Chapter Fourty-Two – Bagong Mukha
“Already excited?” Baling ni Franco kay Margarita habang nagmamaneho ito.
“Who wouldn’t be? But, I want to heartily thank you Franco for everything that you have done to me.”
“Walang ano man, Margarita. It is a pleasure to help people naman.”
“Nawa ay magkajowa ka na,” biro naman ni Margarita.
“Haha!” Tawa nito bigla. “Are you insulting me? ‘Coz it looks like you are.”
“Do I? Hindi naman. What I am trying to say is that you deserve someone iyong papahalagahan ka. Kasi hindi naman sa lahat ng panahon ibibigay mo ang lahat para tulungan. Kailangan din natin minsan ng suporta sa mga taong mahal natin o sa taong espesyal sa buhay natin.”
“Should I start installing dating apps?”
Natawa naman si Margarita. “Dunno? Depends on you! Baka may mahanap ka doon. Hindi natin alam,” at ipiagkibit niya ito ng balikat.
“Haha! Almost there,” at niliko nito ang sasakyan papuntang ospital. “Let us celebrate?”
“Saan naman? Hindi naman ako makakakain niyan dahil full fluid diet parin ako.”
“Don’t worry we’ll find a place naman.”
“Sure!” Excited nitong ani. Napatingin siya sa side-view mirror ng sasakyan. Napansin niya ang isang sasakyan na pamilyar sa kanya. Hindi niya lang maalala kung saan niya ito nakita.
“We’re here!” At itinigil ang sasakyan sa parking lot ng ospital.
Pagkababa ni Margarita ay nakita niya iyong lalaking parati niyang nakakatagpo. Naalala na niya kung saan niya nakita ang sasakyang iyon. Sinundan niya ito ng tingin ngunit, pumasok na ito sa ospital.
“Let’s go?” anyaya sa kanya ni Franco habang nakalahad ang braso.
Kumapit siya dito at tumulak na sila papunta ng ospital. Maraming tao sa ospital hindi kagaya noong nagpunta siya dito ilang araw ang nakalipas. Tuloy-tuloy lamang ang lakad nila hanggang maabot nila ang silid ng doctor na magtatangal ng benda sa kanyang mukha.
“Upo muna kayo!” bungad sa kanila ng doctor.
May kinuha ang doctor at may isinulat ito sa papel. May mga tanong ito tugkol sa mga nagdaang araw kung nagkaroon sila ng problema. Tinanggihan naman niya ito sapagkat hindi sila nagkaroon ng problema tungkol sa surgery.
“Okay we’ll now remove tha bandage,” ani nito at tumayo na.
Dahan-dahan nitong tinanggal ang benda na naka-ikot sa ulo ni Margarita. Unti-unti ng lumuwag ang pakiramdam ng kanyang mukha. Hanggang sa natanggal na nga lahat ng benda at binigyan siya nito ng salamin.
Napahawak siya sa kanyang mukha. “Ahy!” Tigil niya. “Pwede ko na po bang hawakan doc?”
“Oo naman pwede na,” natatawa nitong sagot.
Hinawakan nito ang mukha habang nakatingin sa salamin. Napaluha siya kaya pinahiran niya ito kaagad. Hindi siya makapaniwalang bumalik ang mukha nito sa orihinal na anyo. Malapad ang kanyang ngiting tumingin sa doctor at kay Franco.
“Thanks Doc,” maluluha nitong sabi.
Tango lamang ang naging sagot ng doctor. “Franco, tignan mo,” ani niya at hinagod nito ang mukha.
“Sige ka! Baka mapunit iyan sa kakahawak mo,” biro naman nito kaya tinigilan nito ang paghawak sa pisngi.
“Hindi naman malakas ang pagkakahawak ko. Hinahagod ko lang naman,” pangatwiran niya.
Naaliw siya habang tinitingnan nito ang kanyang mukha sa salamin. Nag-uusap pa naman si Franco at ang doctor. Hindi niya namalayang ilang minuto na pala siyang nakatingin sa salamin kung hindi lang siya tinawag ni Franco.
“Let’s go?”
“Tapos na kayo mag-usap?” baling nito kay Franco. “Saan na iyong doctor?”
“Kanina pa umalis. Hindi na nakapagpaalam kasi may pasyente pang pupuntahan. Tapos, ayaw ka niyang madisturbo kaya sa akin nalang nagpaalam.”
Tumango naman si Margarita. “Let’s go?” Isang katok ang nagpaigil nito. Kasunod nito ay ang pagbukas ng pintuan.
Nagulat siya noong ito iyong lalaking parati niyang katagpo. Ngunit, hindi siya nagpahalata sapagkat baka mahalata nito ang gulat nitong ekspresyon. Tumingin ito sa kanya at makikita sa mata nito ang pagkakagulat.
“What are you doing here Matthew?” Tanong naman ni Franco na kanyang ikinatingin. Nagulat siya sapagkat bakit niya kilala ito.
“Pinapunta ako dito noong doctor,” saglit itong tumingin sa kanya at nilipat kay Franco.
“What a coincidence man,” ani ni Franco at nakipagyakapan ito.
“Yeah! So, what are you doing here?”
“Franco, I think we should go? I am a little bit dizzy,” ani niya at hinawakan ang ulo.
“Are you okay?” Lumapit ito sa kanya. Napakagat siya sa kanyang labi sapagkat mabuti nalang ay nakumbinsi niya ito. “Maybe we should call the doctor?”
“Huwag na. Kailangan siguro ng pahinga,” sagot naman nito. Naningkit ang kanyang mata at saglit na tumingin sa lalaki. Nakatingin ito sa kanya kaya ibinaling niya ulit ang mga mata kay Franco.
“Okay. Let’s go,” ani nito habang inalalayan si Margarita. “Sorry pare. Kailangan na naming umuwi,” dinig niyang sabi ni Franco sa lalaki habang siya ay nakatungo lamang.
“No problem! Kita nalang tayo sa condominium.”
“Sure! Pasensya na talaga. Sige mauuna na kami,” ani nito at hinidi na niya na ito narinig pang sumagot.
Nakalabas na sila ng ospital kaya umayos na siya ng tayo. Hindi naman nagtaka si Franco sapagkat nakatanaw lamang ito sa kanyang kotse habang pinapatunog ito gamit ang susi. Agad siyang pumasok ng sasakyan noong narating na ito.
“Okay ka lang? Kumusta pakiramdam mo?” Alala nitong tingin habang kinakapa-kapa.
“Okay na ako. Kailangan lang talaga ako ng pahinga.”
“Are you sure? It is better to consult the doctor,” suhestiyon nito.
“Okay na talaga ako. Huwag kang mag-aalala ipapahinga ko lang ito.”
“Okay! Hindi na muna matutuloy iyong celebration natin,” ani nito sa nakakaawang tinig.
“Marami pa namang panahon. Antayin nalang natin kapag pwede na ako kumain ng ibat-ibang pagkain.”
“Sige, iyan na lang muna ang susundan natin,” sang-ayon nito.
Gumayak na sila paalis ng ospital. Kailangan niyang mauna sa condo baka magkaabot pa sila noong Matthew. Kinakabahan kasi siya sapagkat baka makilala siya nito. Ang alam noong lalaki ay iyong mukha niyang may peklat at nakabanda. Masungit pa naman siya dito tapos, kliyente pala ni Franco. Kailangan niyang makisalamuha dito para hindi ito magtaka ngunit, iyong kanina hindi niya lang napigilan ang kanyang emosyon. Kailangan niyang paghandaan ito sapagkat darating ang panahon na makakasalamuha niya na ito palagi sapagkat, magsisimula rin siya sa pagtatrabaho kay Franco.
Ilang minuto ang lumipas ay narating na nila ang kanilang tinutuloyan. Nilapitan sila ng valet at patingin-tingin si Margarita sa kanyang paligid. Baka kasi nandito na iyong Matthew kaya noong nasigurado niyang wala ito ay nauna na siya kay Franco.
“Mauuna na ako Franco. Gusto ko ng magpahinga,” paalam nito at hindi na inantay ang sagot nito.
Agad siyang sumakay ng elevator papunta sa kanilang unit. Hindi niya alam kung bakit natataranta siya ngayon sapagkat hindi naman siguro siya kilala noong Matthew. Ngunit, ang kanyang ikinabahala ay iyong ekspresyon niya kanina na para bang nakakita ito ng multo. KInalma niya ang kanyang sarili at bumuntong-hininga.
Pagkalabas niya ay nagdahan-dahan na siya sa paglalakad sapagkat kampante itong wala pa dito si Matthew. Hindi niya rin alam kung saan ang unit nito kaya bakit kailangan nitong mabahala. Hindi niya rin alam kung same floor sila kaya napailing na lang siya.
Napasalampak siya sa upoang sopa noong nakapasok na ito sa unit. Napatingin siya sa mga salaming makikita ang kanyang repleksyon. Napahawak siya ulit dito sapagkat bumalik nga kung ano ang kanyang mukha. Ngunit, ang ibinagbago nito ay nagmukha na siyang mature kung tingnan, ang pumayat nitong pisngi, at ang pagliit ng kanyang mukha. Bumukas ang pintuan kaya napatingin siya dito. Nakadungaw dito si Franco at nginitian siya.
“Okay na ang iyong pakiramdam?” napasalampak rin ito ng upo dahil sa pagod.
“Okay na. Sabi ko naman sa iyo diba na kailangan lang ng pahinga. Baka napagod lang talaga ako.”
“Siya nga pala, nagkita kami kanina ni Matthew,” kinabahan siya kaagad pagkarinig niya dito.
“Sinong Matthew?” pakunwari niyang tanong.
“Iyong lalaki pumasok sa opisina ni doc kanina. Remember him?”
“Ah! Iyon ba? Naalala ko ngunit hindi ko matandaan ang hitsura kasi alam mo namang biglang sumama ang aking pakiramdam.”
“No need to worry kasi pupunta iyon mamaya. Excited pa naman iyong makilala ka.”
“Bakit daw siya pupunta dito?” Kunwari itong tumayo upang hindi nito makita ang naiilang niyang ekspresyon.
“Alam mo naman baka bored iyong tao kaya pupunta dito.”
“Wala ba siyang kasama sa kanyang condo para pumunta pa siya dito?”
“Sa pagkakaalam ko, siya lang ang mag-isa sa condo nito. Hindi ko naman kayang tanggihan ang kliyente ko at isa pa, he’s actually the successor of one of our company. Iyon nga, gusto niya munang tuklasin kung paano maging isang kliyente bago siya pumasok sa kompanya.”
“Hmm,” tango niya. “Baka pwedeng ikaw nalang pumunta sa condo niya? Nakakahiya naman pala sa kanya kung siya pa ang pupunta dito.”
Hindi naka-imik si Franco sapagkat naghihinala na ito sa mga tanong nito. “Are you okay? It seems like ayaw mong papuntahin siya dito?”
“Huh? Hindi naman. I mean was, baka lang naman? Nahihiya kasi ako alam mo na,” pilit siyang ngumiti.
“Huwag ka ng mahiya. Tingnan mo ang iyong mukha sa salamin,” turo nito. “You are beautiful Margarita! Kahit may peklat man o wala, retokada man o hindi maganda ka na.”
Hindi naman siya nakaimik sapagkat parang kinurot nito ang kanyang puso dahil sa mga sinasabi nito. Tumingin siya dito at nagpasalamat dahil sa sinabi nito. Nagppaalam siyang magpapahinga na sa silid at ito ay tinanguan ni Franco.