“Ano na naman ang kalokohan na ginawa mo, Marian?! Hindi ba pinagsabihan na kita?!” Galit na sabi sa akin ni Aling Molly.
Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hinayaan niya akong matulog at ngayong umaga niya ako sinesermonan. Mula paglagising ko hanggang ngayon na nagtatrabaho na kami dito sa kusina ay hindi siya tumitigil sa pagtatalak sa akin. Halos mabingi na nga ako pero tanging pasensiya lang ang sinasabi ko kay Aling Molly.
“Hindi ko naman iyon sinasadya, Aling Molly. Nagulat lang talaga ako sa ginawa niya sa akin kagabi!” Giit ko naman sa mahinang tono.
Nagpameywang siya at tumigil sa kanyang ginagawa. “Ano ba ang ginawa ni Sir Jacyd sa'yo at sinampal mo siya sa harap ng Mommy niya?!” Tanong pa nito.
Nag-aalangan akong sasabihin sa kanya dahil nahihiya ako pero alam ko naman na hindi rin niya ako titigilan kung hindi ko siya sasagutin.
“Hinalikan niya kasi ako, Aling Molly.” Nakayukong sabi ko sa kanya sabay kagat ng aking pang-ibabang labi.
Sandali natahimik si Aling Molly. Hindi rin ako nagkaroon ng guts na tumingin sa kanya dahil sa hiya. Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at itinaas ang ulo ko. “Sigurado kaba, Marian? Hindi ka mag-iimbento?” tanong pa nito.
Napatango ako sa kanya kaya muntik nang natumba si Aling Molly. Sinalo ko siya kaagad ng mawalan ito ng balanse. Napahilot siya sa kanyang sentido.
“Magtrabaho na nga tayo mamaya na nga kita sesermonan dahil hindi ako makapagmove on sa sinabi mo.” Aniya.
Napahinga naman ako ng malalim pagkatapos niyang sabihin iyon. Dinala na ni Aling Molly ang pagkain sa hapag kainan kaya naiwan ako sa kusina kasama ang tatlo ko pang kapwa katulong na mataray sa akin at hate na hate ako. Nang makaalis si Aling Molly, nagsimula silang magbulong bulungan habang tumatawa. Iyong bulungan nila maririnig ko talaga, kaya alam ko na sinadyang lakasan ni Marites ang kanyang boses.
“Kapal talaga ng mukha niya! Akala niya siguro papatulan siya ni Sir Jacyd, ang taas ng lipad, e!” Natatawang sabi ni Marites.
“Naku! Sinabi mo pa! Ganyan talaga ang mga Probinsiyana. Mula sa kanilang Probinsiya, luluwas ng Maynila at hahanap ng mayaman para lang makaraos sa kahirapan.” Sagot naman ni Kate.
Mga kaedaran ko lang din silang tatlo.
“Nakakatawa ka naman, Marian. Sa tingin mo maniniwala kami sa'yo na hinalikan ka ni Sir Jacyd? Kung ikaw mismo ang humalik sa kanya baka maniwala pa kami.” Tugon naman ni Maricar.
Hindi ko nalang sila pinansin. Ayaw kong patulan ang mga ito dahil baka mas lalo lang magalit sa akin si Aling Molly. Tinalikuran ko na sila para ihatid ang kare-kare sa hapag kainan pero bigla akong natisod sa paa ni Maricar kaya nabitawan ko ang mamahaling lalagyan ng kare-kare. Pira-piraso iyon nang bumagsak sa tiles. Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan si Maricar na napangisi sa akin.
“Ano kaba, Maricar?! Bakit mo ako tinisod?!” Galit na sigaw ko sa kanya.
“Ay, huwag mong isisi sa akin iyan. Kasalanan mo iyan dahil nagmamadali kang makita si Sir Jacyd doon.” Aniya.
“Ano?! Tinisod mo nga ako kaya ko nabitawan hindi ba?! Sumosobra na talaga kayo, ah!” Akmang susugurin ko si Maricar pero pumagitna naman sina Marites at Kate.
“Sige, lalaban ka?! Ganda nalang ang meron ka kaya ingatan mo iyan dahil sa oras na buhusan kita ng mainit na tubig masisira iyang ganda mo!” Ani ni Kate habang matapang na nakatingin sa akin.
“What is happening here?! Ano iyong narinig ko na nabasag?!” Galit na sigaw ni Madam Merce.
Kaagad naman umatras ang tatlo ng ilang pulgada sa akin at umarte na nakaawa sila.
“Madam, wala naman po kaming kasalanan ‘e. Iwan namin kay Marian kung bakit niya binagsak ang mamahaling gamit ninyo.” Nakayuko na sabi ni Kate.
“Oo nga Madam, sinisisi niya pa ako.” Sabat naman ni Maricar.
“Madam, si Marian kasi kanina pa namin napapansin na wala sa sarili. Siguro, iniisip niya si Sir Jacyd.” Ani naman ni Marites.
“Hindi po totoo iyon, Madam. Tinisod o ako ni Maricar-”
“Shut up!” Taas baba akong tiningnan ni Madam Merce. “Ikaw na babae ka masyado ka talagang mapapel sa bahay ko. Baka nakakalimutan mo na katulong kalang dito!” Madiin na sabi niya sa akin.
Mangiyak ngiyak ako habang nakatingin sa kanya. “Madam, totoo naman po ang sinsabi ko!”
Bigla niya akong sinampal ng malakas. “At sasagot kapa talaga sa akin?!”
“Mom, why did you slap her?!” Galit na sigaw naman ni Jacyd.
“Jacyd, buti naman at nandito kana! Itong babaeng ito sobrang mapapel. Papalayasin na natin siya dito sa bahay-”
“Bakit naman?! Ano ba ang ginawa niya para palayasin mo siya?” Kunot noong tanong naman ni Jacyd.
“Binasag lang naman niya ang mamahaling gamit ko.” Itinuro niya kay Sir Jacyd ang binasag ko. “Kulang pa ang tatlong buwan niyang sahod para mabayaran iyan. At kung tumagal pa siya dito, maaring may masira pa siya kaya hangga't maaga pa paalisin nalang natin siya!”
“I will pay for it.” Mariun na sagot ni Jacyd.
Napatingin kaming lahat sa kanya. Nagkasalubong ang mga kilay ni Madam Merce dahil sa kanyang sinabi.
“Ano ang sabi mo?!” tanong ni Madam Merce.
“I will pay for it, Mom. At kung may masira pa siya ulit babayaran ko rin iyon. Huwag mo siyang aalisin dahil akin siya. You hired her for me at ako ang magdedesisyon kung dapat siyang umalis o hindi. Marian, let's go!” Hinila niya ako sa aking kamay at mabilis na kinaladkad paalis sa kusina.
Napalingon ako sa kanila, napaawang ang mga labi ni Madam Merce habang sinunsundan kami ng tingin. Gulat na gulat silang lahat sa mga nangyayari maski na ako rin.
Dinala ako ni Sir Jacyd sa kanyang kwarto at pinunasan ang namamasa kong pisngi. Pinaupo niya ako sa itaas ng kama niya habang hinahaplos ang buhok ko.
“Don't cry, simula ngayon ay hindi kana masasaktan ni Mommy.” Mahinang sabi nito.
“Sir Jacyd, baka mas lalo lang magalit si Madam Merce sa akin dahil sa ginawa mo. Dapat hinayaan mo nalang ako doon na mapagalitan niya-”
“Hindi ko kayang pagmasdan ka na umiiyak dahil sa Mommy ko. Don't worry, iyong tatlong katulong na umaway sa'yo, paalisin ko sila.” Aniya.
“Huwag!” Pigil ko naman sa kanya.
“Bakit?” Takhang tanong nito.
“Kawawa naman sila kung mawalan sila ng trabaho.” Sagot ko naman.
Napaupo si Sir Jacyd sa aking tabi at ngumiti sa akin. “Alam ko na tinisod ka ni Maricar kaya mo nabitawan ang gamit ni Mom. Kitang kita ko sa CCTV ang nangyari.”
“Po?!” Kumunot ang aking noo. Pinaikot ko ang aking mga mata sa buong silid niya pero wala naman akong nakita dito na monitor para makita niya kami.
Kinuha ni Sir Jacyd ang kanyang phone sa bulsa nito at pinakita sa akin. “See? Kahit saang sulok kapa ng buhay maari pa rin kitang makita, Marian.” Kumindat siya sa akin.
Napakunot lang ang aking noo ng makita na pati sa pintuan ng kwarto ko ay may nakakabit palang CCTV.
“Gusto ko nga lagyan ng CCTV ang kwarto mo para makita kita kapag natutulog ‘e!” Pilyong sabi pa nito.
Hinampas ko siya sa kanyang balikat. “Siraulo ka talagang lalaki ka!” Inis na sabi ko sa kanya at inirapan siya.
Napatawa si Sir Jacyd ng mahina. Bigla niyang hinawakan ang batok ko at hinila ako para halikan sa aking labi. Smack lang naman iyon pero ang lakas ng impact sa akin.
“From now on, sa akin ka nalang talaga sisilbi. Hindi kana maaring tumulong sa kusina, ako na rin ang magpapasahod sa'yo, Marian.” Aniya sabay hubad ng kanyang damit sa harapan ko.