"Andito ka lang pala! Hinahanap ka ng Ex mo kanina samin ah," wika ni Faith nang datnan niya ako sa pantry ng Student Council Office during lunch. "FYI Faith, NBSB ako. No Boyfriend Since Birth. So wala akong Ex," sagot ko habang patuloy sa pagsubo. "Asus! Si Gavin, tumatawag daw siya pero di mo sinasagot." "Bakit daw?" "Wala naman sinabi, basta tinatanong kung nasan ka. Baka gusto lang makita ang goodluck charm niya bago lumaban ng basketball," she concluded, sabay kindat. "Naiwan sa bahay ang cellphone ko eh," simpleng sagot ko kahit na parang dini-dribble ang puso ko. Napangiwi ako sa ka-cornihan ng naisip ko. "Kaso nakaalis na sila. Tsk, tsk, tsk....sayang hindi mo tuloy nakita si Gavin, ang gwapo pa naman niya," pang-iingit pa nito. It's been a week since the last time we saw

