Tumulong muna ako sa paghanda ng pagkain ng mga Amo namin. Gusto ko na rin makita si Jacyd, nang sa ganoon ay makilala ko na siya. Siguro ang cute cute niya. Paano ko kaya siya uutuin para magustuhan niya ako bilang Yaya niya? Kahit si Aling Molly, ay wala manlang sinabi kung ano ba talaga ang kinahihiligan niya.
“Marian, ilapag mo ‘to sa lamesa oh,” malumanay na utos sa akin ni Aling Molly.
Kinuha ko naman ang platito na may laman na malaking hotdog. Amoy palang masarap na.
“Sige po Aling Molly.”
Dinala ko sa hapag kainan ang hotdog na iyon. Sandali akong napatigil nang makita si Kuyang Driver na nagmamadaling kumakain. Ang gwapo niya pero ang takaw naman. 100% turn off!
Hindi niya ata ako napansin kaya dahan-dahan akong dumaan sa kanyang likuran at malakas itong binatukan. Napaluwa siya ng pagkain, mabulunan ito.
“Ikaw na naman?! How dare you to hit me like that?!” Sigaw nito sa akin at tumayo mula sa kanyang upuan.
“Mahiya ka naman oy, ang mga pagkain na iyan ay para sa mga Amo natin. Alis diyan, alis!” Inis na sabi ko sabay lapag ng hotdog sa mesa.
Nakita ko itong napailing. Kumuha siya ng tinidor at akmang kukuha ng hotdog pero mabilis kong nilayo iyon sa kanya.
“Hindi para sa'yo iyan!” Saway ko dito at pinandilatan siya ng aking mga mata.
Tumaas ang sulok ng labi niya. “Excuse me, lahat ng mga pagkain dito ay akin!” Mariin na sagot nito.
Nameywang ako habang tinitingnan siya ng masama. “Bakit sino kaba?” tanong ko pa kahit alam ko naman kung ano siya dito.
Hindi na ito nakasagot nang marinig namin na may mga yabag na pababa mula sa hagdan. Ang kapal talaga ng mukha nang lalaking ito, wala talaga siyang balak na umalis sa harap ng lamesa. Narito na sina Madam at Sir at panay senyas ko sa kanya na umalis na pero parang wala lang iyon sa kanya.
Sakto naman na dumating si Aling Molly at may dalang pitcher na may laman na tubig. Kinuha ko iyon sa kanya at pasimpleng bumulong.
“Aking Molly, tingnan mo ang lalaking iyan ang kapal ng mukha. Nauna pa siyang kumain sa mga Amo natin!” Mahinang bulong ko dito.
Biglang nagkasalubong ang kilay ni Aling Molly at masama akong tinitigan. Para ba naman may ginawa akong mali.
“Water please!” sigaw ni Kuyang Driver.
Siniko ako ni Aling Molly. “Umayos ka Marian!”
Labag man sa kalooban ko na pagsilbihan ang gagong ito ay wala akong nagawa. Pinunan ko ng tubig ang baso niya.
“Marian is your name right?” panimula ni Madam Mercy.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Opo.”
“Jacyd, she is your personal maid. And Marian, this Jacyd, our son. Siya ang sinasabi namin na aalagaan mo.” Mataray na sabi sa akin ni Madam Mercy. Nakataas pa ang kilay nito. Mukhang wala siya sa mood.
Ay wait. Tama ba ang dinig ko? Si Jacyd ay ang lalaking tumatawag ko na driver? Nabitawan ko sa sahig ang pitcher kaya nabasag iyon. Napasigaw pa si Madam sa sobrang gulat. Paluhod akong humarap kay Sir Jacyd.
“Sir, p-patawad po hindi ko kayo nakilala.” Hiyang hiya kong sabi habang nakayuko.
Pinitik niya ang noo ko ng tatlong beses. Masakit iyon ha, pero wala akong karapatan nagreklamo dahil may kasalanan ako sa kanya. Napahipo nalang ako sa aking noo habang nanatiling nakayuko.
“I've told you, lahat ng mga pagkain dito ay akin. Next time, know your place.” Walang emosyon na sabi nito. Alam ko sa boses niya na galit siya.
“A-Akala ko po kasi Driver kayo,” nauutal kong paliwanag.
Malakas na napahalakhak si Sir Fernando. “What?! Napagkamalan mong driver ang anak ko? Sa gwapo niyang ito? Marian, siya lang naman ang magmamana ng Villarama Corporation.”
To the rescue naman si Aling Molly. Pinatayo niya ako mula sa aking pagkakaluhod at hinila niya ako para itago sa kanyang likuran.
“Sir Jacyd, pasensiya na po kayo kay Marian. Kahapon lang kasi siya dumating dito at hindi niya kayo nakilala. Huwag kang mag-alala pagsasabihan ko po siya.” Mapakumbabang boses ni Aling Molly.
Dinal ako ni Aling Molly, sa kwarto niya. Napatili ito at hinawakan ang kanyang sentido. “Marian, baka sabay pa tayong mawalan ng trabaho dahil sa ginawa mo!” Nag-aalalang sabi ni Aling Molly.
Stress na stress ang mukha ng matanda. Kawawa naman. Kung hindi ba naman kasi ako tanga. Ang gwapo naman ni Jacyd para maging driver, bakit hindi ko kaagad naisip iyon?
“Sorry po Aling Molly.” paghingi ko ng depensa sa matanda.
“Sige, pero ito na ang una at huli Marian!” aniya.
Tumango lang ako sa kanya. Matagal niyang inalaagan ang trabaho niya kaya hiyang hiya ako kung sakaling paalisin siya dito dahil lang sa akin.
“Marian! Marian!”
Dinig kong malakas na boses na tawag sa akin ni Jacyd. Inaasahan ko na itong pahihirapan niya ako.
“Puntahan mo na siya!” Natatarantang utos ni Aling Molly.
Kumaripas ako sa pagtakbo papunta kay Jacyd. Bumungad ang irritable niyang mukha sa akin.
“Ba’t ang tagal mo?!” Singhal nito.
Tsk. Suplado talaga!
“Pasensiya na po kayo,” sabi ko.
“Tsss…sumunod ka sa akin!”
Tumungo kami sa third floor dahil nandito ang kwarto niya. Isang malawak at mabangong silid ang nag welcome sa akin.
Manghang mangha ako pero hindi ko pinahalata kay Jacyd.
“Gusto kong maligo,” aniya sabay hubad ng damit niya sa harapan ko.
Shocks mga day! Ang yummy! Nakakailang pagmasdan ang magandang kurba ng katawan niya kaya umiwas ako ng tingin.
“Di mo’ko narinig?!” muli nitong singhal.
“W-Wala naman po sa akin ang tubig ‘e!” Sagot ko naman sa kanya.
“Namimilosopo kaba?!” Sigaw nito. Ume-echo ang boses niya sa buong silid kaya bigla akong nataranta.
“Ipaghanda mo ako ng maliligo sa bathtub!” Muli nitong sabi.
Taranta akong pumasok sa loob ng banyo. Pinuno ko ng malamig na tubig ang bathtub. Binilisan ko ang aking kilos. Nang matapos na ay kaagad ko siyang tinawag.
“Sir Jacyd, pwedi na po kayong maligo!”
Nadatnan ko siyang nakahawak ng barbel habang nakaupo sa kanyang kama. Tulo ata ang laway ko dito sa lalaking ‘to. Sobrang hot niyang tingnan. Sinundan ko ng tingin ang kanyang pawis na tumutulo galing sa noo nito patungo sa kanyang leeg hanggang a makarating sa eight packs abs niya.
“Huwag mo akong manyakin!” He snap his finger into my face.
Natauhan ako bigla. Hindi ko manlang namalayan na lumapit na siya sa akin.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng banyo. Akma na akong hahakbang paalis pero mayroong malaking kamay na humila sa beywang ko. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Jacyd habang nakangisi ng nakakaloko sa akin.
Dinala niya ako sa loob ng bathtub at nilublob ang katawan ko sa tubig.
“S-Sir, nilalamig ako.” Reklamo ko sa kanya.
“Body heat.” Niyakap niya ako ng mahigpit.
Orang naging yelo ang katawan ko. Ang init ng katawan niyang nakadikit sa akin. Ang lakas rin ng kabog nang puso ko.
“S-Sir!” Mahinang sambit ko.
Naririnig ko ang pagsinghap niya ng ilang beses. “Let's stay for a while even in a one minute,” mahinang bulong nito.
Naiilang ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo nang dumampi ang malambot na bagay sa aking batok.
“Marian!” Namamaos nitong sambit sa pangalan ko.
Ilang beses akong napalunok. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Mukhang may El Niño sa lalamunan ko dahil sa ginagawa ni Sir Jacyd.
Mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang may tumusok na matigas na bagay mula sa aking pwet. Pinagtitripan na naman aki ng gago. Tiyak kong nilagyan niya ng kahoy ang kanyang paa para tusukin ako.
Hinawakan ko ang bagay na iyon para sana baliin pero para akong nakuryente dahil sa init na umuusbong mula doon.
Hindi ko manlang ito binitawan. Hindi ko malaman kung ano ang bagay na nahawakan kong ito.
“A-Ano ito Sir Jacyd?” Nauutal na tanong ko.
“Hindi mo alam kung ano iyan?” Aniya.
He still kissing me. He suck my neck so hard. Nakarinig ako ng mga halinghing niya.
“That is my cock.”
Kaagad kong binitawan iyon at mabilis na umalis mula sa bathtub. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko ng babae. Nakahawak na ako ng t**i sa hindi ko inaasahan. Oh no!
“Oh, you have a big size boobs.” Nakaawang ang mga labi niya habang nakatingin sa dede ko.
Shit!
Manipis pala ang damit ko at kahit may bra pa ako ay kitang kita ang cleavage ko dahil nabasa ang aking damit.
“Manyak ka talaga!” Sigaw ko sa kanya at tinakpan ng mga kamay ko ang aking dibdib. “Kanina lang ang sungir mo sa akin tapos ngayon bigla ka nalang naging manyakis?!”
Napatawa siya ng malakas. “I'm just kidding Marian. Gusto lang kitang i-test kung kagaya ka rin ba ng ibang babae na mabilis makuha. You impressed me, gusto na kita.” He wink at me.
Gusto na daw niya ako? Agad agad. Ilang beses akong napakurap at pinoproseso sa aking utak ang sinabi niya.
“Gusto na kita maging Yaya,” dagdag niya.
Ayun para malinaw. Malay ko ba kung iba ang ibig niyang sabihin.