“Tiyang, tama na po! Nasasaktan ako!” Sigaw ko na puno ng pagmamakaawa kay Tiyang. Halos maubos na ang aking buhok sa kakahablot niya kanina pa.
“Wala kang utang na loob na bata ka! Hindi mo ba alam kong ano ng dinanas ko para lang makakain ka?!” Sigaw nito sa akin habang pinandilatan ako ng kanyang mga mata sa sobrang galit.
Nginudngud niya ang mukha ko sa sahig. Wala itong awa kung makapanakit sa akin. Para bang hindi ko siya kadugo kung tratuhan niya ako ng ganito. Ginagawa ko naman ang lahat para mabigay ang pangangailangan nila ni Tiyong, pero kulang pa rin para sa kanila.
“T-Tiyang, hindi naman po ako papayag na ibebenta ninyo ang katawan ko sa Koreano. May pangarap pa po ako-”
“Tumigil kana sa pangarap mo, Marian. Matatanggal ba ng pangarap mo ang kalam ng sikmura dahil sa gutom?! Ito ang nababagay sa'yo, kung hindi kita mapeperahan dapat diyan sa mukha mo ay sunugin!” Inilapat niya ang mukha ko stove na umaapoy.
“Tiyang tama na po! Parang awa na po ninyo!” Nagpupumiglas ako. Malapit na ang mukha ko sa apoy at kapag hindi pa ako makawala, tiyak na masusunog ang mukha ko.
“Awa?! Hindi ka nga naawa sa akin! Pinahiya mo ako Marian, alam mo ba kung magkano ang ibabayad ng Koreanong iyon?! Bente mil Marian, bente mil. Pera na naging bato pa!” Galit na galit nitong sigaw.
Pinipilit kong kumawala sa kanya. Buong lakas ko siyang itinulak palayo sa akin. Nawalan ako ng control sa aking galaw kaya natumba si Tiyang sa sahig.
“T-Tiyang, p-patawad po…” humahagulgol kong sabi.
Napuruhan ata si Tiyang dahil kita ko na nahihirapan itong tumayo.
“Gaga ka talaga lumalaban ka pa ha!” Kinuha nito ang kutsilyo at kahit hirap na hirap na makalakad ay pinilit niya pa rin. Akma niya akong sasaksakin pero mabilis akong nakailag. Sa sobrang taranta ko ay tumakbo ako palabas ng bahay.
“Saan ka pupunta?! Bumalik ka dito Marian!” Dinig kong sigaw ni Tiyang.
Hinayaan ko lang siyang mamaos sa kakatawag sa akin. Gusto kong makalayo sa kanya. Sobra sobra na ito. Pagod na rin ako sa pinaparamdam niya sa akin, na para bang hindi ko sila Pamilya.
Hindi ko rin alam kung saan ako tutungo. Basta sumasama lang ngayon ang loob ko. Nasasaktan ako dahil sa ginawa ni Tiyang. Gusto pa niyang ibenta ang katawan ko sa Koreano, ano ang tingin niya sa akin? Pokpok?
Hindi ko namalayan na dinala ako ng aking mga paa sa bahay ni Mang Ruben. Siya ang kaibigan ng mga magulang ko noon.
“Hija, bakit ka naparito…a-anong nangyari sa'yo, Marian?!” Nag-aalalang tanong ng asawa ni Mang Ruben sa akin na si Aling Molly.
“Ano pa ba edi sinaktan na naman iyan ng tiyahin niyang bruhilda. Alam mo naman iyon kapag walang pang-inom at paninigarilyo palaging si Marian ang pisgbubuntunan ng galit.” Sabat ni Mang Ruben.
Hindi ako makapagsalita. Mahigpit kong niyakap si Aling Molly dahil sa kaba na nararamdaman ko. Humihikbi ako sa kanyang balikat.
“Aling Molly…” Mas humagulgol pa ako ng malakas.
“Shh! Tahan na Marian, tama na iyan. Wala nang mananakit sa’yo ngayon dahil nandito ka sa poder ko.” Hinaplos niya ang aking likod para patahanin ako. “Ruben, ipagtimpla mo ng kape si Marian.” Utos nito sa kanyang asawa.
Mabilis na sumunod naman si Mang Ruben. Habang nagkakape ay kinwento ko ang dahilan ng pagtatalo namin ni Tiyang. Maski na sila ay hindi makapaniwala na napag-isipan nitong ibenta ako sa Koreano.
Ngayon ang araw na babalik si Aling Molly sa Maynila. Nagtatrabaho siya roon bilang isang Mayordoma. 16 years na itong nasa poder ng kanyang Amo kaya kahit ano man oras ay maari siyang makauwi dito sa Probinsiya para bisitahin si Mang Ruben.
“Ang mabuti pa Marian, sumama ka nalang sa akin sa Maynila. Tamang-tama naghahanap pa naman sila ng bagong yaya ngayon,” tugon nito sa kalagitnaan ng aming pag-uusap.
“Talaga po?!” Isang magalak na sagot ko. Matagal ko na rin pinangarap na pumunta ng Maynila pero hindi ako pinayagan ni Tiyang.
“Oo, kaso baka hindi mo kayanin ang trabaho doon-”
“Naku po, kahit anong trabaho pa iyan Aling Molly, basta malinis pilitin ko pong makakaya.” Giit ko pa. Napalitan ng sigla ang sama ng loob na nararamdaman ko kanina.
“Sigurado kaba? Mahirap alagaan si Jacyd Villarama. Maldito na at mayabang pa.” dagdag naman nito.
Ngumiti ako kay Aling Molly. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at pinakita ko s kanya kung gaano ako ka pursigido at interesado na magtungo ng Maynila.
“Kayang kaya ko po Aling Molly. Bata lang iyan, basic alagaan.” nakangising sabi ko.
“Hindi siya bata-”
Muli ko na naman pinutol ang kanyang sasabihin.
“Bata o matanda may bayag o wala kayang kaya ko iyan, Aling Molly. Lahat ay keri ko!” masiglang sabi ko pa kahit hindi naman ako sigurado.
Bumuntong hininga si Aling Molly at napatingin kay Mang Ruben. Nababasa ko sa mukha ng matandang babae ang pagdadalawang isip kung isasama niya ako.
Sa huli, wala na rin naman siyang nagawa. Nang dahil na rin sa sulsol ni Mang Ruben sa kanyang asawa kaya pumayag nalang din itong sumama ako sa kanya.
“Sige basta ito ang tandaan mo Marian, iwasan mo ang maging malapit kay Jacyd, ha. Alam mo na masyadong chicks boy iyon. Madaming babae iyon at ayoko na matulad ka sa mga babae niya na pagkatapos niyang gamiton ay itatapon na parang basura. Ang ganda mo pa naman hija,” bilin ni Aling Molly.
Napangiti ako. Mabuti pa ang ibang tao kahit hindi ko kamag-anak ay nag-aalala pa sa akin samantalang si Tiyang, sobrang lupit niya. Sa wakas ay makakaalis na rin ako sa impyerno kong buhay.
Kahit na palagi akong sinasaktan ni Tiyang ay mahal na mahal ko pa rin siya. Utang ko ang buhay ko sa kanya dahil inalaagan niya ako simula noong bata. Kapag darating ang panahon na magiging mayaman na ako, babalikan ko sila ni Tiyong at tutulungan na makaraos aa kahirapan.
“Naiintindihan ko po Aling Molly, salamat sa concern mo ha.” Muli ko siyang niyakap. Halos lumundag ang puso ko sa saya.