Hindi ako makatulog sa tuwing naalala ko ang paghalik ni Sir Jacyd sa akin kanina. Hanggang ngayon, umiinit pa rin ang katawan ko. Panay inom ko ng tubig nang sa ganoon ay mapawi ang init ng aking katawan pero sigurado na kahit mag yelo pa ako ay hindi mawawala ang init na nagmumula sa loob ko. Napahilamos ako ng aking mukha at napabuntong hininga.
“Sir Jacyd, bakit mo naman ginawa iyon?!” Mahinang sabi ko habang tinatakpan ang aking mukha ng kamay ko.
Isang malakas na hampas ang napapitlag sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na katabi ko pala si Aling Molly, sana hindi niya narinig ang sinasabi ko kanina.
“Aling Molly, gising pa pala kayo?!” Gulat na tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin pero ang seryoso pa rin ng mukha niya. “Hindi ka makatulog? Kanina ko pa napapansin na panay bangon ka, Marian. Narinig ko rin na binigkas mo ang pangalan ni Sir Jacyd. Umamin ka nga sa akin, gusto mo ba siya?” Tanong nito.
Kaagad akong napailing kay Aling Molly. “Naku, hindi po!” Giit ko naman.
“Dapat lang, Marian. Dahil sa oras na malaman ni Sir na gusto mo siya maari ka niyang abusuhin. Mayaman sila, mahirap kalang. Maganda ka nga pero hindi iyon sapat para magustuhan ka ng mga magulang ni Sir Jacyd.” aniya.
Tumango nalang ako kay Aling Molly at nagpaalam na lumabas lang sandali. Gusto ko ulit uminom ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay para bang hinihila ako na pumunta sa bakuran kung nasaan ang maliit na kubo. Napasulyap ako sa relong suot ko, alas onse na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Walang katao tao sa kubo kaya doon na muna ako nahiga kahit sandali.
Pumikit ako at dinama ang presko at masarap na hangin. Nang dumilat ako, muntik na akong mapasigaw ng makita ko si Sir Jacyd na nakatayo sa harapan ko.
“S-Sir, anong ginagawa mo dito? Sinunsundan mo ba ako?” tanong ko sa kanya.
“Nandito ako para magpahangin at gusto rin kitang makita. Hindi ka rin ba makatulog kagaya ko?” tanong niya sa akin pabalik.
“Ahmmm…hindi naman po sa hindi makatulog. M-May iniisip lang ako,” nauutal kong sagot. Iwan ko ba kapag si Sir Jacyd ang kaharap ko palaging umuurong ang aking dila. Para bang hindi ako makapagsalita dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong kinakabahan na nahihiya.
“Thinking about the kissed?” nakangising tanong nito sa akin.
“Hah? Hindi ah!” Sagot ko sa kanya sabay irap.
Narinig ko siyang mahina na tumawa. “Marian, sinabi ko na sa iyo na gusto kita hindi ba? At hangga't dito sa bahay namin alam mong hindi mo ako matatakasan. You know, bakit hindi mo nalang aminin na gusto mo rin ako.” Mayabang na tugon nito.
“Hindi kita gusto ‘no! Kailanman ay hindi ko pinangarap na magkakagusto ako sa isang fuckboy!” giit ko naman.
Hinila niya ang beywang ko at pinasandal ako sa dingding ng kubo. “Paano kung sasabihin ko sa'yo na handa akong iwan ang lahat ng babae ko para sa'yo?” mahinang sabi nito.
Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin ni Sir Jacyd. Napatitig ako sa labi nitong mapula. Matangos rin ang ilong niya at mayroon siyang mapupungay na mga mata. Sobrang gwapo niya. Ang perfect pagmasdan ng kanyang mukha. Para siyang anghel tingnan pero kabaliktaran naman ang ugali na meron siya. Kumurap ako ng ilang beses dahil pakiramdam ko para niya akong nahepnotize.
“Huwag mo nga akong bolahin!” Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa beywang ko. Tumalikod ako sa kanya at ilang beses na huminga ng malalim.
“Iyan ang gusto ko sa'yo dahil masyado ka talagang inosente sa lahat ng bagay. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit virgin kapa until now.” natatawang turan pa nito.
Inis naman akong humarap sa kanya ulit. “Pakialam mo kung virgin pa ako? At isa pa, iniingatan ko talaga ito dahil itong katawan at kaluluwa ko ay para lang sa lalaking mapapangasawa ko!”
“Edi para nga sa akin dahil ako naman ang nababagay sa'yo na mapapangasawa mo!” Sagot nito.
“Hindi tayo bagay, mahirap ako mayaman ka! At hindi mo rin ako mauuto dahil hindi naman ako kagaya ng ibang babae mo na isang kindat mo lang bubukaka na kaagad sa harapan mo!” Sagot ko pa. “Alis na nga ako, sinisira mo lang ang mood ko ‘e!” Tinarayan ko siya bago tinalikuran pero hinabol niya pa rin ako.
“Marian, wait!” Tawag nito sa akin.
Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin.
“Teka lang, mag-usap na muna tayo!” Hinawakan niya ang kamay ko. Mabilis ko naman tinabig ang kamay niya dahil parang nakuryente ako. Biglang uminit na naman ang aking katawan.
“Marian, ano bang gusto mo sa isang lalaki?! Sabihin mo sa akin para gagawin ko!” Halos matawa ako ng sabihin iyon ni Sir Jacyd.
“Pwedi ba tigilan mo nga ako diyan sa mga kalokohan-”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng siilin niya ako ng halik sa aking labi. Napaatras ako sa kanya ng ilang pulgada pero niyakap niya ako sa aking beywang para mas lalong dumikit ang aming labi. He suck and lick my lips. Para akong naging robot dahil hindi ako makakilos. Hinalikan ko siya pabalik at napapikit ako. Mayroon sa katawan ko na hindi ko makontrol. Biglang sumagi sa aking isipan ang sinabi ni Aling Molly, na maari akong abusuhin ni Sir Jacyd kapag malaman niyang gusto ko siya. Hindi ko siya gusto, iyon ang alam ko.
Itinulak ko siya palayo sa akin at tiningnan ng masama.
“Marian, I'm sorry!” Banggit pa nito.
Lalapitan na sana niya ako ulit pero mabilis ko siyang sinampal.
“Oh my God! Why did you slap my son?!” Malakas na sigaw ni Madam Merce.
Gulat akong napatingin sa kinaroroonan niya at may kasama itong maganda at seksing babae. Padabog na lumapit si Madam Merce sa kinaroroonan namin ni Sir Jacyd at bigla niya rin akong sinampal.
“How dare you to slap my son?! Ano ba.g ginawa niya sa'yo para saktan mo ang anak ko!” Galit na sigaw nito. Pinandilatan niya ako ng kanyang mga mata.
Tiningnan ko si Jacyd na walang imik. Mukhang wala itong plano na kampihan ako laban sa Mommy niya.
“Madam-”
“Huwag mo ng uulitin iyan dahil kapag ginawa mo pa ulit na sampalin ang anak ko kakaladkarin kita palabas ng pamamahay ko! Kapal din ng mukha mo na ilapat ang madumi mong kamay sa malinis at gwapong mukha ng anak ko!” Dinuduro niya pa ang aking sentido dahil sa sobrang galit.
Napaiyak nalang ako dahil sa kahihiyan. Narinig rin ng kapwa ko kasambahay ang mga pangyayari kaya lahat sila ay nalabasan at isa na doon si Aling Molly.
“Madam, pasensiya na po! Hindi ko o sinasadyang masampal ni Sir Jacyd. Sorry po talaga!” Mangiyak ngiyak na sabi ko sa kanya.
“Fine! Papatawarin kita sa ngayon pero kapag inulit mo pa ito may kalalagyan ka sa akin!” Sigaw pa niya at tinalikuran ako. “And you Jacyd, nandito si Coleen dahil nakipag break ka daw sa kanya. I like her so much for you at hindi ako papayag na hiwalayan mo siya!” Ani ni Madam Merce kay Jacyd at padabog na umalis para lapitan si Coleen.
Naiwan kaming dalawa ni Sir Jacyd. Nakita ko siyang napangisi sa akin habang ako naman ay umiiyak.
“Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit kita sinampal hindi ba? Bakit wala ka manlang sinabi?!” Mahinang sabi ko sa kanya.
“Tsss…akala ko kasi palaban ka talaga. I thought, labanan mo si Mommy pero ang duwag mo!” Tila disappointed na sabi pa nito.
“Walang hiya kang lalaki ka!”