MATAPOS sabihin ang mga kataga na iyon ay pumasok na siya sa kwarto niya. Iniwan niya akong nakatulala dahil sa mga katanongang tumatakbo sa isip ko. Iniwan niya akong nagtataka, nagtataka kung tungkol saan iyong nga katagang binitawan niya kanina. Mga katagang hindi mawala-wala sa isip ko. Ikaw ba naman kasi ang masabihan ng ganoong salita, sino ang hindi mapapatanong na lang do'n? Sino ang kaluluwang matatahimik do'n? Sinong utak ang hindi magugulo no'n? Akala ko matutulog na siya kaya siya pumasok sa kwarto niya, akala ko ay hindi na siya lalabas at akala ko rin na maari na akong umuwi. Kaya naman tumayo ako mula sa pagkakaupo ko na may marami pa ring katanongan sa isip. Dinampot ko ang pouch na dala-dala ko kanina bago tinungo ang daan papunta sa pintuan. Nang marating ang gawi

