"I'm referring to the name of the food not yours," ani ko rito ng ma realize ko kung ano ang mga pinagsasabi nito. Binitawan nito ang kutsara na hawak-hawak nito, kapagkuwan ay hinawakan nito ang tapat ng sariling puso sabay sabi sa mga katagang, "Oh my, my bad," parang bakla na ani nito. Obviously, nag iinarte lang ito. Binitawan pa talaga nito ang kubyertos na hawak-hawak nito para lang makapag bakla-baklaan at makapag inarte. Tss baliw! May lahing baliw pa talaga siguro ang lalaking to e. Nang makita niya siguro na hindi umobra sa akin 'yong ginawa niyang pag-iinarte ay napaayos siya ng upo, "Oh the food?" kapagkuwan, ay ani niya na siyang tamad ko namang tinanguan. Pabalik-balik kasi e, e napala obvious na naman kung ano 'yong tinutukoy ko. "It's Beef Stroganoff," ani nito. At da

