1
“Son, please come. It’s your Lolo.”
Maingay na tumunog ang takong ng kanyang sapatos sa sahig ng ospital. Halos lakad-takbo na ang ginawa ni Caleb sa gitna ng pasilyo para marating lang ang silid na kinaroroonan ng Lolo Lemuel niya. nasa isang pribadong silid iyon.
Iniwan niya ang meeting sa gitna ng mahalagang diskusyon. Mas importante sa lahat ang lolo niya. Bawat silid na maraanan ay tinititigan niyang mabuti ang numero. Until he finally found what he was looking for. Nakapaskin ang pangalan ng Lolo Lemuel sa pintuan at nasa ibaba naman ang pangalan ng physician.
Huminga muna siya nang malalim bago ipinihit ang seradura. Sumalubong sa kanya ang malamig na buga ng aircon. The typical hospital suite na kahit gaano pa kaalwan at kaganda, ospital pa rin. He dreaded coming to places like this, but he had no other choice. Kailangan niyang damayan ang ina lalo na at nasa probinsya ang Tito Lorenzo.
Naratnan niya ang ina na kausap ang doktor.
Nakatalikod ito at natatakpan nito at ng doktor ang lolo niya. Hindi na niya ginambala ang ina at naglakad patungo sa natutulog na abuelo. His Lolo Lemuel looked so frail. He used to remember him towering over him. Lagi siyang nakasakay sa balikat nito lalo na noong nagbalik sila sa piling ng mga ito.
“Just remember, the next heart attack could be fatal.”
Narinig niyang pagtatapat ng doktor sa ina.
Fatal. No, he wasn’t ready to lose him. Not just yet. Gagawin nila ang lahat para mapahaba ang buhay nito. Losing someone is painful. Dalawang mahahalagang tao na sa buhay niya ang nawala, ang Tita Eli niya at ang Lola. He couldn’t afford to lose anybody else in the family. Nakita niya ang sakit na pinagdaanan ng lolo at ni Tito Lorenzo noon. Hindi madali.
Bahagyang gumalaw ang matanda. Pumaling ang hapis na mukha sa gawi niya. Ginagap niya ang kulubot na palad ng abuelo at pinisil iyon.
"Hey, old man, keep on fighting," mahina niyang turan na siya lang ang nakakarinig. Matigas siya kung ituring ng ibang tao pero pagdating sa lolo niya, lumalambot ang puso niya.
“Thank you, Doc.”
Tapos na ang pag-uusap ng dalawa sa isang sulok. Inihatid ng ina ang kaibigang doktor sa pintuan, saka ito lumapit sa kanya, Eksaktong nakaupo ang ina sa tabi niya nang bumukas ang mga mata ni Lolo Lemuel. Kaagad na sumilay ang ngiti nito pagkakita sa kanya.
"Hey, how are you?"
Pinilit nitong ngumiti. "Still alive and well."
Same spirit. What a fighter.
"Pa, you need to rest," sawata ng ina nang tinangka nitong bumangon.
"Audrey, I am okay."
Napabuntung-hininga na lang ang ina. Inutusan siyang itaas ang hhospital bed para makaupo ang matanda na nakahiga sa kama.
“Naalala mo ba noong bata ka pa, Caleb?”
“Which part in particular, Lo?” He was still holding his hand.
“The time when you were kidnapped.”
That painful experience. Matagal na nila iyong hindi napapag-usapan. Sino ba ang makakalimutan iyon? Thanks to that man who saved him.
“Did you remember the man who saved you?”
He barely remembered his face pero hindi niya nakakalimutan. He had vague memories of that day. Basta ang naalala niya ay may taong hindi nag-alinlangang iligtas siya.
“What about him, Lolo?”
Alam niya kung saan ang patutunguhan ng pag-uusap na ito. Bata pa lang ay iyon na ang bukambibig nito. Tinitigan siya nang mataman ng matanda. He looked so sick, yet so serious. Walang makakabali sa anumang sasabihin nito.
“I want you to marry his daughter.”
There. Hindi na bago ang marinig iyon. Lalo na kapag nagkakasakit ito. Mas nagiging matanda, mas nadadalas nitong mabanggit iyon. He was promised to someone he didn’t know. Sa batang gulang ay nauunawaan at tinanggap niyang isang araw ay pakakasalan niya ang babaeng nakalaan sa kanya. But as he grew older, he began to build resentment over the old-fashioned idea.
Sino pa ba ang pumapayag sa arranged marriage?
Who the hell wanted to get married, anyway? He was not even a fan of marriage. Masaya ang buhay bachelor.
“Pa, you have to rest.”
“I had been resting for too long, Audrey. Nababagot na ako sa kasasabi mong magpapahinga ako. Yes, magpapahinga ako nang tuluyan kapag nakita ko nang natupad na natin ang pangako kay Ramon.”
Nagkatinginan sila ng ina niya. Sinasabi ng mga titig nito na huwag salungatin ang lolo niya at makiayon na lang sa mga sinasabi nito. Naraamdaman niya ang paghigpit ng hawak ng kamay ng lolo niya sa kanya. he looked straight into his eyes.
“Make an old man happy by marrying Ramon’s daughter, hijo.”
“Let’s talk about it later, Lolo.”
"No."
Para matigil ito sinabi niyang oo, payag siya at minabuti na ilipat sa iba ang usapan. He was able to divert their conversation to business. Sa kabila nh kundisyon nito ay nagtatanong pa rin ito ng tungkol sa opisina. Siya ang tumatayong CEO at ang Tito Lorenzo naman ay mas piniling ang hacienda ang pagtuunan ng atensyon.
“I have to go back to the office, Mom.”
“Mag-ingat ka.”
Inihatid pa siya ng ina sa pintuan matapos siyang yakapin. Nakaisang hakbang na siya nang mapahinto siya.
“I thought nakalimutan na iyon ni Lolo.”
His mother caressed his hand. “Pagbigyan na lang natin ang lolo mo. I know you’re an independent man . But, maybe, this time around, mapagbibigyan natin ang hiling niya.”
Well, he could.
Naglalakad siyang pabalik sa parking area na iniisip ang mga napapag-usapan kanina. Dinukot niya mula sa bulsa ang remote key at pinindot. Diretso niyang tinalunton ang sasakyan.
“Tay, sino ba talaga ang bibisitahin natin dito? Mamaya, hindi natin mabili ang lahat ng dapat nating bilhin sa Divisoria.”
Napahinto siya sa paghakbang. Katabi niya mismo ang nagsasalita, isang babaeng kakaibis lang ng lumang sasakyan. It was L300. Umibis ito at nagmamadaling lumipat sa kabilang side at inalalayan ang sinuman sa driver’s seat na makalabas din.
It was an old man, based on stature.
“Isang kaibigan, anak.”
“Dito talaga sa pangmayamang ospital, Tay?”
Pangmayamang ospital. Ewan niya ngunit gusto niyang matawa sa usapan ng dalawa. Umangat ang sulok niya nang biglang mapadako ang mga matang iyon. Hindi niya buong makita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng bag na nakapatong sa bubong ng sasakyan but that woman sure possessed such beautiful and innocent eyes.
Oh, hell, he was eavesdropping. It was never his business.
Kaagad siyang lumulan sa kotse at pinaharurot iyon palayo
Pero bago tuluyang lumayo ay napasilip pa siya sa side mirror. Nakita niyang naglalakad nang magkaagapay ang mag-ama habang inaalalayan ang matanda.
Binawi niya ang mga mata.
“Kailan ka pa naging tsismoso, Caleb?”
Napapailing siya. itinuon ang mga mata sa kalsada at nilakbay ang daan pabalik sa opisina.
***.
Dalawang araw pa ang lumipas. Tuluyang nakalabas nan g opisina ang Lolo Lemuel. Ang mommy niya na ang nag-asikaso sa ospital. Total naman ay dumating din si Tito Lorenzo mula sa hacienda. Hindi niya maiwan-iwan ang opisina lalo pa at kasagsagan ng sunud-sunod na meetings at may mga investors pang inaasikaso. They were expanding their business in Southeast Asia, kaya, subsuban siya sa trabaho.
“Cal, meet me at the bar.”
“I’m sorry, Heinz, I couldn’t.”
Ang kaibigan niyang wala na yatang ibang ginawa kundi ang mambabae at magbabad sa bar.
“Baka mamaya, the next time we met, puti na ang lahat ng buhok mo.”
He just chuckled. Maraming nakabinding trabaho kaya mabilis niyang dinismiss ang kaibigan. It was a Saturday but here he is nagtatrabahio ap rin nang subsuban. Bandang alas tres nang magdesisyon siyang umuwi naman. he had been working so hard, he needed fun.
“Sir, someone’s on the line.”
“Who?” tanong niya sa sekretarya na hindi ito tinititigan.
“Miss Ashley.”
Napatigil siya mula sa ginagawang pagsasarado ng laptop.
“Tell her I’ll drop by.”
Seconds later, he was already driving towards Ashley’s condo. Ilang bloke lang naman iyon mula sa opisina. Ipinanhik niya sa basement ang sasakyan at lumulan ng elevator. s**t. The thought of spending the night with Ashley almost made him arouse.