PROLOGUE

1083 Words
Para akong binagsakan ng langit sa bigat ng iniisip ko. Namanhid ang aking katawan, nanginginig at hindi alam kung ano ang gagawin. Nakasiksik ako sa apat na sulok ng aking kwarto habang gulong-gulo kong ano na ang mangyayari sa akin pagkatapos nito. Suminghap ako ng ilang beses at pilit na pinakalma ang aking sarili. Gamit ang nanginginig na mga kamay kinuha ko ang aking telepono at lakas loob na tumawag sa kanya. Nanigas ang aking katawan ng nag ring na ito. Ilang segundo pa, may sumagot mula sa kabilang linya. “Mr. Jacyd Villarama’s Office, how may I help you?” Maligayang bungad sa akin ng babae mula sa kabilang linya. Kilala ko siya, ito ay ang Sekretarya niya. “Can I talked to Mr. Jacyd?” Namamaos na tanong ko. “I'm really sorry Ma’am, pero nasa meeting po si Mr. Villarama. Pwedi po bang malaman kung sino sila?” Mariin akong pumikit at humihinga ng malalim. “P-Pakisabi sa kanya…Pakisabi sa kanya it's Marian. May importante akong sasabihin na dapat niyang malaman.” Biglang nawala ang boses ng babae sa kabilang linya but I'm still connected to her. Napalunok ako dahil biglang nanuyo ang aking lalamunan. Ngunit, makalipas ang Isang segundo ay muling may nagsalita sa kabilang linya. “Sinabi ko na sa'yo na huwag kang tatawag sa'kin dito sa opisina. Ano ba iyon?!” galit boses ni Jacyd mula sa kabilang linya. “I'm pregnant!” Walang pagdadalawang isip na sabi ko sa kanya. Wala akong pakialam kung galit man siya. Kailangan niyang malaman kung ano ang kalagayan ko ngayon. “What?! Seryoso kaba, Marian?!” Marahas siyang bumuntonghininga. It just like, parang akala niya ay nagbibiro ako. “Mukha ba akong nagbibiro?” Pinagdiinan ko pa ang huling sinabi. “I can't believe it, paano iyon nangyari?!” “Paano nangyari?!” Napatawa ako ng palak. Parang may bumara sa aking lalamunan nang madinig ko iyon. “You f****d me for how many times, at pinuputok mo sa loob ang t***d mo tapos tatanungin mo ako kung paano nangyari?! Kinantot mo ako ng ilang beses Jacyd, kaya ako nabuntis!” Galit na sigaw ko sa kanya. Hindi naman siya bobo para hindi niya malaman kung bakit ako nabuntis. Bahala na kung maging bastos ako ngayon. “Stop being hysterical, Marian. That's not what I meant.” Pabulong na sabi nito. “Ang akala ko may contraceptive pills kang ginagamit?!” Huminga ako ng malalim at pilit na pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. “J-Jacyd…” sambit ko sa pangalan niya na punong-puno ng pagsusumamo. Again, nagmamakaawa na naman ako sa kanya. “I'm not ready for being a father, Marian.” Mariin at matigas na sabi nito. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Noong una palang, inaasahan ko na ang magiging sagot niya pero hindi lang talaga maiwasan na nakaramdam ako ng sakit na tagos hanggang buto. Pinigil ko ang sarili na huwag himikbi dahil hindi ko gustong marinig niya ang pag-iyak ko. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Hinayaan ko lang na magsipatakan sila at hindi ko ito pinalis. Sawa na akong magmakaawa sa kahit kaunti lang na atensiyon niya dahil alam kong hindi na niya iyon maibigay sa akin. Muli kaming natahimik. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko pang putulin ang linya nang sa ganoon ay hindi na ako masasaktan sa susunod niyang sasabihin. “You know na kakapalit lang sa akin ni Dad, sa posisyon niya bilang CEO. Siguraduhin mong walang makakaalam niyan. Itago mo iyang pangbubuntis mo!” May diin na sabi nito. Nasampal na naman ako ng reyalidad. Hindi na talaga siya napapagod na saktan ako. “Marian, do you hear me? Wala kang dapat pagsabihan.” I just nodded kahit hindi niya naman nakikita. Nahihirapan akong magsalita kaya lumunok ako ng ilang beses. Para bang umurong ang mga dila ko. “Marian!” Tawag niya sa pangalan ko na punong-puno ng galit. “N-Naiintindihan ko…” Nauutal kong sabi kahit nanginginig pa rin ang katawan ko. Pinilit kong magpakatatag kahit ang sakit sakit na. Gusto kong maramdaman niyang hindi ako nasasaktan. Pagkatapos ng lahat nang mga nangyari, iiwan niya lang ako na nanlulumo sa ere. “I can give you money to support that f*****g child.” Bakas sa boses nito ang disappointment dahil nabuntis ako. Parang tinirikan ng kutsilyo ang puso ko nang tinawag niya ang batang nasa sinapupunan ko na “f**k”. “ Hindi na kailangan, Jacyd. Ipapalaglag ko nalang ito.” Matapang na sabi ko. Malamyos kong hinaplos ang aking tiyan. I know my baby is listening. Alam ko na nasasaktan ko siya dahil hindi ko kayang panindigan ang maging Ina niya, pero hindi ko siya kayang buhayin at nahihiya akong ipamulat sa kanya na disgrasyada ako. “Are you sure?” paninigurado pa nito. Gusto kong matawa. Umaasa kasi ako na pipigilan niya ako sa gagawin ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising sa katotohanan na hindi na niya ako mahal. Na sa aming dalawa ay ako lang ang tunay na nagmamahal. Ginawa niya lang akong parausan, iyon lang. Isa lang akong parausan ni Jacyd Villarama. Hindi ako makasagot. Ang hirap talagang magpanggap na okay lang kahit ang totoo ay sobrang sakit na. Wala talagang pusong Ama si Jacyd. Dapat hindi na ako sumubok na takutin siya dahil in the end ay masasaktan lang din ako. “Mas mabuti pa nga na ipalaglag mo, Marian. You made a right decision.” Boses ni Jacyd mula sa kabilang linya na pumukaw sa akin. Mapait akong napangiti at hinawakan ang tiyan ko na hindi pa naman kalakihan. “Oo, Jacyd Villarama, sigurado na ako.” sabi ko at binabaan siya ng telepono. Marahan kong hinaplos ang aking buhok. Tiningnan ko ang aking tiyan habang malakas na bumabagsak ang aking mga luha. "I'm sorry anak kung magiging babae akong walang kwenta." Kung hindi lang sana ako ambisyosa, hindi ito nangyari sa akin. Dati akong katulong na nangarap na umunlad ang buhay. Pumatol ako sa aking Amo na si Jacyd Villarama, sa pag-aakalang siya ang makatulong sa akin na makaraos sa hirap. Hindi, kaya ako pumatol sa kanya dahil mahal ko siya ng higit pa sa buhay ko. Nagmahal ako ng isang taong impossibleng mahalin din ako. Nakaligtaan ko na ako pala ay Isang kahig at Isang tuka lamang at kailanman ay hindi nababagay sa isang anak mayaman. Ako si Marian Sebastian. Ang Isang katulong na pinagsawaan ng Amo. Ako ay pinaasa. Sinaktan. Ginamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD