina pa niya napansing wala ibang larawan ang naroroon kundi kay Franco lang din. Isa-isa niyang tiningnan ang mga larawan simula noong pagkabata nito hanggang sa nakapagtapos ito ng pag-aaral. Wala ng ibang larawan pagkatapos itong grumaduate. Nabigla siya noong may kumatok sa pintuan. Dali-dali niya itong binuksan at ang bumungad sa kanya ay ang staff ng hotel bitbit ang mga gamit nila. Nagpasalamat siya dito at inilagay ang mga gamit nila sa sala. “Franco? Saan ko ba ilalagay itong mga gamit natin?” Hindi niya pa kasi alam ang daan papuntang kwarto. “Ilagay mo na lang sa unang kwarto iyong akin. Doon ka nalang sa ikalawang kwarto. Okay lang?” sigaw nito galing sa kusina. “Okay lang,” sagot naman niya at isa-isa niyang binitbit ang mga kagamitan papunta sa mga kwarto. Pagkabukas niya sa unang kwarto ay maganda ito. Maaliwalas itong tingnan, sakto lang ang laki nito, at magara lahat ng gamit dito. Inilapag niya ang gamit na dala katabi ng kama. Kung tutuusin simple lang tignan ang kwarto para kay Franco. Nagkibit siya ng balikat sapagkat baka gusto din nito na simple lamang ang magiging kwarto nito. Lumipat siya sa ikalawang silid kung saan ay ang kanyang kwarto. Nagulat siya noong buksan ito sapagkat kay ganda nito. Napakalaki ng silid at ang kama dito ay queen size. Inilibot niya ang kanyang paningin at makikita sa mga dinding nito ang mga nakabitin na larawan ni Franco. Napailing siya sapagkat alam niyang guest room iyong kabila at ito talaga ang kwarto ni Franco. Lumabas siya at nagpunta kay Franco. Nadatnan niya itong may niluluto habang hubad ang pang-ibabaw na damit. Naptigil siya sa paglalakad habang nagdadalawang-isip kung tutuloy ba o hindi. Napabuntog siya ng hininga at tumuloy sa kusina. “Franco? Lipat nalang tayo ng kwarto. It’s not that I am not grateful ngunit kwarto mo kasi iyon. I can rest in the first room.” “No! Okay lang. Wala din kasing toilet and bath sa unang kwarto. Lalabas ka pa kung maliligo ka,” ani nito habang abala ito sa niluluto. “You sure? Baka hindi ka sanay doon sa unang silid? I can manage naman kung dito nalang ako maliligo sa common toilet and bath.” “Okay lang talaga Margarita. No worries, okay?” “Thanks Franco,” matamis nitong ngiti. “Walang problema,” stared at her quickly then smiled and back again at cooking. “May juice dyan.” “Thanks! Ako nalang ang magluluto dyan. You can rest first. Alam kong pagod ka sa biyahe natin kanina.” “Okay lang talaga! Parang ano 'to," pabebe niyang sabi. Natawa narin si Margarita sapagkat nagawa pa nitong magpatawa kahit pagod ito. Hinanda niya ang lamesa, pinggan, at mga kubyertos para sa kanilang meryenda. Pinuno niya rin ang mga baso ng tinitmplang juice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD