Chapter Thirty-Nine – Sinusundan
“Margarita, are you okay? Anong tintiningnan mo diyan?” Tawag sa kanya ni Franco.
“Wala,” baling niya dito. “Kinukumpara ko lang ang damit na aking kinuha at sa iba,” dagdag niya.
Napatango si Franco at nagsimula na itong maglakad. Mabilis na binalingan ni Margarita iyong lalaki kanina ngunit wala na ito doon. Nakapagtataka sapagkat parati na silang nagkikita kahit ilang oras o minuto lang uang lumipas.
Sinundan niya kaagad si Franco sa sumunod na rack at pumili ng mga short at pantalon. Magaganda din ito sapagkat malalambot ito at malamig sa balat. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at binitbit na niya ang mga ito.
“Ang sa iyo Franco? Hindi ka ba bibili?”
“Ang sweet niyo naman po sa mister niyo ma’am. May sale po kami dito sir baka magustuhan niyo?” sabat naman ng saleslady.
“A-ano? Hindi ko po siya mister,” gulat nitong sabi sa babae.
Natawa narin si Franco dahil sa reaksyon ni Margarita. Tumango si Franco sa nagtitinda at pumunta doon sa sinasabi ng babae. Tiningnan niya rin ang mga ito kung may matitipuhan siy dito.
“Akala ko po kasi ma’am. Bagay po kasi kayo.”
“Haha! Nakakatuwa ka naman miss. Sige kukunin ko na itong tatlo dahil pinasaya mo ako ngayon,” natatawa siya habang bitbit na nito ang mga pantalon.
“Alam mo naman diba na binibilog ka lang nun? Strategy niya lang iyon para makabenta.”
“Alam ko naman iyon at saka, maganda naman itong mga pantalon nila kaya kinuha ko narin,” nagpipigil ito ng tawa. “Hindi ko aakalaing pati dito mapagkakamalan tayo,” halakhak niya.
“Maghunos-dili ka nga. Kung hindi lang nakatakip itong mukha ko? Naku! Ewan nalang kung masasabi pa nila iyan kung makita nila itong aking mukha.”
“Drama mo talaga eh nuh?”
“Hindi naman. Totoo naman talaga Franco. Let us not sugar coat everything. I am already used to it kaya you don’t need to worry.”
“Oo na! Suko na ako. Nagawa mo pa talaga akong sermonan sa lagay na ito? Mabuti pa ay bayaran na natin ito para makakain ka na? Dami mo kasing sinasabi eh.”
Natawa nalang si Margarita dahil si Franco na naman ngayon ang nairita sa kanya. Hinayaan niya itong mauna habang naunang maglakad. Pinagtitinginan na sila ng mga tao na kanyang kinailang.
“Akin na,” ani ni Franco noong lumapit na siya dito.
“Maraming salamat Franco,” teasing him again.
“Tigilan mo na nga iyan Margarita. Binibuwesit mo talaga ako,” ani nito habang natatawa narin. “Ikaw na magbabayad nitong sa iyo?” tunog inosente nitong tanong.
“Huwag ka ngang magbiro Franco. Alam mong wala naman akong pera diba?” bulong nito para hindi siya marinig ng ibang tao.
“Wala kang dalang pera?” bigla nitong sabi na sapat lang para marinig ito ng mga tao sa tabi.
Ikinagulat ito ni Margarita kay pinanlakihan niya ito ng mata. Alam niyang siya na naman ang pinagtitripan nito ngayon. Kinunutan niya ito ng noo para tumigil ito sa pagsasalita.
“Sige na,” bulong nito ulit at kinurot ang kanyang tagiliran.
“Aray! Tama na masakit” bulong nito. “Oo na ako na ang magbabayad.”
Habang abala sa pagbibro ang dalawa. Hindi nila napansin ang sumunod sa kanilang linya. Tumikhim ito kaya napatingin dito si Margarita. Napakunot ang kanyang mukha sapagkat nagulat ito noong pumila ito kasundo nila.
Nagbayad si Franco kaya hindi niya nakita ito. Binawi nalang ni Margarita ang kanyang paningin at kay Franco nalang itinoon ang pansin. Nadama nitong sinusundan siya nito sapagkat madalas na silang magkita.
“Bilis Franco,” at kinuyod niya si Franco na kakakuha lang noong mga bag na laman ang kanilang pinamili.
“Teka muna. Iyong mga biniblib natin,” tigil niya dito.
Binitawan niya ito at hindi nalang lumingon sa ginagawa ng lalaki. Kinaladkad niya kaagad si Franco pagkatapos makuha nito ang mga pinamili. Ikinakunot ito ng noo ni Franco sapagkat hindi niya alam kung bakit nanghahatak ito ng bigla.
“Teka nga Margarita! Bakit mo ba ako kinakaladkad?”
Tumigil narin siya sa pagkakaladkad nito noong napalayo na sila doon. “Gutom na kasi ako Franco. Hindi ko na mapigilan ang tiyan kong humahapdi. Alam mo namang kanina pa tayong nakatayo at namili ng mga damit,” palusot nito.
“Pwede mo namang sabihin sa akin kesa kaladkarin mo ako. Malapit narin naman tayong kakain dahil nilalagay pa nila sa isang bag.”
“Pasensya na talaga. Saan na pala tayo ngayon kakain?” pinanindigan niya ang kanynag pagsisinungaling.
Napabuntong hininga nalang si Franco at itinuro nito ang isang restawrant ng pinoy. Maganda itong tignan kahit makikita sa buong paligid kung paano nitong ginamit ang mga local na produkto. Ipinagmamalaki nito ang mga gawa sa kawayan na hinabi. Katulad ng mga chandelier, ang dingding nito sa loob, at ang mga lamesa at upoan ay gawa sa local na manggagawa.
Umupo sila malapit sa isang dingding na gawa sa salamin. Makikita nito ang mga taong dumadaan sa gild nito kaya naaliw siya dito. Isang service crew ang lumapit sa kanila na ikinatigil niya sa pagtanaw sa labas. Binigyan sila nito ng tig-iisang menu para tingnan at pumili na makakain. Lahat ng mga pagkain na nakalista dito ay mga pagkaing pinoy na kanyang paborito. Especially, ang adobo na may twist sa menu nito.
Ibinigay nila ang kanilang piniling pagkain sa waiter. Nagkausap muna sila ni Franco habang inaantay nila ang kanilang pagkain. Habang nag-uusap sila ay nakita niya ulit ang lalaki na nag-iisang nakaupo habang pumipili ng pagkain. Iba na talaga ang kutob nito sapagkat naiisip niyang tama nga si Franco. Baka nga kasabwat ito ng kanyang ama.
“May pupuntahan pa ba tayo pagkatapos nating kumain ng hapunan Franco?” Tanong niya bigla kay Franco.
“Wala naman. Kailangan natin maagang magpahinga para bukas,” ani nito at tiningnan ang relo. “Its already eight in the evening and your surgery will be at ten in the morning. So alam mo namang wala ka nang kakainin at iinumin pagkatapos nito hanggang matapos ang surgery mo. So mas mainam na matulog ka ng maaga para hindi ka magutom o mauhaw man lang.”
Napatango si Margarita dito. Mahaba ang litanya nito ngunit palipat-lipat ang kanyang paningin kay Franco at sa lalaking nakaupo malapit sa kanila. May pinipindot lamang ito sa kanyang telepono habang nag-aantay din sa pagkain nito.
Huminga siya ng malalim at umayos ng upo habang papalapit na ang kanilang mga pagkain. Bigla niyang nadama ang pangangatog ng kanyang puson. Kaya, nagpaalam muna siya kay Franco na pupunta muna ito ng powder room. Nagpaturo narin siya sa isa sa mga waiter ang daan patungo dito.
Pagkarating niya sa powder room ay nagpasalamat na ito sa waiter. Magkaharap lamang ang pasukan ng mga babae at lalaki kaya makikita mo kung sino ang lalabas galing sa kabila. Walang tao sa loob kaya pumasok na ito sa isa sa mga cubicle.
Ikinagulat niya noong palabas na siya ng power room sapagkat, nagkatagpo sila noong lalaki. Nakaupo lamang ito sa malayo noong nagpunta siya ng powder room kaya ipinagtataka niya kung gaano kabilis ito sapagkat nauna siya dito. Napatigil siya noong ngakaharap sila kaya natigil rin sa paglalakad ang lalaki.
“Sinusundan mo ba ako?” diretsahang tanong nito. Wala man lang ipinapakitang reaksyon o emosyon ang lalaki bagkos, nanatili lamang ito habang tinitingnan siya. “Bakit mo ako tinititigan?”
“Do I look like a stalker to you?”
“Parati ka kasing nandiyan kung nasaan ako. I feel uncomfortable every time na magkikita tayo.”
“Then, it is none of my business miss. I can go wherever I want to go.”
“Come on! I am not stupid sir! There are a lot of hotels and restaurant around.”
“It’s Matthew not sir!” Pagtatama nito. “So what does that mean? Pinapaalis mo ako dito?” Nagsimulang tumaas ang kanyang boses.
“No,” ani nito at napahilot sa sintido nito. “Let us just calm down sir. What I am trying to say, it looks like your stalking because you always went to the same place with me.”
“These are plain coincidence,” ani nito at lumapit bigla sa kanya.
Napa-atras si Margarita ngunit, dingding na ang tumatama sa kanyang likuran. “Matthew,” tawag niya dito upang ito ay paigilin. Ngunit, para iton bingi. Ikinulong siya nito sa mga gamiit ang mga kamay.
“Your voice is too soft to call for my name,” bulong nito.
Parang pumunta lahat ng dugo sa kanyang mukha sapagkat kay lapit ng mukha nito. It was a sample of a perfect photo with high definitions. Kasing bilis ng kabayo ang takbo ng puso niya. Pagkatapos nitong tignan ang kanyang naging reaksyon ay umalis na ito. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi habang hawak-hawak nito ang kanyang dibdiib.
Hindi nakaimik si Margarita dahil sa ginawa ng lalaking iyon. Gusto niyang sumabog sa galit ngunit hindi niya ito magawa. Sapagkat, pinipigilan niyang tumawag ng pansin sa mga tao. Iba ang kutob niya sa mga pinangagawa nito. Napag-isipan niyang kapag magkikita sila ulit ay sinisiguro niyang may ebidensya na siyang magpapatigil sa lalaki.
Nakatikom ang kanyang baba noong pabalik na siya sa kanilang lamesa. Nakatingin si Franco sa kanya kaya pilit siyang ngumiti. Nasa lamesa na lahat ng pagkain kaya malamang kanina pa ito nag-aantay sa kanya.
“Pasensyahan mo na Franco kung natagalan ako.”
“Okay lang pero parang namumutla ka ata? Okay ka lang?”
“Baka gutom lang?” Hindi siguradong sagot nito at tumawa nalang.
“Siguro nga ginugutom ka lang kaya ka siguro namumutla. Sige na kain na tayo,” anyaya sa kanya ni Franco.
“Sige,” sagot nito at tumingin sa banda kung saan nakaupo ang lalaki.
Nakita niyang nakatingin ito sa kanya kaya inismiran niya ito. Napangisi ito dahil sa kanyang ginawa kaya hindi niya nalang ito pinansin sapagkat naiirita lamang siya. Naaalala na naman niya ang nangyari kanina kaya di niya sinadyang mapalakas ang pagsalpukan ng tinidor at plato.
“Easy Margarita! Pwede pa tayong umorder kung nagugutom ka pa?”
“Pasensya na,” pilit nitong ngiti. “ Hindi pa nga ako nakakain, oorder na naman?”
“Para kasing may galit ka sa pagkain,”ani nito at napatingin siya sa kanyang mga kamay na malakas ang kapit sa mga kubyertos. Napailing na lamang siya at humugot ng malalim na hininga.