Chapter Thirty-eight – Met Again
“Baka wala na tayong maabutag mall na nakabukas Franco?” kinakabahan ito habang nag-aantay sa kakagising lang na Franco.
“Chill Margarita!” At nagawa pa nitong humiga ulit.
“Ikaw ang bahala basta mag-aalas sais na ng hapon,” nahihintakutan paring sabi nito.
“Okay! Babangon na,” at tumayo na ito. Tumamabad kay Margarita ang nakahubad nitong katawan noong kunin nito ang nakatakip na kumot. Napabaling si Margarita sa ibang bagay habang dumaan naman sa kanyang harapan si Franco.
“Sa sala nalang ako maag-aantay Franco,” paalam nito at mabilis na kumaripas ng lakad.
Nakatulog kasi sila pagkatapos nilang kumain ng meryenda. Dahil narin sa pagod ay hindi nito napansin ang oras na kay bilis umikot. Mag-aalas singko na noong si Margarita ay nagising kaya napabalikwas siya ng bangon. Napagkasunduan kasi nilang bibili sila sa mall mga bandang alas kuwatro ng hapon.
Dali-dali niyang pinuntahan si Franco sa kwarto nito ngunit, mahimbing pa itong natutulog sa kama. Dahil sa kanyang kaba ay nagawa nitong gisingin ang natutulog na Franco. Mabuti nalang at hindi ito nagalit ng gisingin ni Margarita.
Narinig niya ang pag-agos ng tubig sa common bathroom ng kusina. Tanaw niya ang araw na palubog sa dagat at ang kalangitang sinasakop ng kadiliman. Naisi niyang lumabas nalang muna sa veranda ng condo nito upang mapanatag ang dibdib niya. Mga naggagandahang maliliit na ilaw ang kanyang natatanaw sa ibaba. Unti-unti itong sinisindihan na angbibigay ng kagandahan sa buong paligid.
“You okay there?” sigaw ni Franco.
Natanaw niya itong nagmamadali habang nakatapis ito ng tuwalya. Tagaktak ang basang buhok nito papunta sa puti nitong katawan. His body is very bulk that made him look hotter when no clothes put on.
“Yeap! I’ll just wait here,” sigaw din niya pabalik kay Franco.
As she stared at the beautiful scenery, she can’t help herself but be amazed again by how the city is built with a plan. Every corner of the street, the tress that was built along the road, different landscapes at the park, and every bench that was made at the street, it was all done with brainstorming that resulted beautifully. She stared at the different heights of the different buildings surrounding them.
“Let’s go?” ani ni Franco sa kanyang likuran.
Napalingon siya dito at kanya itong tinanguan sapagkat kanina pa siya nag-aantay. Presentable tingnan si Franco sa soot nitong long sleeve jacket at short nito. Nagmukha itong dayuhan dahil sa kanyang soot pati narin sa features ng kanyang pisikal na anyo.
“Let’s go!” At isinoot niya ulit ang bandanang itim.
“Have you planned what to buy?”
“Hindi naman siguro kailangang pagplanohan ang bibilhin para sa akin. Kahit anong damit ang mura at kasya iyon na ang ating bibilhin.”
“Okay! But let me choose okay?”
“Marunong ka?” hindi makapaniwalang sabi nito habang makikitaan ang mukha nito ng pagdududa.
“Come on! Bakit hindi ko alam? I love fashion and I know how women dress to impress everyone.”
“Hmm! Of course, you have a lot of girls!”
“Hindi kaya. Iyan ka na naman. Huwag na nga nating pag-usapan iyan,” natatawa nitong sabi. “By the way, sa labas na rin tayo kakain ng hapunan.”
“Ikaw? Basta wala akong perang pambayad Franco.”
“Alam ko! Pulubi mo naman,” biro nito habang natatawa.
“I know right! Well, I need to admit because right now? I don’t have anything with me.” Natawa narin siya habang papasok sila ng elevator.
“Siya nga pala, kakain ba muna tayo o bibili nalang?”
“Bili nalang kaya kasi baka matagalan pa tayo? Wala na tayong maabutan na mall dahil sarado na lahat.”
“Pero gutom na ako,” madrama nitong sabi.
Nahulog si Margarita sa drama nito sapagkat para talaga itong ginugutom. Hindi rin naman kasi sila kumain bago lumakad kaya naiintindihan niya ito. Tinanguan niya ito bilang pagsang-ayon sa suhestiyon nitong kumain na muna.
“Sige kakain nalang muna tayo. Mabuti pay kumain ka nalang bago tayo lumakad para hindi ka sana ginutom,” seryoso nitong sabi.
“It’s a prank!” sigaw nito sabay labas ng elevator.
Napailing nalang si Margarita sapagkat nagsisimula na naman itong mangulit. Naalala niya ang kanyang ginawa kaninang umaga kaya natawa narin siya sapagkat gumaganti na ito. Mabilis na lumabas si Margarita para habulin ang tumatakbong Franco.
“Huwag mo akong iwan Franco!” Sigaw nito sa papalayong lalaki.
Nahiya narin naman siya sapagkat pinagtitinginan narin siya ng ibang tao kaya hindi nalang niya ito hinabol. Binilisan niya na lang ang kanyang paglalakad upang makasunod kay Franco. Hindi niya napansin ang taong parating kaya nabangga siya dito.
“Pagpasensyahan mo na hindi ko sinasadya,” paghihingi niya ng tawad sa lalaking nakabanggaan.
“Okay lang,” sagot ng lalaki at inangat ang kanyang mukha.
Nabigla si Margarita sapagkat pamilyar sa kanya ang lalaki. Kahit nakasoot ito ng itim na salamin ay sigurado siyang pamilyar ito. Naalala niyang ito ang lalaki kanina sa barko. Iyong mag-isang nakatayo sa malaking bintana na kanyang nilapitan. Katabi rin nito ang kanyang sinasakyang sasakyan ni Franco.
Iba na ang soot nitong damit at parang ayaw ito tantanan ng kanyang mga mata. Sapagkat, nagmistula itong kandado na ayaw matanggal kapag walang susi. Bagay ang isnoot nitong damit na tipong mga matatandang babae na nasa tabi ay napapatingin din dito.
“Miss?” pukaw sa kanya ng lalaki.
“Met-“ hindi natapos ang kanyang sinabi sapagkat sabay silang nagsalita. Hindi niya rin maalala ang pangala nito kaya hindi niya magawang tapusin ang kanyang sasabihin.
“Margarita!” sigaw ni Franco sa malayo kaya siya napatingin dito.
“Pasensya na,” balin niya ulit dito at mabilis na nagpunta kay Franco na nag-aantay na sa labas.
“Bakit ang tagal mo?” tanong nito noong narating niya ang sasakyan nito.
“May nabangga kasi ako kaya natagalan. Ikaw kasi hindi mo man lang ako inantay.”
“Kung hindi naman ako tumakbo siguradong sasapakin mo din naman ako–“ bago niya pa ituloy ang kanyang sinabi ay lumipad na ang kamay ni Margarita sa braso nito. “Aray naman! Ayan kapag ikaw nananapak, pero kapag ako hindi kita sinasapak.”
“Hindi ka naman babae bakit mananapak ka? Kung susuntukin mo nalang kaya ako?”
“Feeling nito! Baka umiyak ka pa kapag tatama itong kamao ko sa mukha mo.”
“Sige nga?” Hamon niya kay Franco ngunit alam naman niyag hindi niya ito magagawa kaya hinamon niya ito.
“Ayaw ko nga? Bakit ko naman sasapakin ang isang babae?”
“Ayan duwag pala?” panunudyo niya dito habang inaayos nito ang seatbelt.
“Bahala ka nga diyan,” suko nito habang nagsimula ng magmaneho.
“Siya nga pala, naalala mo iyong lalaki kanina noong nasa barko tayo?”
“Bakit? Namiss niyo ang usapan niyo kanina?” sabat nito agad para tuksuhin siya.
“Buwesit nito hindi kaya!” nagpigil ito ng tawa.
“Eh ano pa nga ba kung naalala mo siya?” tukso nito habang tinutusok ang tagiliran ni Margarita.
“Tigilan mo nga iyan Franco!” sigaw nito habang nakikiliti. Napatingin ito sa harapan at napalaki ang kanyang mga mata. “Franco!” sigaw nito.
Mabilis na naitabig ni Franco ang manubela papunta sa tamang daan. Mabuti nalang at walang sasakyan sa kanilang harapan. Hinihingal silang dalawa habang kinakabahan parin sa nangyari. Kinabahan si Margarita sapagkat parang bumalik lahat ng kanyang ala-ala noon. Hindi pa siya handang mamatay ngayon sapagkat hindi niya pa naitupad ang kanyang mga pangako.
“Pasensya na,” paghingi nito ng tawad noong itinabi niya muna ang sasakyan.
“Sa susunod mag-iingat na tayo Franco. We need to set aside our childish play when driving since it is for our safety.”
“Are you okay?” nag-aalala nitong tanong kay Margarita.
“O-oo,” nauutal nitong sagot. Pinahiran niya ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi.
“Pasensya na at napahamak pa kita.” Malakas niyang sinuntok ang manubela ng sasakyan at binuhay ito ulit.
Namayani ang katahimikan noong nagpatuloy na sila sa kanilang lakad. Walang ni-isa ang nangahas na nagsalita sapagkat naalala nila ang nangyari kanina na kanilang ikinatakot. Kahit noong dumating na sila sa mall ay tahimik parin silang dalawa.
“Sige na. Baba na tayo. Pasensya na talaga Margarita,” paghihingi nito ng patawad upang basagin ang tahimik nitong paligid.
“Walang may gusto sa nangyari Franco kaya huwag mong sisihin ang iyong sarili. Let us just forget what happened dahil magkakailangan lamang tayo. Let us just forgive each other’s self since kasal-anan din naman nating dalawa.”
“Thanks Margarita,” ani nito ngunit nahihintakutan parin nitong sabi.
“Walang anuman,” at pilit na ngumiti.
Inakbayan siya ni Franco na kanyang ikinagulat noong papasok na sila ng mall. Napangiti na rin siya at hinayaan nalang na akbayan siya nito. Para narin kasing naibsan ang kaba niya noong nadama nito ang pag-akbay na parag kinocomfort siya.
“Ang bigat ng kamay mo Franco,” biro niya dito ngunit idiniin ni Franco ang kanyang kamay kaya napadaing siya kaya sinamaan niya ito ng tingin.
“Ano? Wala naman akong ginawa,” patay malisya nitong sabi. “Dito tayo,” at kinuyod ang ulo niya.
“Dahan-dahan naman Franco masakit sa leeg,” protesta nito.
“Sorry na po,” ani nito at pumasok na sila sa isang boutique.
Umayos ng tayo si Margarita at inalis nito ang kamay sa pagkaakbay. Tumingin-tingin sila sa mga damit na nakalagay sa bawat rack. Magaganda lahat ng mga damit na naroo kaya hindi makapili si Margarita.
“Ang daming magaganda dito Franco ngunit mahal naman. Maghanap alang tayo ng mura.”
“Huwag na! Nandito na rin naman tayo kaya pumili ka na. Madali akong mapagod Margarita,” banta nito.
“Sige na nga! Ikaw naman ang magbabayad,” ani nito habang isa-isang kinuha ang mga nagustuhan nito.
“Dami naman niyan?” Reklamo ni Franco na kanyang ikinatawa.
“Haha biro lang! Ito lang tatlong damit,” ani niya at isinauli iyong iba.
“Sure ka? Kaunti lang iyan dagdagan mo ng dalawa. Tapos punta naman tayo sa pang-ibabang damit mo.”
“Salamat Franco,” maligayang sambit nito.
“Walang ano man. Iyan na ba?”
“Oo ito na lahat.”
“Sige. Punta naman tayo doon,” turo niya sa mga pang-ibabang damit.
Napabaling siya sa kanyang gilid noong napansin niyang may tao dito. Nagulat siya noong magkita sila ulit. Ito iyong lalaki sa barko at kabanggaan niya kanina. Tumingin-tingin din ito sa mga panglalaking rack ng damit katabi ng kanyang binilhang rack.