There were insistent knocks on my door early Sunday morning. Ilang beses na akong sumigaw mula sa kusina para itanong kung sino iyon pero mas bumilis lamang ang mga katok ng kung sinuman ang nandoon. Inubos ko muna ang juice mula sa baso na kanina ko pa tinititigan bago tumayo at binuksan ang pinto. "Bakit ka nagbubukas ng pinto nang hindi muna inaalam kung sino ang kumakatok?" tanong ng apurado sa harap ko. "O, bakit andito ka?" "Answer my question," dominanteng tugon nito. Aba, apurado na, demanding pa. "Inaalam ko po kanina pero hindi ka naman sumasagot. Naririndi na ako sa katok mo kaya binuksan ko na," nameywang ako, wondering why I even have to explain. Umirap lamang siya at hindi nagsalita. "It's your turn to answer my question. Bakit ka nandito?" "I need to see you Grace..

