LINALABANAN ko ang kaba habang naglalakad palapit sa gawi ng table 10, sa matandang mataba to be exact. Matandang mataba na walang repesto at napaka bossy.
Dala-dala ko ang inomin na ni-request niya and honestly, hindi naiiwasang huwag matapon ang laman nito dahil sa kaba na nararamdaman ko. Nanginginig kasi ang kamay ko at dahil sa panginginig nito'y natatapon ang laman nito.
Nanginginig at kinakabahan ako dahil sa mag what ifs na tumatakbo sa utak ko. Ang mga senaryo na kung saay pinapagalitan niya ko at pinapayiha kagaya no'ng kanina. At mas lalo pa talaga akong kinakaban ng mapagtanto na malaki ang tiyansa na mangyari talaga iyon dahil antagal kong bumalik simula no'ng inutos niya sa akin ang bagay na ito.
Isang malalim na pagbuntong hininga ang ginawa ko ng tuluyan ko ng matanaw ang gawi nong table 10.
Pinalakas ko ang loob ko sa pamamagitan ng pag hinga ng malalim at pagpapakawala ng hangin na rin. Pinapalakas ko ito upang magkaroon ako ng lakas na puntahan ang gawi no'ng matabang matanda. Dahil sa pagkakataon na ito ay nanghihina na talaga ako sa totoo lang.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa totoo lang, ngunit malakas ang kutob ko na mukhang may mangyayaring hindi maganda at mukhang tama nga ako dahil sa buong buhay ko, palaging tama ang kutob ko.
Nang tuluyan na akong makalapit sa gawi no'ng table 10 ay agad kung pinuntahan ang gawi no'ng matandang mataba. Kinakabahan at nanginginig may nilakasan ko pa rin ang loob ko na puntahan ang gawi no'ng matandang mataba and luckily it works, I guess? Dahil tuluyan ko ngang narating ang gawi nito ng hindi nadadapa.
"Sir," paninimulang ani ko ng makalapit na ako sa gawi nito. "Ito na po ang order ni-"
Hindi ko na natapos pa ang balak ko pa sanang sasabihin ng makaramdam ako ng malamig na tubig na tumama sa katawan ko.
At ng sundan ko ng tingin kung saan galing iyon ay doon ko nakita ang matabang matanda. Nakangisi ito ng malagim habang may hawak-hawak na baso na wala ng laman. Wala ng laman dahil malamang, isinaboy na niya ito sa akin.
Naramdaman ko kung paano napatigil ang mga kasamahan niya sa paglalaro ng baraha dahil sa ginawa ng matanda. Narinig ko rin ang pagsinghapan ng mga ito. Na tila ba'y nagulat ang mga ito sa biglaan niyang ginawa.
In my peripheral vision kitang-kita ko rin kung paano napatingin ang nasa kabilang mesa sa gawi ko. At mas lalo pa kaming nakakuha ng atensiyon ng tumayo ang matanda mula sa pagkaupo niya.
Pagkatayo na pagkatayo pa lang nito ay agad na nitong kinuha ang baso na nasa mga palad ko. Ang baso na may laman pa.
Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagahahanda ko sa sarili ko dahil paniguradong itatapon niya na naman ito sa akin.
At tama nga ako sa hinala ko na iyon dahil bago pa man ako napapikit kitang-kita mismo ng mga mata ko kung paano niya iangat ang kamay niya upang siguro'y itapon ito sa gawi ko.
"You b***h ang tagal kong naghintay sa'yo! Pinaasa mo lang akong gaga ka!" rinig kung nag-aalburoto sa galit na sabi nito.
After hearing those words mas tinatagan ko pa ang sarili ko because for sure any minute from now, tatama ng muli ang malamig na tubig na iyon sa akin.
Ilang segundo ang lumipas matapos niyang sabihin ang mga kataga na iyon at sa loob ng ilang segundo na iyon ay nakapikit lang talaga ako. Nakapikit habang hinihintay ko ang pagtama no'ng malamig na alak sa katawan ko.
But minute passed at wala man lang akong naramdaman kaya napamulat ako. At doon ko nakita ang isang mabalahibo at maugat na kamay na nakahawak sa palapulsuhan no'ng bakla. Waring sa pamamagitan nito'y pinipigilan nito ang bakla na huwag itapon ang laman ng baso na iyon sa akin.
"Try to throw that to her and I'll kill you," someone said using his husky and masculine voice. At dahil sa sinabi niyang iyon ay wala sa sariling napasinghot ako ng maramdaman ko ang mabango niyang hininga. Mabango ito, 'sing bango ng mentol.
Nakakatindig balahibo ang paraan niya sa pagsasabi niya sa mga kataga na iyon. Kaya hindi na ako nagtaka pa ng makita ko kung paano bahagyang nanginig ang kamay no'ng bakla at namutla ang mukha nito.
"S-orry," nauutal nitong sabi bago dali-dali na kinuha ang kamay na hawak no'ng may mabangong hininga at may mabalahibo at maugat na kamay no'ng lalaki.
Akala ko basta-basta na lamang papalagpasin ng lalaking nasa likod ko na hindi ko alam ang pangalan ang ginawa no'ng mataba na iyon. Ngunit mali pala ang akala ko na iyon, dahil mula sa kamay no'ng matanda, kinuha nito ang baso na may lamang alak at isinaboy ito sa mukha no'ng matanda. Dahilan kung bakit nabasa ang pangit nitong mukha, dahilan rin kung bakit nag singhapan rin 'yong mga nakakita sa nangyari.
"Ano? Uulit ka pa o hindi na?" gamit pa rin ang malamig na boses na tanong no'ng lalaki na nasa likod ko.
"H-indi.. h-indi... hindi na," ang nauutal na ani no'ng matabang matanda bago dali-daling kinuha ang bag niya na nasa upuan at ng tuluyan na niya itong makuha ay walang lingunan itong naglakad palayo sa lugar namin. Kapagkuwan, ay tumakbo ito. Isang palatandaan na natakot talaga ito.
Habang ako naman ay naiwang nakatulala, nakatulala dahil sa mga nasaksihan at kaganapan.
Inilipag no'ng lalaking nasa likod ko ang baso na hawak-hawak nito sa mesa. Dahilan kung bakit napapitlag ako mula sa pagkatulala.
Nang makabawi mula sa pagkakatulala ay nilingon ko ang likod ko upang alamin kung sino ang lalaking tumulong sa akin. Aalamin nang sa gayon ay mapasalamatan ko ito.
Paglingon ko'y hindi ko inaakala na mapapalunok ako ng sunod-sunod ng ang bumungad sa mga mata ko ay ang malapad niyang dib-dib na sobrang hapit sa polo shirt na suot-suot niya at ang nagtataasang-baba niyang adams apple na kay sarap lantakin.
Sa nasaksihan na tanawin ay isa lamang ang masasabi ko at iyon ay ang, s**t ang hot!
Shit ang hot niya dahil dibdib at adams apple niya pa lang ang nakikita ko pero sobrang sure na ako na may abs ang isang 'to at pogi rin ang isang 'to. Sure na ako na may abs siya, dahil kadalasan sa mga lalaking kilala ko na may malaking chest ay may abs talaga. Ito ay dulot ng kanilang pag e-ehersisyo. I wonder kung ilang ukit kaya ng abs ang meron siya. Walo kaya?
Ang hinala ko na pogi siya ay napatunayan ko na tama at hindi ako nagkakamali dahil ng tumingala ako ay doon ko nakita ang napakaamo at napaka perpekto nitong mukha. Mukha, na tila ba'y inukit ito ng isang magaling na skulptor.
Matangos ang ilong nito, mapungay ang mga mata nito, mahahaba ang pilik mata nito, mapupula ang labi nito na tila bay nang-aakit ito sa akin na halikan ko ito-teka pamilyar ang lalaking 'to sa akin ah!
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Napatigil rin ako sa pag da-daydream ko dahil roon. Napaisip ako kung sino ang lalaking nasa harapan ko at kung bakit napaka pamilyar nito sa akin. At wala sa sariling nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko kung sino ang lalaking ito at kung bakit napaka pamilyar nito sa akin.
Oo tama! Siya nga! Ito nga! Ito nga ang poging lalaki na naka banggaan ko kanina.
"Y-ou?!" gulat ko na tanong dito, na siyang dahilan kung bakit napangiti ito. At iyon din ang dahilan kung bakit sumila'y ang dalawang biloy nito sa magkabilaang pisnge at kung bakit lumabas ang pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Para siyang model ng toothpaste dahil sa puti ng ngipin niya.
"Ako nga," he huskily said, "And now we're even," dag-dag pang ani nito bago kinindatan at iniwan ako na nakatulala, pinamumulhanan ng mukha at nakangiti na parang timang.
Tangina! Napaka gwapo niya mga be! Nakakalaglag ng panty! s**t! Ang pogi niya be! Para siyang Greek God sa pogi!
Wala sa sariling napahawak ako sa magkabilaang hips ko kung saan naroroon ang panty ko ng maramdaman ko ang pagkatastas ng garter nito. Tangina mga be! Legit na nasira ang garter ng panty ko dahil sa kagwapohan nito.
Oh mahabaging langit, napaka swerte ko naman ata ngayong araw dahil nakakita ako ng anghel. Anghel na nasa lupa upang ibigin, iligtas at sambahin ako.
Anghel na kay sarap ohlala—wait, self, ano ba 'yang pinag-iisip mo? Hindi ka naman ganito ah! Nakakita ka lang ng gwapo parang nauulol ka na.
Gusto kung kutusan ang sarili ko sa pagkakataon na ito dahil sa pinag-iisip ko, sa totoo lang. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil baka magmukhang baliw ako. Pero sa totoo lang, napaka swerte ko kasi may poging papa akong nakita, ehehe.
Napapitlag ako mula sa pagkakatulala ko ng may maramdaman akong kumalabit sa akin. Liningon ko ang gawi no'ng kumalabit sa akin at doon ko nakita ang pinsan ko na hinihingal, punong-puno rin ng pawis ang pagmumukha nito. Na tila ba ay tumakbo ito ng ilang metro para lamang mapuntahan ako.
"C-assey," ang hinihingal nitong ani. Dahilan kung bakit hindi ko rin tuloy naiwasan ang huwag kabahan dahil sa nakikita kung reaksiyon ng pagmumukha niya.
"Oh? napano ka at bakit naparito ka?" taka kong tanong rito. Hindi ko naiwasan ang sarili ko na huwag mag-alala. Dahil knowing my pinsan, hinding-hindi 'yan pumupunta rito sa trabaho ko kung hindi importante ang pakay niya.
And aside from those, walang tao ang basta-basta na lamang nakakapasok rito. Maliban na lamang sa mga trabahante at mga mayayamang palaging guest rito. Pero ang kagaya niya? Na hindi nagtratrabaho rito at hindi naman mayaman? Napaka impossible.
Nagsimula na akong kabahan dahil sa mga naiisip ko.
Bumuntong hininga ito ng sunod-sunod muna bago sinagot ang tanong ko. "Si m-ama mo," pautal-utal nitong ani dahil sa hingal.
Kinain ng kaba ang buong sistema ko dahil sa narinig, "Oh? anong nangyari kay mama?" kinakaban may pinilit ko pa rin ang sarili ko manatiling kalma. Kahit ang totoo ay nagpapanic na ako sa loob ko. Kahit ang totoo lang ay hindi na magkamayaw ang sistema, puso, balumbalunan at pwet ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.
At ng hindi ko na talaga napigilan ang kaba ko ay nagpanic na talaga, napahawak ako sa balikat niya at roon ko siya niyugyog ng niyugyog. "Anong nangyari kay mama, Mona?" nag-alala kong tanong at nagpapanic na rin.
Mas nilakasan ko pa ang pagyugyog sa balikat nito ng makita ko kung paano nagsimulang mamasa ang mga mata nito, "Anong nangyari kay mama, Mona?!" ulit ko pang tanong rito ng wala akong makuhang sagot mula sa una kung tanong. Medyo napalakas pa ang pagkakatanong ko sa mga kataga na iyon dahilan kung bakit napalingon sa gawi namin 'yong mga naglalaro ng baraha, majong at ng kung ano-ano pa.
Sa pagkakataon na ito'y wala na akong pakialam pa sa kapaligiran namin. Wala na akong pakialam sa katotohanang pinagtitinginan na kami. Dahil ang tanging pakialam ko lamang sa mga oras na ito ay ang malaman kung ano ang nangyari kay mama at kung bakit siya umaakto ng ganito na tila bay may kung ano'ng nangyayari na hindi ko alam.
"S-i mama mo," muli itong napatigil sa pagsasalita ng hingalin ito.
"Ano ngang nangyari kay mama? Mona naman oh! Nag-aalala na ako!"
Sa pagkakataon na ito'y nagsisimula na ring mamasa ang mga mata ko. Just thinking that I will lose my mom, para na akong mamatay sa sakit. Kaya sana naman... please lang God.. sana naman hindi kagaya ng naiisip ko ang mga nangyayari.
Pero mukhang mahina talaga ang kapit ko sa diyos dahil ang hiling ko na iyon ay hindi natupad, bagkos ang mga naisip na may nangyari ngang masama sa kan'ya ay ang tunay na nangyari.
"Nasagasaan siya!" sagot niya sa tanong ko.
And with that parang may kung anong tunog na umalingaw-ngaw sa tenga ko. Para itong bomba na sumabog na hindi ko maipaliwanag kung ano Para akong nabingi dahil sa narinig ko. Kasabay rin niyon ay ang pagguho ng mundo ko.
Ang mundo kung buo na ngayon ay guho na dahil ang taong dahilan kung bakit buo ito ay nasagasaan at ngayon nga ay nag-aagaw buhay.
Damn this life, bakit sa rinami-rami ng tao dito sa mundo bakit si mama pa talaga?! Bakit hindi na lang 'yong ibang tao?!