CHAPTER 41

1528 Words
Chapter Fourty-one – Advice "Pagkatapos ng karamihan sa mga operasyon, magandang ideya na maghintay bago ipagpatuloy ang iyong regular na diyeta. Gusto naming matiyak na gumagana nang maayos ang iyong digestive system bago ka magsimulang kumain ng solidong pagkain. Kaya, ang iyong agarang diyeta pagkatapos ng operasyon ay maaaring limitado sa mga malinaw na likido: tubig; ice chips; juice ng mansanas, ubas, o cranberry; tsaa; sabaw; gulaman; mga inuming electrolyte; at mga popsicle." "Dahan-dahan lamang sa pag-inom ng mga binanggit ko. Maaari mong pabilisin ang pag-iinom ng mga likido nang hindi nagdudulot ng pagduduwal o pagsusuka. Ang sapat na pag-inom din ng mga ito ay para maiwasan natin ang hydration." Dagdag ng doktor. "Paano po ang kain niya doc?" Tanong naman ni Franco sa doctor. "Pwedeng kumain ng yogurt, berries, at whole grains. Ang whole grains ay naglalaman ng maraming hibla, na makakatulong sa iyong maiwasan (o gamutin) ang post-surgical constipation. Isaalang-alang ang pagpili ng oatmeal kaysa sa boxed breakfast cereal, halimbawa, brown rice kaysa sa puting bigas. Kung kakain ka ng tinapay, maghanap ng mga whole grain na bersyon sa halip na naka-prepack na puting tinapay, na karaniwang mababa sa dietary fiber. Ngunit, kung kaya na niyang kumain ng mga whole grains." "Pwede din ang Dark leafy greens, Ang isang salad ay maaaring hindi ang pinakamahusay na pagpipilian para sa iyong unang pagkain pagkatapos ng operasyon, ngunit ang madilim, madahong mga gulay, tulad ng spinach at kale ay karapat-dapat sa isang lugar sa iyong plato pagkatapos mong ma-clear na kumain ng isang regular na diyeta. Ang mga pagkaing ito ay mataas sa fiber at antioxidants, kaya nakakatulong sila sa panunaw at sumusuporta sa immune system. Subukang lutuin ang iyong mga gulay sa sabaw ng manok o gulay kung hindi mo kayang tiisin ang hilaw na anyo." Mahaba nitong litanya. "Nabanggit niyo po ang tungkol sa manok, pwede po ba siyang kumain nito?" "It depends. Kung kaya na ng pasyente. It is recommended to eat or drink something that are soft after the surgery. It will take 3 recommended days before you can eat solid foods. Mostly nga, full fluid diet muna dapat to avoid the risk of feeling pains and discomfort, pagdurugo, impeksyon, at pagkakapilat. So for the three days, please follow the full fluid diet muna. No eating of solid foods." "Okay doc maraming salamat." "No worries dahil gradually, we will let you eat solid foods after three days. Don't eat in a abrupt meal of solid foods after three days." "Okay po doc. How about the dressing?" Tanong naman ngayon ni Margarita. "Ang orihinal na dressing ay maaaring iwanang nakalagay nang hanggang dalawang araw hangga't hindi ito umaagos. Ang sugat ay dapat panatilihing tuyo sa loob ng dalawang araw. Kung ang dressing ay nabasa mula sa dugo o anumang iba pang likido, dapat itong palitan. Please be back if anything happens. I am hopeful that in two days matanggal na natin ang dressing." "Maraming salamat talaga doc," banggit ni Franco. "Walang problema! See you in two days," paalam nito at umalis na ng silid. "Thanks God makakauwi na talaga tayo." "Opo makakatulog ka na ng mahimbing." Natawa si Franco. "Huwag kalimutan iyong sinabi ng doktor." "I'm not a kid anymore!" "But still you are so stubborn. Full fluid diet dapat!" "No need to tell. Let us go?" Ani niya upang matigil na ito ng panenermon sa kanya. "Let me accompany you baka mapano ka." "Maraming salamat Franco," ani niya at humawak sa mga braso nito. Mabilis silang nakababa sa ground floor ng ospital kaya agad silang sumakay sa sasakyan nito. With just a minute, narating na nila ang condo ni Franco. Inalalayan parin ni Franco si Margarita paakyat ng condo unit nito. "Thanks God!" Ani ni Franco at umupo kaagad sa sopa. "Inalalayan mo lang naman ako, pagod agad?" Natatawa siya habang tinitingnan ito. "I'm still sleepy you know." "Sorry Franco. Kung sana umuwi ka nalang. Hindi pala sanay ang iyong katawan kapag nakikitulog ka?" "Okay lang. Nag-iinarte lang talaga itong katawan ko." "Ako nalang ang magluluto ng agahan mo?" "Huwag na! You should rest first. Hindi pa naman ako gutom. I can manage." "Okay. I'll be on my room then?" "Sure! Susunod lang ako." "Gotta go," ngiti nito at pumunta na ng silid. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kwarto nito. Nasanay naman siyang mabendahan sa mukha ngunit naninibago rin siya sapagkat matagal narin iyong panahon na tinanggalan siya ng bend. Umupo siya sa kama at napahikab. Napatingin siya sa orasan at it was almost lunch time. Hindi pa naman siya dinadalaw ng gutom kaya napagdesisiyunan niyang humiga nalang muna. Habang nakahiga siya ay hindi niya namalayang unti-unti na pala siyang nakatulog. Nagising na lamang ito noong pagtingin niya sa orasan ay mag-aalas tres na ng hapon. Tatlong oras din siyang tulog kaya napagdesisyunan niyang lumabas nalang ng kwarto. Nadatnan niya si Franco na may ginagawa sa kusina. Nakabukas ang tv sa sala kaya naisip niyang kanina pa ito gising. "Franco? Itong tv papatayin ko ba ito?" Sigaw nito. "Huwag nalang. Dadalhin ko naman diyan ang paglain diyan." Dinig niya at lumapit sa kusina "Pagpasensyahan mo na kung ngayon lang ako nagising. Hindi ko namalayan kanina na nakatulog pala ako." "Okay lang. Wala din naman akong ginagawa kanina. By the way, nagpunta pala dito iyong kliyente ko kanina. Gusto ko sanang ipakilala kita ngunit, tulog ka pa. Sayang," nadidismaya nitong sabi. "It's okay! Marami pa namang panahon para magkita kaming dalawa." "Before I forgot, iyon na nga nagpunta siya dito para imbitahan ako sa gym. Baka may ipapabili ka? Sorry kung hindi na muna kita masasamahan." "Okay lang! Tutunganga lang din naman ako. Wala pa naman akong naisip na ipabili kaya huwag nalang." "Sure ka? Sama ka nalang?" "Are you joking Franco? Sana ako ng ganito ang mukha ko? Mabuti pa ay dito nalang ako." "Gusto ko sanang tanggihan ngunit, siya na kasi mismo ang nagpunta dito tapos kliyente ko pa iyon." "Okay lang talaga. No worries Franco kaya ko naman. Baka nga sa kwati lang din ako habang wala ka kasi mahina parin ang katawan ko. "Okay! For now, let's watch some movies while we have our meryenda. But for you, yugurt and berries. May shake na din." "Bili mo o gawa mo ito?" Tanong niya habang nilalapag nito ang pagkain sa mesa. "Binili ko sa labas. Tinamad kasi akong magluto kaya bumili nalang ako." "Ang sarap niyang ginanggang na saging. Ang bango ng amoy nakakatakam," ani niya habang napapalunok sa sarap. "Iyan? Bigay iyan noong kliyente kong nagpunta dito. Bait nga." "Akala ko bili mo din?" " Iyong sayo lang talaga ang binili ko." "Nakakahiya naman. Binili mo pa talaga pero maraming salamat talaga." "Walang ano man. Upo na tayo?" Imbita ni Franco. "Sure! Ano ba ang panonoorin natin?" "It's three in the afternoon kaya love stories nalang panonoorin natin." "Mahilig ka niyan?" "Edi kayo na may jowa." "Haha!" Malakas siyang bumuhakhak dahil sa sinabi nito. "I mean, some boys find it cheesy that is why they dont want to watch movies like love stories." "I don't find it cheesy. Pero huwag nalang ito baka sabihin mong korni ako." "Hindi naman." Napabuntong ito ng hininga. "Ang drama nito," ani niya at kiniliti ang tagiliran nito. "Haha!" Umiilag ito sa mga daliri ni Margarita. "Tama na! It's not fair kasi hindi kita makikiliti." Ani nito noong tigilan niya ang pagkiliti sa tagiliran nito. "Ito nalang." "Pwede nga iyong love stories." "Huwag nalang! Mas mabuti pa ito kasi nakakatawa," ani nito at sinaksak na ang cd. Ilang segundo ang lumipas ay nagsimula na ito. Panay tawa sila kahit kakasimula palang nito. Nakakarelate silang dalawa sapagkat parang mga ganoong din sila minsan. Hindi nila namalayan ang paglipas ng oras. Unti-unti ng dumilim ang silid kaya sinindihan ni Franco ang ilaw. "Mag-aalas sais na pala? Kakanood lang natin pero maghahapunan na pala." "Diba may lakad kayo noong kliyente mo?" Naoalaki ang mata ni Franco. "Oo nga pala! Nakalimutan ko. Mabuti nalang at nasabi mo." "Ano ba oras kayong magkikita?" Tanong nito habang nililigpit ang mga pinggan, kubyertos, at baso sa mesa. "Alas sais iyong sabi baka pupunta na iyon ngayon? Bihis na muna ako ha? Ako na ang maghuhugas niyang mamaya." "Ako na! Kaya ko naman para namang naputulan ako ng kamay para hindi makapaghugas ng pinggan. Sige na bilisan mo baka nandito na iyon." Mabilis na pumunta si Franco sa kwarto nito. Habang si Margarita naman ay nagpatuloy sa pagligpit at dinala ito sa kusina. Habnag naghuhugas siya ay nakarinig siya ng katok. "Franco? Nandiyan na ata ang bisita mo?" Sigaw ni Margarita. "Franco?" Ulit nitong tawag. "Papunta na ako!" Sigaw pabalik ni Franco. Ilang segundo na ang lumipas ay lumabas na nga si Franco ng kwarto nito. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan dahil sa pagbukas nito. Dinig niya ang nag-uusap na mga lalaki ngunit hindi klaro ang mga salita nito. "Margarita? Punta na ako. I will lock the door nalang. Hali ka! Ipapakilala kita," ani nito habang dinudungaw siya sa kusina. "Huwag na! Sa susunod nalang. May lakad pa kayo baka magsara na ang gym." "Matagal naman iyong sinisirado. Sige! Punta na kami ingat ka dito." " Mag-ingat din kayo!" Sagot naman ni Margarita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD