Hindi ko pinansin si Sir Jacyd simula nang makauwi kami galing sa condo niya. Pakiramdam ko binababoy niya ang pagkatao ko dahil pinapakita niya sa akin ang kanyang kamanyakan sa katawan. Nandidiri ako sa kanya, akala niya siguro kagaya rin ako ng ibang babae na papakitaan nito ng kanyang katawan tapos bubuka na kaagad sa kanya. Dumiretso ako sa kwarto namin nina Manang Molly at kinwento ko sa kanya ang lahat. Parang hindi naman nagulat si Manang Molly sa sinabi bagkus tinawana pa nga niya ako dahil sobrang sensitive ko naman daw.
“Masanay kana na ganoon ang si Sir Jacyd. Alam mo ba may isang katulong nga siya noon na hinimatay dahil nakita niya ‘yung ano ni Sir Jacyd.” Natatawang sagot sa akin ni Manang Molly.
Kumunot ang aking noo ng makita kong nakangiti si Manang Molly habang nakatingin sa kisame.
“Ganoon po ba siya kababoy na pati iyong ano niya ipapakita niya pa sa katulong?!” sagot ko naman.
“Shh! Huwag mong matawag tawag na baboy si Sir Jacyd. Mamaya marinig ka niya naku lagot ka talaga sa kanya, Marian. Ang swerte nga ng isang katulong na iyon dahil nakita niya ang tinatago ni Sir Jacyd, samantalang ako hanggang imagine nalang.” Aniya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Manang Molly. “Huwag mo po sabihing pinapantasyahan po ninyo si Sir? May asawa po kayo!”
Hinampas ako ni Aling Molly sa balikat. “Ikaw naman Marian, syempre hindi ko ipagaalit ang asawa ko sa kanya. Crush lang naman ang nararamdaman ko kay Sir, paghanga ba!”
Napailing nalang ako sa sinabi ni Manang Molly. Pagkatapos kong mag half bath ay lumabas muna ako sa kwarto namin dahil hindi ako makatulog. Tumungo muna ako sa kubo doon sa may bakuran ng mansyon ng mga Villarama. Masarap talaga ang hangin dito sa kubo, sobrang fresh.
“Sabi ko na nga ba na dito kita matatagpuan.”
Halos lumundag ako sa gulat ng biglang nagsalita si Sir Jacyd mula sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at mabilis rin akong umiwas ng tingin nang makitang naka boxer short lang siya. Wala rin itong saplot na pang-itaas. Bumubukol pa iyong ano niya at sobrang nakaka awkward talaga kung titingin ako doon.
“At anu naman ang ginagawa mo dito?!” Mataray na tanong ko sa kanya.
Dinilaan niya ang kanyang pang-ibabang labi at mayabang na tumingin sa akin. “This is our property, Marian. Wala ba akong pakialam na umikot sa mga pag-aari namin?”
Inirapan ko siya at humarap uli ako sa kawalan. Ayaw ko siyang makausap o makita manlang sa totoo lang. Sobrang naiinis ako sa kanya dahil sa nangyari doon sa condo niya. Hindi ako makaget over sa pambababoy niya sa pagkatao ko.
“Are you mad?” tanong niya pa.
Hindi ako sumagot at bumuntong hininga nalang. Napaigtad ako ng hilahin niya ako sa akamy at kinaladkad papasok sa loob ng kubo. Kinakabahan ako ng itapon niya ako sa sahig ng kubo. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya ng makita ko siyang nakangisi sa akin.
“I don't care if you are mad at me or not!” Humiga siya sa aking tabi at dumapa sa sahig. Mayroon kaunting foam doon na saktong mahigaan ng isang tao kaya kinuha niya iyon at inilagay sa kanyang bandang tiyan. “Massage me!” Maawtoridad na utos nito.
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos niyang sabihin iyon. Akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin. Sobrang dirty minded ko lang sa part na inisip kong may gagawin na masama si Sir Jacyd sa akin.
Hindi na ako umimik at minasahe ko ang kanyang likod. Bahala na kung anong klaseng masahe ang magagawa ko sa kanya dahil hindi naman ako naparito para magmasahe.
“Can you push it, harder?” aniya.
Mas lalo kong nilakasan ang pagpisil sa kanyang katawan. Rinig ko ang hininga nito na para bang nagugustuhan ang ginagawa ko.
“Okay na ba?” tanong ko.
“Hindi! Idiin mo pa, Marina! Harder! Ang sarap sa pakiramdam kapag dinidiin mo ‘e!” sabi nito.
Sinunod ko naman ang gusto niya. Inupuan ko pa ang kanyang likuran habang malakas at madiin siyang minamasahe. Napapaungol si Sir Jacyd, medyo masagwa pakinggan pero ganoon naman talaga kahit sa spa. Mayroong umuungol dahil nasasarapan sila sa pagmamasahe sa kanila.
“Hmmm…just like that, Marina. Oh! Ang sarap naman ng ginagawa mo! Kung alam ko lang sana na magaling ka rin sa ganito dapat sa iyo nalang ako nagpapamasahe.” Sabi niya pa.
Tumutulo na ang pawis ko dahil sa pwersang pinapakawalan ko sa kanya. Nanginginig na rin ang mga kamay ko dahil napapagod na rin ako.
“Sir, pagod na po ako!” Reklamo ko.
“Hindi ka pweding mapagod hangga't hindi pa ako tapos. Bilisan mo! Tapusin mo na, okay? Sige pa idiin mo pa! Oh! Ganyan na ganyan nga, Marina. Ang galing mo!” Dagdag niya pa.
Napapahinga ako ng malalim dahil sa pagod. Biglang may kulabog sa pintuan at bumukas iyon.
“Anong ginagawa ninyong dalawa?!”
“What the hell! Jacyd, pati ba naman ang katulong natin ay nagawa mong patulan?!”
Kaagad akong umalis mula sa pagkakaupo sa likuran ni Sir Jacyd, at pawisan pa. Si Jacyd naman ay mabilis na tumayo. Nagtinginan kaming dalawa ni Jacyd habang nakakunot ang mga noo. Galit na galit ang mukha ni Mrs. Villarama, ang Mommy ni Sir Jacyd.
“Mom, Dad, what are you doing here? At anong sinasabi ninyong pinatulan ko ang katulong? Yuck! Nagpapamasahe lang ako sa kanya dahil masakit katawan ko!” Giit naman ni Jacyd.
“Magandang gabi po sa inyo, Ma’am.” Bati ko sabay yuko sa kanila.
“I thought, may ginagawa kayong kababalaghan dito. Bakit dito mo pa talagang naisipan na magpamasahe Kay, Marian?” tanong pa ni Mrs. Villarama.
“Gusto ko lang dito dahil preska ang hangin. Nakalarelax pa ako ng husto.” Ani ni Jacyd.
“Marian, sumama ka sa akin sa kwarto ko. I will pay your extra service.” Ani ni Jacyd at nauna na siyang lumakad kaysa sa akin.
Nahihiya ako sa mga magulang ni Sir Jacyd, kaya kahit labag sa kalooban ko na tanggapin ang ibabayad niya raw sa akin ay kukunin ko nalang para makaalis na ako sa kubo.
Sumunod ako kay Sir Jacyd sa kanyang kwarto pero bago ako pumasok ay kumatok muna ako. Walang sinasagot pero biglang bumukas ang pintuan kaya pumasok nalang ako.
“Sir!” Tawag ko sa kanya.
Walang sumasagot. Naaaninag ko ang anino ni Sir Jacyd mula sa banyo. Tanging makapal na salamin lang ang ginawang dingding sa banyo ni Sir Jacyd dito sa kwarto niya.
“Sir, nandito na po ako!” Muling tawag ko sa kanya at kinatok siya.
“Agh! Just wait, Marian!” Narinig kong sabi niya.
Sumandal ako sa pintuan ng banyo habang hinihintay siya. Nagkasalubong ang aking mga kilay nang marinig ko ang malakas na paghinga ni Sir Jacyd, at may kasama pang ungol.
Idinikit ko ang aking tenga sa pintuan para maklaro kung tama ba ang naririnig ko.
“Agh! Ah!” Ungol ni Sir.
Napatakip ako sa aking bibig at umatras palayo mula sa banyo. Baka kung napano si Sir Jacyd, kaya siya umuungol. Iyon bang parang nasasaktan siya tapos sunod-sunod pa ang paghinga niya. Mukhang nawawalan siya ng hangin at hirap na hirap siyang huminga.
“Tulong! Tulong!” Malakas kong sigaw.
Hindi ko na alam kung ano nag gagawin ko. Kung sakali man na nasa kapahamakan si Sir kailangan ko siyang iligtas. Mas lalo ko pang nilakasan ang boses ko para may makarinig sa akin.
“Tulong! Tulungan ninyo kami!” Nagwawala at natatakot na sigaw ko.
Biglang lumabas si Sir mula sa banyo at pawisan siya. Napatingin siya sa akin habang nagtataka.
“Hey! Stop shouting. Ano bang nangyayari at sigaw ka ng sigaw diyan?!” Aniya.
“S-Sir, akala ko po kasi napano na kayo ‘e. Naririnig ko kasi na hingal na hingal ka habang umuungol-”
“Gaga! Tumigil kana nga! Para kang suraulo kung makasigaw. Sound proof itong kwarto ko kaya kahit maubusan kapanng boses walang makakarinig sa'yo!” Sabi nito habang umiiling. Kinuha niya ang kanyang wallet at kumuha ng ilang libo doon sabay abot sa akin. “Here! Take this. Alam ko na kailangan mo iyan para makabili ng pangangailangan mo. Huwag ko ng tanggihan, I insist.”
Kung isang daan lang ang ibibigay niya sa akin ay matatanggap ko pa pero kapag ganito lalaking halaga hindi. Sa tansiya ko, mahigpit sampung libo ang gusto niyang ibigay sa akin.
“Kunin ko na!” Pilit pa rin nito.
“Sir, malaki po iyan. Hindi ko po iyan matatanggap.” Nahihiyang sagot ko.
Ngumiti siya sa akin. “Barya lang ito sa akin kaya kunin mo na kaysa naman ipambabae ko ‘to. Ibibigay ko nalang sa'yo para makatulong pa ako. Anyway, magpasalamat ka at dumating sina Mommy at Daddy kanina.”
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. “Bakit naman po?”
Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ang pera sa aking palad. “You always make me hard, Marian.” Seryoso at mahinang sabi nito.
Hindi ako magaling mag English pero naiintindihan ko naman ang sinabi niya. Ang hard kasi mahirap, iyon ang pagkakaintindi ko.
“Paano po kayo nahihirapan sa akin? Bakit naman nagiging hard kayo?” tanong ko pa.
“You don't understand what I mean?” nakangising tanong niya.
Umiling ako sa kanya. “Kaya nga aki nagtatanong kasi hindi ko ma gets.
“Then, good! Lumabas kana at magpahinga baka mas lalo pa akong maging hard sa'yo.” Natatawang sabi nito sa akin.
Kaagad rin akong lumabas kaya ng sinabi niya sa akin. Nang makalabas na ako sa kanyang kwarto, tiningnan ko ang pera na ibinigay niya sa akin. Malaking halaga ito. Kamusta na kaya sina Tiyang? Kahit palagi nila akong sinasaktan noon, pinakain pa rin nila ako kaya dapat ko silang suklian. Ipapadala ko itong pera sa kanila, bahala na sila kung gagamitin nila ito para sa kanilang bisyo ang mahalaga ngayon na malaki na ako ay gumanti ako sa kanila ng kabutihan kahit puro bibig ang aking natamo sa kanilang nga kamay.