PAGTAKAS

1588 Words
Namilog ang aking mga mata sa malaking bahay na bumungad sa amin ni Aling Molly. Inikot niya ako sa buong paligid malawak rin ang harden. Ang ganda pa ng mga bulaklak at mga preska. Ni sa panaginip ay hindi ko inaasahan na makakatapak ako sa ganito kalaking mansyon. Dinala ako ni Aling Molly sa terrace. Nakita ko ang dalawang matanda na naghihintay sa amin. Kung hindi ako magkakamali, sila ang mga Amo ni Aling Molly, at magiging Amo ko na rin. Kahit may mga edad na, ang gaganda at gwapo pa rin nila. Lalo na ang babae, makinis pa rin ang kanyang balat, kumikintab iyon lalo na kapag natatamaan ng araw. Partida dalaga ako pero kung ikompara ang legs namin, malayong malayo ako. Puro kasi gasgas ang legs ko. “Hija, umupo ka muna riyan at may pag-uusapan lang kami nina Madam at Sir,” nakangiting sabi ni Aling Molly. Tumango ako bilang tugon. Nakatingin lang sa akin ang dalawang matanda at puno ng pagtataka ang kanilang mga mukha. Sinusuri nila ako ng husto. Excuse me po, wala po akong sakit! “Siya na ang sinasabi mong magiging yaya ni Jacyd, Molly?” Ani ng matandang lalaki. “Oho, Sir Fernando, mabait po iyan at masipag-” “Hindi iyan ang gusto kong marinig, Molly. Alam natin pareho kung ano ang Yaya na karapat dapat para kay Jacyd!” sabat naman ng matandang babae. Tumingin sa akin Aling Molly. Nahihiya ito sa akin. Maski na ako rin ay hiyang hiya. Siguro, ang pangit ko kaya ayaw nila akong tanggapin. Kawawa naman si Aling Molly, napagalitan pa. “Wala na kasi akong mahanap na iba, Madam. Ang hirap kasing maghanap ng mga katulong sa Probinsiya ngayon.” Nakayukong paliwanag ni Aling Molly. “Molly, ano bang alam niya sa pagiging Yaya?” tanong ni Madam sa kanya. Hindi ko na natiis si Aling Molly. Hindi niya deserve ang mapagalitan ng ganito. “Madam, Sir, makikisabat lang po ako ha. Huwag na po ninyong pagalitan si Aling Molly, ako naman kasi ang nagpumilit sa kanya na isama niya ako rito.” Tumayo ako sa tabi ni Aling Molly at inakbayan siya. “Tell me, anong alam mo sa pagiging Yaya?” Tanong ni Sir Fernando sa akin. “Ay marami po. Marunong po akong magpadede, maghugas ng pwet kapag tumae siya at higit sa lahat maalaga po ako sa mga bata.” Confident na sagot ko habang nakangiti pa rin. Ang buong akala ko ay matutuwa sila sa naging sagot ko pero sabay pa ang paglaglag ng mga balikat nina Madam at Sir. “Molly!” Mariin na sambit ni Madam sa kanyang pangalan. “Hindi niya po kasi alam na hindi na bata si Jacyd, ‘e.” Natatarantang sagot ni Aling Molly at hinawakan ang kamay ko. Piniga niya iyon. Alam ko kung ano ang ibig sabihin sabihin ng pagpiga niya, iyon ay nanahimik na ako. “My God, Fernanda! Paano na ito?!” Napahilot ang matandang babae sa kanyang sentido. “Syempre nandito na iyan alangan na paliparin natin pabalik ng Probinsiya? Merce, si Molly na ang bahala sa kanya. Tara na at magpahinga na tayo, huwag ka ng magpaka stress diyan.” Hinawakan ni Fernando sa beywang si Madam Merce. Bumaling ang tingin ni Sir Fernando kay Aling Molly. “Hired na siya, ikaw na ang bahala na magsabi sa kanya kung ano ang magiging trabaho niya. And Molly, she is your responsibility,” dagdag pa ni Sir. Tumango lang si Aling Molly. “Salamat po, Sir Fernando!” Masayang sabi ko. Dinala ako ni Aling Molly sa aking kwarto. Kakaiba talaga! Bawat katulong ay may sariling kwarto. Mayroong mga damit na inabot sa akin si Aling Molly, at hindi na ako nag-usisa pa kung kanino iyon nanggaling. Magsapit na ang dilim at bukas na raw ako mag-umpisang magtrabaho. Ayon kay Aling Molly, tatlo ang driver dito tsaka pito ang katulong. Ang trabaho ko naman ay alagaan lang si Jacyd, at asikasuhin ang mga gamit niya iyon lang. Curious na akong makita ang batang alagaan ko. Siguro, malaking bata siya kaya parang hindi nila ako gusto kasi ang liit ko lang din. Lahat sila, hindi bilib sa kakayahan ko at iyon ang gusto kong patunayan na kahit gaano man kalaki ang alagaan kong bata, makakaya ko. Hindi ako dinalaw ng antok. Lumabas ako sa aking kwarto para maglibot sa buong bahay. Hindi nakakasawang ikutin ang kabuuan ng mansyon na ito, bawat sulok may mga mmahaling gamit kaya ingat na ingat ako sa aking mga galaw. May natanaw akong maliit na kubo sa harden, hindi ko iyon napansin kanina. Gusto ko rin magpahangin kaya nagtungo ako roon. Tulog na siguro ang mga tao dito lalo na si Aling Molly. Binuksan ko ang pinto ng kubo pero napaatras ako ng may naamoy akong usok ng sigarilyo. Hate na hate ko pa naman iyon. Nangangati ang ilong ko. May ilaw sa loob ng kubo kaya naaaninag ko ang isang lalaking nakahiga doon. Kulay puti ang damit at hindi ko pa nakikita ang mukha niya. “Kuya!” Tawag ko sa kanya. Hindi manlang ito nagresponse sa akin. Tinapik ko ang kanyang balikat at umupo ako sa kanyang tagiliran. Gulat na gulat siyang bumangon mula sa kanyang pagkakahiga at nakasalubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. “What the hell?! Stop scaring me!” Supladong sigaw nito. Akala mo kung maka English parang sino. Akala niya siguro di ko alam na driver lang naman siya dito. Mukha atang nagrerelax siya. Nakita kong tinanggal nito ang kanyang earphone, kaya pala hindi niya ako narinig ‘e. “Stop englishing me, my nose is bleeding.” Natatawang sagot ko sa kanya. “Stupid!” Akma siyang tatayo pero mabilis ko siyang hinawakan sa sidsiran ng damit at hinila. “San kana pupunta? Usap muna tayo, Kuya!” sabi ko pa. Mas lalong nagkadikit ang kanyang mga kilay. Itinapon niya ang sigarilyong hawak nito. “Don't touch me!” Hinampas niya ang kamay ko. Tumayo ako at nag hysterical. “Hoy! Gago kaba?! Bakit mo hinampas ang kamay ko? Masama ba makipagkaibigan sa'yo? Pare-pareho lang naman tayong sinasahuran dito, ang yabang mo ah!” Sigaw ko. Itinulak niya ako kaya napasandal ako sa ding ding ng kubo. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. My Gosh! Bakit ang bilis ng t***k nang puso ko? Nakakabingi naman ang bawat kalabog ng dibdib ko. Gusto kong mahimatay sa mga oras na ito. Ang gwapo niya talaga. Matikas pa ang katawan. Mapupungay ang mga mata. Matangos ang ilong at higit sa lahat sobrang pink ng bibig. Bet na bet ko ang eyes niyang kulay brown. Ay wait lang, huwag kang malandi self! Huwag! “Do you know who I am?!” tanong nito sa akin. “Of course, Ikaw ay Isang driver ng mga Villarama.” Nakangising sagot ko. “What the hell?!” Tila hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Deny much pa! Mukha naman talaga siyang driver sa suot niyang kulay puting damit tapos may collar, hindi lang iyon may butones pa sa harap. Sandali siyang natameme habang nakatitig sa akin. His eyes is exploring to my whole face, hanggang sa tumigil ang kanyang mga mata sa labi. Oh common! Baka ma-rape ako ng wala sa oras. “Alis ka nga diyan!” Itinulak ko siya palayo sa akin pero mas lalo niya lang akong dinikit sa ding ding. Hindi ako makagalaw ng dumikit ang katawan niya sa katawan ko. Ang init. Parang may mga kabayong kumakarera s loob ng dibdib ko, sobrang lakas ng kabog. Siguro naririnig rin niya iyon kasi ang lapit na niya e. Nagkurba ang nakakatakot na ngiti sa labi niya. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Dati kay Tiyong ko lang nakikita ang ganyang ngiti, sa tuwing sinisilipan niya ako sa loob ng banyo kapag naliligo. Huwag lang talaga siyang magkamaling manyakin ako dahil kahit pogi siya, talagang bugbog ang aabutin niya sa akin. “Hindi mo ba ako narinig? O baka hindi mo ako maintindihan? Sige, I will try to speak English here. Give me a way!” Sigaw ko sa kanya. “Hmmm…pwedi na rin.” Aniya habang hinahagod ng tingin ang katawan ko. “Di'ba gusto mong makipag kaibigan sa akin? What about having a good time tonight? Isn't it exciting?” “A-Ano ang ibig mong sabihin?” takhang tanong ko pa. “Good time, enjoy, or making love.” Namamaos na sabi nito. Making love? Mga mag-asawa lang ang ginagawa ng bagay na iyon ah. “Diretsuhin mo na nga ako ano ba talagang gusto mo, gago?!” Pinandilatan ko siya ng aking mga mata dahil sa inis. Pinilitik nito ang kanyang dila. Mukhang naiinis. “s*x, simple as that!” mariin nitong sabi. Aba! Binabastos niya ako ha. Sinipa ko ang kanyang ari kaya napangiwi ito sa sakit habang hawak ang bayag niyang nabasag. “Go to hell and f**k the devil!” Pinakitaan ko siya ng aking gitnang daliri. Kay Tiyang lang ako nagpapaapi pero sa iba marunong akong lumaban. “You b***h! Your gonna pay for this, stupid young lady! Sisingilin kita!” Hirap na hirap na sabi nito. “Bring it on, boy! Akala mo natatakot ako sa'yo? Isumbong pa kita sa Amo natin ‘e. Anyway, have a good night. Kailangan ko na rin magpahinga para prepared ako sa trabaho ko bukas bilang isang Yaya ni Jacyd. Babye! Ingatan mo iyang bayag mo ha, kapag umulit kapa babasagin ko na iyan!” sabi ko habang naglalakad palayo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD