CHAPTER 43

1824 Words
Chapter Fourty-three – Bisita Agad niyang sinirado ang pintuan ng kanyang kwarto. Napag-isipan niyang matulog na lamang para hindi sila magkatagpo ni Matthew. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon. Kaya, ito ang kanyang ikinababahala baka magtaka ito. Pabalik-balik siya ng paglalakad galing sa pintuan papuntang kabilang dako ng dingding. Gusto niyang matulog ngunit ang utak nito ay hindi matahimik kaya imbes na pumunta sa kama ay nanatili siyang nakatayo doon. Hindi niya alam kung grabe ang kanyang kaba sapagkat hindi naman siguro siya makilala noong lalaki. Minabuti niyang lumabas na lang sa balkonahe ng kwarto para makalanghap ng sariwang hangin. Bumungad sa kanya ang napakainit na syudad at malakas na hangin. Nililipad ng hangin ang kanyang mukha kaya natatakpan ito. Napatingin siya sa kabilang balkonahe at laking gulat niyang nakahubad na lalaki ang kanyang nakita. Hindi siya agad nakagalaw habang nakatingin ito sa lalaking parang diyos. Katulad ang katawan nito noong nakilala niyang lalaki sa barko. Hinahagod-hagod nito ang kanyang tiyan na para bang nilalaro. Napapalunok naman siya sapagkat ayaw bawiin ng kanyang paningin ang kanyang mga nasasaksihan. Humagod ito paitaas hanngang sa umabot ito sa kanyang dibdib. Nilaro nito ang kanyang u***g kaya siya napasinghap. Napatingin sa kanyang dako ang lalaki na kanyang ikinagulat. Agad siyang napatalikod sapagkat si Matthew pala ito. Hindi niya aakalaing sa kabilang unit lang pala ito. Katabi pa ng kanyang kwarto ang unit nito. Tiningnan niya ito ulit ngunit nakatingin na ito sa kanya kaya tunalikod siya ulit. Dali-dali siyang pumasok sa kwarto at isinarado ang sliding door. Para siyang galing sa isang marathon dahil sa hingal nito. Hawak niya ang kanyang dibdib na kay lakas ang pagtibok. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang kanyang reaksyon sapagkat kakakilala lang nila mga ilang araw rin ang nakaraan. Narinig niya ang marahang katok sa pintuan ng kanilang sala. Para siyang uod na binudburan ng asin. Tumalon siya papunta sa kanyang kama at nagtalukbong ng kumot. Tinalasan niya ang kanyang pandinig upang marinig niya kung sino ang kumakatok. Pinagpapawisan na siya ngunit wala siyang marinig na pag-uusap kaya lumabas siya sa pagkakatalukbong. Ilang minuto ang lumipas ay narinig niya ang mga yapak papunta sa kanyang silid. Bumalik siya agad sa pagkatatalukbong at nagkunwaring tulog. Dinig niya ang pagbukas ng kanyang pintuan kaya nagsisimula ng magsilabasan ang pawis sa kanyang noo. "Margarita?" Tawag ni Franco sa kanya. Hindi siya umimik para umalis na ito. Napabuntong siya noong matagumpay niya itong napaalis. Dinig niya ang pagsirado ng kanyang pintuan kaya dahan-dahan siyang bumaling. Laking gulat nalang niya noong makita nitong nakatayo pa doon si Franco. "Akala ko natulog ka?" Nagtataka ito habang nakakunot ang noo. "Natulog talaga ako," madramang itong humikab. "Nagising lang ako noong tumawag ka. Bakit?" "Ipapakilala na sana kita kay Matthew. Nakatulog ka naman diba kaya hindi ka na siguro mahihilo?" Hindi naka-imik si Margarita. Dahan-dahan siyang napatango at pilit na ngumiti kay Franco. Kung sinabi niya lang sana na hindi pa edi hindi diya nito kikulitin. "Oo, pero baka pwedeng hindi nalang?" Nahintatakutan nitong tanong kay Franco. "Hindi pwede Margarita! Kailangan mo siyang makikala mula ngayon dahil magtatrabaho ka na sa akin. At si Matthew ang magiging isa sa mga magtataguyod ng kompanya nila. Kaya there will be possibilities na madalas kayong magkita." Kumbinse nito. "Uhh." Papikit-pikit ang kanyang mata. Hindi siya makapagsalita sa mga sagot ni Franco. "Sige na! Huwag ka nang mahiya. It's better na makilala mo siya ng maaga kaysa hindi." Hindi siya naka-angal kaya napatango nalang siya. "Mag-aayos muna ako," paalam nito kay Franco. "Sige! Sunod ka na doon sa sala ha? Mag-aantay kami." Humugot siya ng malalim na hininga noong narinig niya ang pagsara ng pintuan. Inayos niya nalang ang kanyang buhok at naglagay ng maliit na face powder para presentable tingnan ang kanyang mukha. Handa na siyang magpunta ngunit ang kanyang mga paa ay hindi nakikiayon sa kanya. Maalkas ang kanyang kaba habang pahakbang na ito palabas ng kwarto. Bumalik siya ulit sa kanyang pinanggalingan para pakalmahin ang sarili. Dinig niya ang pagtawag sa kanya ni Franco kaya mas doble ang kaba ng kanyang dibdib. Bumuga muna siya ng hangin bago tuluyang nilisan ang kwarto. Para siyang nakalutang habang papunta sa sala. Parang nilipad ng hangin ang kanyang utak sapagkat wala siyang maisip habang papalapit na sa sala. Unang nakita niya si Franco at kausap nito iyong lalaki. Napatingin sa kanyang iyong lalaki kaya nagpakita nalang siya sa kanila. “Here she is! Meet Margarita,” turo ni Franco sa kanya. “Margarita, this is Matthew,” at tinuro rin nito ang lalaki. She faked a smile but the man in front didn’t even manage to smile at her. Nakakunot ang noo nito habang tinititigan ng mabuti ang kanyang mukha. Makikita sa mga mata nito ang pangugulila na kanyang ipinagtataka. Nagulat rin si Franco dahil sa inasta ng kanyang kliyente habang nakatingin ito kay Margarita. “Is there any problem Matthew?” basag nito sa nakatulalang mukha. Binawi nito ang sarili at napailing. Napangiti ito, “pagpasensyahan niyo na para kasing pamilyar ka sa akin.” Baling nito kay Margarita. It was not a question but, he also was not sure. Nagsimula na naman siyang kabahan baka makilala siya nito. Natawa si Margarita upang itago nito ang kaba at ang mga mata niyang gulat. “Hindi po ako sigurado sir,” pormal na sabi ni Margarita. “You can call me Matthew.” Nilahad nito ang kamay para kay Margarita. “Margarita,” bigkas niya sa kanyang pangalan. “That’s good kung nagkita na pala kayo?” Singit naman ni Franco kaya napabitaw agad si Margarita sa pakikipagkamay. “I was not sure. Pero pamilyar ka sa akin,” baling nito ulit kay Margarita. “Baka magkamukha lang kaya parang pamilyar?” Palusot nito. “Baka nga rin,” sabat ulit ni Franco. “Let us sit baka lumamig na itong mga pagkain,” anyaya ni Franco sa kanila. Naupo na sila at maraming pagkain ang naroon sa lamesa. Ngunit, halos lahat ng pagkain ay hindi pwede sa kanya. Napaisip niyang baka dala ito ni Matthew sapagkat kung si Franco ito alam nito ang mga pagkaing ibibili. “Don’t worry Margarita. I also made you some foods kasi hindi ka pa pwede kumain nito.” Sabay bigay sa kanya ng pagkain galing kay Franco. “Hindi ka pala kumakain ng ganito?” At nahiya siyang bumaling sa lalaki. “Oo kakagali–“ natigil ito sa pagsasalita dahil nagsalit rin ai Margarita. “Allergy kaya hindi ako pwede,” palusot nito at napakagat sa pang-ibabang labi. Naptingin siya kay Franco at pinanlakihan siya nito ng mata. They talked using their facial expressions. “Hindi naman allergic itong pinamili ko,” ani nito at isa-isang tiningnan ang pinamili. “Kakagaling lang namin sa ospital at pinagsabihan ako ng doctor na hindi muna ako pwede kamain nito. Kahapon kasi marami akong nakain tapos nagka-allergy mabuti nalang at hindi naman ganoon kalaki ang problema noong pinacheck-up naming kanina.” “Ahh! Ganoon bha?” Nakakunot ang noo nitong bumaling kay Franco at ang mga mata nito ay puno ng katanungan. “Uhh hihi,” ngiti ni Franco. Sinipa ni Margarita ang paa nito kaya ito napasagot. “Oo pare,” at bumaling ulit kay Margarita gamit ang naiiritang mukha. “By the way, you look good with each other. Ang cute niyong tignan habang palihim kayong nag-uusap.” Ani nito at binuksan ang mga pagkain. Para kay Margarita may bahid itong panunuya ngunit kay Franco isa itong papuri. “Thank you pare! Bagay ba kami?” tanong niya kaya nabulunan si Margarita habang umiinom ito ng tubig. “Are you okay?” “Oo, nabulunan lang. Pasensya na,” paghingi niya ng paumanhin dahil dito. “Hindi kayo magkasintahan kung gayon?” gulat nitong sagot kay Franco. “Hindi! Hard to get,” ani nito at tumawa. “Just joking! We are just friends and soon she will be working for me,” anunsyo nito sa lalaki. “That’s good!” Galak nitong turan na ikinabigla ni Margarita. Kay lakas ng pagkakabanggit nito kaya para siyang nagising sa natutulog niyang sarili. “I mean, nasa iisang condo kayo? There must be something man,” at nakangiting tumingin kay Franco. Nawalan ng gana si Margarita sa pagkain sapagkat binibigyan nito ng malisya ang pagtira nila sa isang condo unit. Baka isipan pa nito na no string attached silang dalawa. Napiling na lamang siya habang patuloy silang nag-uusap. “By the way, saan pala kayo nagkakilala?” ani nito na ikinatigil niya sa kanyang kinakain. “Nagkakilala kami noong nag-aaral pa kami ng kolehiyo. Isa si Franco sa mga naging close ko na lalaki kaya madalas kaming nagsasama. Iyong iba naman naming kaibigan ay nangibang bansa na para magtrabaho. Kami nalang natira dito kaya kami nalang iyong nagkakasama.” Sabat ni Margarita agad. “Hmm Matagal na pala kayong magkakilala? Buti hindi mo niligawan pare?” “Niligawan ko pero ayaw talaga,” sagot naman nito. “Mag-isa ka lang daw sa unit mo? That must be lonely,” hindi niya na nakayanan ang kanyang pasensyang tinitimpi. “Yeah I am alone pero I doesn’t feel lonely because nandito naman kayo,” maligaya nitong sabi. “Anong ibig mong sabihin?” Nakakunot ang mga kilay niya. “Since magkatabi lang naman itong condo natin, araw-araw nalang ako tatambay dito kung wala akong ginagawa. Okay lang ba pare?” Plastik itong ngumiti kay Franco. Dama niyang sinasadya talaga ito nang lalaki. Parang inaasar siya nito simula pa noong sa barko. Hindi talaga nagbabago ang katagian nito kahit ibag anyo na siya. ‘Baka alam nito kung sino ako?’ isip-isip niya. Ngunit, hindi siya sigurado sapagkat hindi naman siya nagtanong tungkol sa babaeng nakilala niya sa barko. At saka, nakabalot din siya ng iti na bandana. Kaya imposibleng maalala siya nito kung hindi man nito nakita ang kabuoa niyang mukha kung hindi ang peklat lamang nitong pisngi. “Okay lang sa iyo Margarita?” pukaw sa kanya ni Franco. “Huh?” hindi niya ito nakuha kaagad sapagkat magulo pa ang kanyang utak sa lahat ng katanungan. “Gala daw siya dito araw-araw?” “Uhh ikaw? Hindi naman ako ang may-ari nitong condo. Your choice.” Wala rin naman siyang option. “Parang hindi naman yata ako welcome ng kaibigan mo Franco?” Biglang nagtagis ang kanyang mga bagang. Malapad itong ngumiti upang ipakita dito na okay lang sa kanya. Patango-tango siya dito habang napapalakas ang hawak sa tinidor nito. “You are welcome here. Ano ka ba,” Mahinhin nitong tugon kahit na parang sasabg na ito dahil sa naiirita ito. “That’s it! Your always welcome here pare. Bored naman din kasama itong si Margarita kasi masayadong KJ parang nanay kumbaga?” Tawa nito. “Baka seryoso sa mga bagay-bagay kaya napagkakamalan mong KJ. Maganda kaya magkaroon ng ganyang kaibigan o hindi kaya ay jowa.” Sabi nito kaya pinamulahan siya ng mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD