“Sigurado kabang magpapadala kapa sa Tiyang mo pagkatapos ng ginawa niya sa iyo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Aling Molly habang inaayos ko ang pera na ipapadala kay Tiyang sa Probinsiya.
Tumingin ako kay Aling Molly at naupo sa kanyang tabi. “Opo, sigurado po ako. Si Tiyong lang naman ang problema doon sa bahay ‘e. Takot kasi si Tiyang kay Tiyong kaya kapag ano ang gusto ni Tiyong iyan naman ang sinusunod ni Tiyang. Pamilya ko pa rin sila Aling Molly.”
Hinaplos ni Aling Molly ang mukha ko. “Ang bait mo talagang bata ka. Sana binayayan rin ako ng anak kagaya mo.”
Inabot ko kay Aling Molly ang pera. Siya kasi ang may day off ngayon kaya siya lang ang pweding lumabas. Ngunit, bago umalis si Aling Molly, ay tinawagan ko muna si Tiyang.
Nang idial ko ang numero ni Tiyang ay nag ring iyon kaagad. Medyo matagal pa bago niya sinagot ang tawag ko.
“Hello, sino ito?” Tanong ni Tiyang mula sa kabilang linya.
“Tiyang, si Marian po ito.” Kinakabahan na sabi ko.
“Marian? Nasaan ka?! Alam mo bang hinanap kita at halos hindi ako makatulog dahil sa pagkawala mo. Patawarin mo ako sa ginawa ko sa'yo, Marian. Bumalik kana dito kasi sinasaktan aki ng Tiyong mo!” Umiyak si Tiyang pagkatapos niyang sabihin iyon.
Kahit naging malupit sa akin si Tiyang, ay naawa pa rin ako sa kanya nang malaman ko n sinaktan na naman siya ni Tiyong. Hindi na rin bago iyon sa akin, dahil noon paman ay nakikita ko na kung paano siya saktan ni Tiyong.
“Tiyang, pasensiya kana ha! Pero may trabaho na kasi ako dito sa Maynila. Kaya ako napatawag dahil magpapadala ako ng pera sa Inyo.” Sabi ko.
Hindi nakasagot si Tiyang at rinig ko ang iyak niya mula sa kabilang linya. Mukhang nagsisi nga siya noong iniwan ko siya. Mahal na mahal niya kasi ang asawa niya kaya nagawa niya akong saktan.
“Sino iyang kausap mo, Belen? Ang lalaki mo?!” Rinig kong sigaw ni Tiyong mula sa kabilang linya.
“Hindi…kamag-anak ko ito-”
Hindi na natuloy ni Tiyang ang kanyang sasabihin dahil namatay na ang telepono nito. Nag-aalala ako kay Tiyang, pero ayoko naman umuwi pa sa kanya. Binalik ko kay Aling Molly ang cellphone niya pero hindi ko sinabi na narinig kong sinaktan na naman ni Tiyong si Tiyang.
“Aling Molly, paki padala lang nito kay Tiyang.” Nakangiting sabi ko.
“Sige, aalis na ako. Marian, Ikaw na ang bahala sa mga pagkain ni Sir Jacyd.” Aniya.
Tumango naman ako sa kanya bilang tugon. Ipinagluto ko si Sir Jacyd ng kanyang hapunan. Nakalista na rin ang pagkain at prutas na gusto niya. Mamaya kapag matapos ako ay dadalhin ko iyon sa kanyang kwarto. Ganoon siya ka boss sa bahay na ito. Kapag wala ang kanyang mga magulang ay hinahatidan namin siya ng pagkain sa kanyang kwarto. At dahil katulong lamang ako Wala akong magawa kundi silbihan siya kung iyon ang gusto niya.
Inayos ko ang kanyang pagkain para ihatid sa kanyang kwarto. Habang naglalakad ako papunta sa room ni Sir Jacyd, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Paniguradong may binabalak na naman siyang gawing kalokohan sa akin. Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni Jacyd ay kaagad ko siyang kinatok pero parang may sariling buhay ang pintuan dahil kusang bumukas iyon.
Nakita ko kaagad si Sir Jacyd, na nakaupo sa itaas ng kama habang hubad. Nasa bukabolaryo na talaga niya ang landiin ako. Umiwas ako ng tingin at inilapag sa maliit na mesa ang kanyang pagkain.
“Kumain na po kayo, Sir. Umalis kasi si Aling Molly dahil day off niya-”
“Alam ko, Marian.” Aniya.
Hindi na niya ako pinatapos na magsalita kaya napabuntong hininga nalang ako.
“Subukan mo ako, Marian!” Maawtoridad na utos nito.
Nakapameywang ako habang nakaharap sa kanya. “Sir, may dalawang kamay naman kayo hindi ba? Bakit ba ang tamad tamad ninyo?!” Naiinis kong sagot.
“Can't you see? May trabaho akong ginagawa dito sa laptop ko kaya hindi ako makakain. Sige ka, gusto mo bang pumayat ako at mabawasan itong abs ko?” Pangongonsensiya nito sa akin.
“Hindi naman ako ang nakikinabang diyan sa abs mo ‘e!” Malditang sagot ko sabay irap sa kanya.
Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang aking beywang at pinahiga ako sa itaas ng kama sabay dumagan siya sa akin.
“So, gusto mo palang mapakinabangan itong abs ko, Marina.” Hinaplos niya ako sa pisngi habang mainam akong tinitigan. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong napakagat labi si Sir Jacyd habang hinahagod ng tingin ang mukha ko patungo sa aking labi at dibdib.
Minamanyak na naman niya ako kaya hinampas ko siya sa balikat. “Ano b Sir, umalis nga kayo riyan?!” Inis na sigaw ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at ipinikit ang kanyang mga mata. Inilapit nito ang kanyang mukha sa tenga ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko. Medyo nakikiliti pa ako sa tuwing bumubuga siya ng hangin.
“Just stay for a while, Marian. Kahit isang minuto lang pakiusap.” Nanghihinang pakiusap nito sa akin.
“Bakit po ba Sir? Hindi ko po gusto ang posisyon natin. M-May bumubukol po sa pagitan ng gitna ko!” Sabi ko pa sa kanya.
Narinig ko siyang napatawa ng mahina sa akin. “Ang inosente mo talaga sa lahat ng bagay kaya hindi ko magawa ang balak ko sa'yo dahil naawa ako sa'yo.” Tugon naman nito.
“Ano ba ang balak mong gawin sa akin?! Umalis kana mga kasi diyan kasi ang bigat bigat mo!” Muling reklamo ko.
Pero hindi siya umalis. Pinagapang niya ang kanyang mga kamay sa likuran ko at mahigpit akong niyakap na halos hindi ako makahinga. Hindi rin ako makawala sa kanyang mga bisig.
“Gusto kita, Marian!” Pabulong na sabi nito.
“A-Ano po?” Gulat na tanong ko.
“Ang sabi ko gusto kita!” Ngayon nakatitig na siya sa aking mga mata. Seryoso siyang nakatingin sa akin at medyo nahihiya ako sa kanya.
“Sir!” Bigkas ko.
Ngumiti siya sa akin at biglang hinalikan ang aking labi. Namilog ang mga mata ko sa sobrang gulat. Para bang tumigil ang mundo ko dahil sa init ng paghalik niya sa akin. Pinagalaw ni Sir Jacyd, ang kanyang labi at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanatiling nakatik lang ang mga bibig ko.
“Open your mouth, Marian!” Utos nito.
Sinunod ko naman iyon. Binuksan ko ang aking labi at napapikit ako ng ipasok niya ang kanyang dila sa loob ng bibig ko.