Chapter Fourty – Surgery
“Pasensya na talaga Margarita kung hindi kita masasamahan sa surgery mo ngayon,” ani nito noong maihatid niya si Margarita sa sillid kung saan siya mag-aantay.
“Okay lang talaga Franco. Maraming salamat at mag-ingat ka.”
“Maraming salamat. Don’t worry madali lang naman ako.”
Tinanguan niya ito at nginitian. Nagpaalam narin si Franco sa doctor bago umalis sa silid ni Margarita. Nag-iisa na siya ngayon sa isang puti na silid kaya nakaramdam siya ulit ng kaba.
“How are you feeling hija?” tanong sa kanya ng doctor.
“Okay naman po pero kinakabahan rin,” ngiti nitong napipilitan.
“It’s normal naman na kabahan pero trust us. We will do everything to make your surgery successful, okay? Kaya huwag ka na kabahan.”
“Marami pong salamat doc,” pasasalamat niya sa doctor.
Ngumiti ang doctor sa kanya. “Mag-antay ka lang muna dito habang hinahanda anmin ang mga gagamitin para sa surgery.”
“Sige po doc,” sagot niya kaya umalis na ang doctor sa kanyang silid.
Maganda ang silid noong inilibot nito ang kanyang paningin. Isang salaming dingding ang kanyang nakikita na may mga nakalagay na ibat-ibang apparatus dito. Ikiniskis nito ang nilalamig niyang kamay sa isat-isa at kanya itong hinipan. Malamig narin kasi sa loob nito habang nag-aantay siya.
Ilang minuto ang dumaan ay pumasok na ang mga doctor at nurse. Pinasoot muna siya ng laboratoty gown bago pumasok sa silid na kanyang tinitingnan kanina. Pinapasok na siya dito at ang tanging ilaw na natira ay ang ilaw na nakatapat sa kanyang elevated na upoan. Napakalamig nito sa balat noong sumangyad ito sa inuupoan niya. Naging blanko ang kanyang isipan noong pinahiga na siya dito habang nakatapat ang ilaw.
Dama niya ang itinurok na anesthesia sa kanyang balat. Unti-unting nanghina ang kanyang katawan habang bumibigat ang mga talukap nito. Ilang minuto lang ang lumipas ay unti-unti nang pumipikit ang kanyang mata. Hanggang ang huli niyang naalala bago tuluyang pumikit ang kanyang mata ay ang paglalagay ng ibat-ibang apparatus sa kanyang katawan.
Nagising na lang si Margarita na wala na sa metal na higaan. Nasa malambot na kama nakahiga at ang kwarto na kanyang tinutuluyan ay hindi na halos puti ang kulay ng pintura nito. Iniliboy niya ang kanyang paningin sa palgid kung may tao ba ngunit wala. Tumingin siya uli sa kisame at naisip na hindi pa siguro nakakauwi si Franco.
Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok si Franco na may dalang basket ng mga prutas at sa kabilang kamay nito ay ang pagkaing tinake-out niya galing sa isang fast-food restaurant.Napatingin lamang dito si Margarita sapagkat dama niya ang pamimigat ng kanyang katawan.
“Gising ka na pala. How are you?” tanong ni Franco sa kanya.
“Okay naman,” ngunit natigil siya sa pagsasalita sapagkat nakabenda pala ang mukha nito. Hindi niya pa kasi maramdaman noong hindi siya nagsalita. Napakapa siya dito at napailing nalang sapagkat parang nasanay narin siya noong nakabenda din ito noon.
“Dito nalang natin palipasin ang gabi bago tayo umuwi. Ang sabi ng doctor, posibleng matagal ka magigising kaya nilagay ka nila dito sa isang private na silid.”
“Bakit? Anong oras na ba? Gabi na ba?” Hindi makapaniwalang tanong nito.
“Mag-aalas sais na ng hapon. Umulan pa sa labas kaya mas mabuti nalang talaga na dito nalang muna natin palipasin ang gabi kaysa sa umuwi pa tayo. Madulas pa naman ang mga daan ngayon baka maaksidente pa tayo kung uuwi pa tayo.”
Tumango nalang si Margarita sa suhestiyon nito. Napatingin siya sa mga dala ni Franco sapagkat dama na niya ang hapdi ng kanyang sikmura. Napansin ito ni Franco kaya kinuha nito ang itinake-out na pagkain at lumapit ito kay Margarita.
“Kumain ka na lang muna,” ani ni Franco at ibinigay it okay Margarita.
“Pwede na ba akong kumain sabi noong doctor?” Paniniguro nitong tanong kay Franco.
“Oo naman. Pwede ka ng kumain. Gutom ka na talaga diyan dahil hindi ka nag-almusal.” Habang binubuksan niya ang mga pagkain at nilapag ito sa harapan niya kung saan may maliit na lamesang nakalagay. Inalalayan niya si Margarita sa pagbangon sapagkat hindi pa niya kayang bumangon dahil sa nanghihina pa nitong katawan.
“Dahil din iyan sa anesthesia sabi ng doctor kaya nanghihina pa ang iyong katawan. Sige kain ka na para manumbalik na ang lakas ng iyong katawan.
“Ikaw? Kumain ka na ba? Hindi ka din naman kumain ng almusal,” anyaya niya dito.
“Busog pa ako. Kumain na ako ng pananghalian together with my client.”
“Uhmm,” at tumango si Margarita habang nagsisimula ng kumain. “Kumusta naman ang meeting niyo sa iyong kliyente?”
“Actually, he’s good! Nagkakaintindihan naman kami kaya naging madali lang ang aming pag-uusap. “
“Mabuti naman kung ganoon,” ani naman ni Margarita. “Taga saan pala iyang kliyente mo?”
“As far as I remember, taga San Luis siya.”
Nabigla siya noong banggitin nito ang pangalan ng probinsiyang iyon. Matagal-tagal narin at maraming panahon na ang lumipas ngunit sariwa parin sa kanyang ala-ala ang mga kaganapan noon. Uminom nalang siya ng tubig habang nakikinig sa mga sinasabi ni Franco.
“I think kakarating niya lang din kahapon dito. Ano nga ulit ang pangalan niya?” tanong nito sa sarili habang nag-iisip ito.
Natawa nalang si Margarita sapagkat nakalimutan na nito ang pangalan ng kanyang kliyente. “Ano ba iyan! Pangalan ng kliyente kinalimutan mo?” Asar ni Margarita dito.
“Teka muna! Matt–“ tigil nito sa sarili habang inaalala ito. “Basta parang ganoon ang kanyang pangalan.”
Parang pamilyar din sa kanya ang unang pantig ng pangalang binanggit ni Franco. Ipinagkibit nalang niya ito ng balikat at nagpatuloy nalang sa pagkain. Nag-usap pa sila ng mga bagay-bagay noong umalis si Franco.
“Siya nga pala, saan ka matutulog Franco?”
“May isang bed din doon sa labas kaya huwag ka ng mag-aalala.”
“Sa labas ka matutulog?” Gulat nitong tanong kay Franco.
“Oo sa labas ng kwarto. Malaki kasing room ito at katulad ito sag a condominium na kung saan may living area, dining, kitchen, rooms, at toilet and bath narin.”
“Ahh! Kala ko pa naman sa labas ka talaga matutulog.”
“Bakit? Gusto mo bang tabi nalang tayo sa pagtulog?”
“Haha!” Natawa nalang si Margarita. “Hindi naman sa nag-iinarte ako pero alam mong hindi maganda na magkasama ang isang babae at lalaki sa iisang kwarto na walang realsyon. Salamat narin Franco sapagkat parati kang nandiyan sa akin para ako ay tulungan at unawin.”
“Walang ano man Margarita. Para na din naman kitang matalik na kaibigan at isa naring kapatid.”
“Bait mo ngayon ano?”
“Mabait naman talaga ako palagi ngunit, hindi mo nakikita ang kabaitan ko.”
“Ang drama nito. Kaya ka hindi nagkakajowa kasi panay ang iyong pag-eemote,” solsol niya. “Na-appreciate ko naman ang kabaitan mo nuh!”
“May prutas pa dito kung gusto mo?”
“Bukas nalang iyan kasi busog pa naman ako. Ikaw? Kumain ka nalang kaya kasi kanin apa iyong lunch ka kumain.”
“Kumain na ako ng hapunan bago ko ihatid itong mga pagkain mo.”
Tumango siya. “Siya nga pala, anong oras pala tayo aalis bukas?”
“Either eight or nine in the morning. Why? You need something,” ani nito at itinoon nito ang pansin kay Margarita.
“Wala naman. Naitanong ko lang baka kasi may lakad ka bukas. Kung magtatagal tayo bukas baka mahuhuli ka naman sa meeting mo?”
“Wala namang meeting bukas aside sa aming virtual meeting. Sa bahay lang naman ako bukas, bakit? May ipapabili ka ba sa akin?”
“Wala naman. Just asking iyon lang.”
“Okay! Baka mabored ka bukas, may mga plano ka bang gagawin?”
“Wala naman. Pero kung may maiisip ako, sasabihin ko nalang sa iyo.”
“Mabuti at naalala ko iyong sinabi ng aking kliyente. He was actually inviting me over his condo, and the best thing is that, we are staying in the same condominium. So, baka pwede nating bisitahin siya para naman we can explore another environment.”
“I might stay in the room Franco. You know, kakatapos lang ng aking surgery baka sumakit pa ito kung magkikilos-kilos ako.”
“Yeah, you got a point. I might as well stay in the condo nalang.”
“It is okay! You may go there Franco. You don’t need to stay in the room all day long because of me. I can manage naman,” ani niya.
“Nah! I will be bored kung kami-kami lang rin naman. Sa condo nalang ako and watch movies when bored.”
“Ikaw? Basta it is okay for me kung gagala ka man.”
“Movie marathon nalang kaya tayo? I will buy a lot of snack and some drinks para maenjoy naman natin ang ating bakasyon.”
Nagustuhan niya rin ang ideya ni Franco kaya tinanguan niya ito bilang pagsang-ayon. Nagpatuloy si Margaritang kumain habang si Franco naman ay panay rin ang kwento ng kung ano-ano. Buong gabi sila nag-usap hanggang abutan sila ng antok at napagdesisyunang matulog na sapagkat maaga pa sila bukas.