CHAPTER 44

1296 Words
Chapter Fourty-four – Matthew's Room Napasandal siya sa dingding at malakas na bumuntong-hininga. Malakas parin ang t***k ng kanyang pusoo dahil sa kaba. Katulad niya, gulat din si Franco kaya natapon ang iniinom nitong juice. Nagrepresenta siyang linisin ang natapong juice upang makalayo dito. Napahinga siya ng malalim at nagpunta na ng lababo. Hinugasan nito ang mga pinggang nagamit na nila kanina upang hindi niya ito makakasalamuha. “Mamaya na iyan Margarita,” tawag sa kanya nio Franco habang nakasilip ang ulo nito. “Tatapusin ko nalang ito. Malapit na naman kaya susunod nalang ako.” “Okay! Faster Margarita!” Biro ni Franco sa kanya. Tinanguan niya ito nagpatuloy na sa paghuas. Habang naghuhugas siya ay napatingin ito sa labas na kung saan kita dito ang mga barko na naglalayag at nag-aantay sa mga daungan. Naalala niya ulit iyong una nilang tagpo sa barko ni Matthew. Magkasing-katulad sila ng kanyang asawa noong nakatalikod ito. Ngunit, iba ang kulay ng balat nito at mukha ngunit, ang ibang bahagi ng katawan ay kapareho ng kanyang asawa. “Excuse me,” tawag nito sa kanyang presensya. Napatili siya sapagkat sinundot siya sa kanyang tagiliran na hindi niya alam kaya muntik ng mabasag ang hinuhugasan nitong pinggan. Napabaling siya sa kanyang likuran at nakita nito si Matthew na kanyang ikinagulat. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon sapagkat napangunahan na siya ng kanyang takot at kaba. “H-Huh?” nauutal siya habang tinatanong ito. “May kailangan ka?” Humakbang ito papalapit sa kanya kaya napaatras siya at nailapag nito ang pinggan na hinuhugasan. Nakatoon ang mga mata nito sa kanyang mukha at ganoon rin siya sa lalaki. Hindi niya magawang ibaling ang kanyang mga mata sapagkat nakatingin na ang mga mata nito sa kanyang mata. “M-May kailangan ka?” Nauutal niyang ulit. “Iyong tubig?” Napabuka lamang ng bibig si Margarita na para bang nabibingi. “Nasaan dito iyong tubig?” “Ahh!” Hindi rin siya magkaundagaga habang tinuturo nito kung saan ang tubig. “Ayan!” Turo niya sa likuran nito. “Nandito lang pala,” ani nito at tinalikuran na siya nito. “Parang malalim ang iyong iniisip kanina noong tinawag kita.” “May naalala lang,” sabi nito sabay talikod. Nagpatuloy siya sa paghuhugas upang abalahin ang kanyang sarili. “Hmm,” ani nito sa mahinang tunog. “Ngunit malungkot ka nung tignan kanina. You must have remembered something that was not easy to forget.” Huminga muna siya bago niya ito sinagot. “Oo,” amin nito. “Iyong mga ala-alang gusto nating balikan upang sumaya ulit.” Hindi niya napigilang maging emosyonal. Ngunit, imbes na maiyak siya ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “Then, why are you smiling when you miss those times so much?” “Crying for sadness will not bring back what already had happened. It’s best if we will move forward, live your life to the fullest, and fulfill their wishes.” Ani nito na kanyang ikinatawa. “Pasensya ka na nadala lang ako,” hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito kung kakakilala lamang nila. Hinawakan niya ng mahigpit ang spongha na kanyang ginagamit. “It’s okay! It’s better that you talked it out to freed yourself.” “Yeah, think so too. Nasaan na pala si Franco? Bakit niya hinahayaan ang bisita na kumuha ng tubig?” “Okay lang may tintingnan din siya tungkol sa mga proyekto namin. Is it okay if I will ask a question?” “Ano iyon?” unti-unti na siyang nag-open up ditto. Simula noong sinabbi niya kanina ay naging maluwa siya. Ikinatuwa niya ito sapagkat ito na ang simula na hindi siya kakabahan sa mga panahong darating kung magtatrabaho na siya kay Franco. Hindi na siya kakabahang harapin ang isang Matthew. “Bakit ka napunta dito?” Diretsa nitong tanong na hindi niya naiintindihan. “Diba taga San Juan ka?” Nagulat siya ulit. “Oo sumama nga lang ako kay Franco.” “Hmm sige upo muna ako. Ito,” lagay ng baso nito sa lababo. “Pakihugasan Margarita,” bulong nito. Tumindig ang kanyang balahibo noong marinig ito. Narinig niya na ito at pamilyar siya dito. Magkapareho sila ng boses, kung gaano ito kalalim, at kung gaano ito kalakas. Parehong-pareho ngunit naguguluhan siya baka nagbibiro lamang ito o ito talaga ang kanyang tinig. Magkaparehong-magkapareho ang boses ng asawa niyang si Victor at si Matthew. Naalala niya kung gaano ka malumanay ang boses nito kapag binubulungan siya. Ang mga katagang naiwan at boses nito na bumubulong sa kanyang isipan. "Margarita?" Tawag ni Franco kaya napukaw siya sa kanyang pag-iisip. "Bakit?" At tinapos nito ang paghuhugas. "May pupuntahan muna kami ni Matthew," paalam nito kaya natigil siya sa pagpunas mg kanyang basang kamay. "Saan kayo pupunta?" "Iyong site ko dito. Titingin daw siya kaya pinaunlakan ko narin." "Magtatagal ba kayo?" "Siguro? Hindi ko alam." Nag-aalinlangan ang mga mata nito. "Okay lang ba na dito ka lang? Pwede ka namang sumama," bawi nito. Kita niya sa mata nito na nakokonsensya ito. "Okay lang Franco. Huwag kang mag-aalala," sagot nito. "Sige! Maiwan ka na namin dito hah?" Nakita niya ang paglitaw ni Matthew sa likuran ni Franco kaya siya napabaling siya ulit kay Franco. Isang tango ang kanyang ginawa at umalis na ang mga ito. Tiningnan niya muna ang sala kung naroroon pa ba sila bago niya gawin ang kanyang pinaplano. Pagkalabas niya ng kanilang unit ay palipat-lipat ang mata nito sa magkabilang hallway. Tiningnan nito kung nakababa na ba sila bago nagpunta sa kasunod na unit. Binuksan nito ang pintuan at buti nalang bukas pa ito. Bumungad sa kanya ang malinis na condo unit ni Matthew. Hindi niya aakalaing ang lalaking iyon ay ganito ka linis at ka-organisa ang mga gamit. Magkasing-laki lang ang kanilang condo ngunit magkaiba ang kulay nito. The color of the room is darker kaya malalaman mo kaagad na lalaki talaga ang may-ari nito. Hindi rin gaanong nakabukas ang mga bintana nito kaya mas madilim tingnan ang kwarto nito. Habang unti-unti siyang naglakad papasok pa sa loob ng condo nito ay mas naaliw siya. Hindi na niya naisip pa ang kanyang pakay kung bakit siya naroroon. Walang mga larawan nito ang mga nakalagay o nakabitin man lang sa sala. Naisipan niyang buksan ang mga bintana upang magliwanag sa loob nito. "Ang ganda!" Bigkas niya noong nabuksan ang isang bintana. "Hindi pala masama ang taste noong lalaking iyon! Maganda din pala tingnan kapag maiilawan." Patuloy niyang binuksan lahat ng bintana. Narating niya ang kusina nito habang nagbubukas ng bintana. Iba ang disenyo nito kaysa sa kanila. Mas sleek itong tignan dahil sa mga accent ng pagkakadisenyo nito. The lightings were actually good too. Habang binabaybay niya ang kabuoan ng kusina ay hindi niya sinadyang masiko ang isang baso. Nagulat siya noong malakas na lumagapak ito sa sahig. Nagkalat ang mga maliliit na bildo nito sa sahig kaya nagpanik siya. Mabilis niyang hinawi ang mga ito upang ipunin ang mga ito. Ngunit, napa-aray siya noong sumadsad ang kanyang hinliliit sa isang matulis na bildong maliit. "Sh*t! Why now?" Sigaw niya habang hinawakan ang dinudugong kamay. "Bakit ka pa nag-iinarte kung hinahawi ko naman noon iyong mga basag." Humugot siya ng malalim na hininga at hinindot ito upang ilabas ang mga dugo. Narinig niya ang pagbukas ng isang pintuan. Napabaling siya kaagad sa pintuan na kanyang pinasukan ngunit hindi ito nakabukas. Napabuga siya ng hangin, "akala ko pa naman. Kailangan kong bilisan ito," ani nito at sabay baling pabalik sa kanyang dumugong kamay. Ngunit, nahagip ng kanyang mata ang isang lalaki na nakatayo sa pintuan ng kwarto. Agad siyang napatayo ngunit nabunggo ang kanyang ulo sa lamesa. Napabaluktot ang kanyang katawan habang iniinda ang sakit na nasa ulo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD