1:00
Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang mga lalaking katabi ko na halatang-halata ang kanina pang paninitig. Bahagya pa itong umiwas ng tingin, ngunit hindi nakatakas sa akin ang maliit nitong ngisi sa gilid ng labi. Napakagat labi ako dahil maging ang imahe ko'y malayong-malayo sa dating Lily. Kapiranggot ang aking pananamit. Hindi mo aakalaing isang pulis ang kaharap nila ngayon.
Pero hindi na rin bago sa akin ang mag-undercover. Tutal obligado ako bilang pulis na gawin ang lahat para maiusad ang imbestigasyon na hawak namin. Minsan pa nga'y mas delikado at mas agaw-buhay ang ginagampanang katauhan ng iba. There's the buy bust operation, ang mga implant namin, at iba pa. Ang pinagka-iba sa sitwasyong ito ay mag-isa ako sa misyong ito.
Iisipin ng iba na dinibdib ko ang mga sinabi ni Officer Villanueva. Na hindi tulad nila'y may mga koneksyon sila sa ilalim. Aaminin ko ngang na-intimida ako sa mga narinig. Pero ngayon, kung maibabalik ang oras, baka nasabi ko pa ang matagal na nililihim.
"Lily?"
"Ave..."
Tinapon nito ang sigarilyo kahit pa hindi tinutupok ang upos. Sa isang segundo, nagawa niya akong salubungin ng kanyang mainit na yakap. Matagal-tagal na rin pala. May sama kaya siya ng loob sa akin matapos manahimik ng ilang taon?
"Sabi mo hinding hindi ka na tatapak dito. Baka malaman ng mga katrabaho mo!" Halata ang pag-aalala sa boses nito. Ibinalik ko ang kanyang yakap at marahang hinagod ang kanyang likod.
Kapwa kaming pinalaki ni Avery sa Spider Flower Club. Matibay at matagal ang aming pinagsamahan kaya kahit pa magkaiba ang tinahak naming landas, nanatili pa rin akong tapat sa kanya, at siya naman sa akin.
"Anong punta mo dito? At sa ganyang suot? May assignment ka ba sa lugar na ito? Person of interest? Suspect?"
Lahat ng iyon ay inilingan ko.
"Bakit ka ba nandito Lily?" anito na pawang atat na atat malaman ang pakay ko.
Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba ang katotohanan o hindi. Parang magkapatid na ang aming turingan ni Avery kaya alam kong nararapat na malaman niya rin ang pinunta ko dito. Gayunpaman, nandon din ang agam-agam sa aking isip. Paano kung hindi maging successful ang misyong ito? Paano kung sa huli ay matalo ako? Imposibleng hindi niya hadlangan ang aking mga plano sa oras na malaman niya ito. Kahit sino'y mag-aalala.
Sa huli, napagpasyahan kong manahimik na lamang.
"Ave... Naisip kong... Kinakailangan ko ng tulong mo sa misyong ito," Pagsisinunggaling ko pa sa kanya.
Saglit itong napatingin sa akin at halos matunaw naman ako dala ng konsensya. Tumango na siya at nilagpasan ako para tumungo sa island bar. Nagsindi uli ito ng sigarilyo.
"Bakit ko nga ba iisipin na pumunta ka dito para sa ibang bagay?"
Walang salita akong lumapit sa kanyang pwesto. "Hindi sa ganon iyon Ave... Hindi ako lumapit dito para gamitin kayo. Kinakailangan ko ng tulong para sa akin... para sa kapatid ko,"
May biglaang pagbabago sa kanyang mukha na tila naunawaan niyang desperate ako para sa kasong ito. Muling nagbalik ang sigla sa kanyang ekspresyon.
"Kung ganon, ano ang matutulong ko sayo?"
Nilunok ko ang aking kaba. "Papaano ko mailalabas ang sarili sa ilalim?"
"Ano?"
"Kailangan akong makita ng mga tauhan ng Citadels. That's it,"
"Yun lang?"
Tumango ako.
Naguguluhan itong naglakad-lakad na parang inaalisa ang nais kong mangyari. Hindi ko siya masisisi. Kahit sino'y magtataka sa pakay ko. Citadel Cartels from the name itself evokes fear in anyone. Sila lang naman ang nangunguna sa herakiya ng mga kriminal. Ang ugat ng krimen. At ang nagiisang grupo na maaaring tatalo sa pinangalanang salarin—si Maradona. Who would want to be associated with them?
Miski ang gobyerno ay ayaw galawin ang grupong ito. Kaya nilang intimidahin pero ang tuluyang puksain? Hindi mangyayari. Hinayaan lang nila ang pagmumuno ng grupong ito sa isang kondisyon na hindi ko mawari kung ano.
"Why? Bakit sa lahat ng mga tauhan na gusto mong lapitan ay yun pang kabilang sa grupong iyon? Lily... Hindi kita pwedeng tulungan sa bagay na iyan,"
"You don't get it Ave. Kailangan ko ng tulong nila. Ngayon na."
Dahil patagal ng patagal, mas lalong lumalakas ang pwersa ni Maradona. Hindi dapat ako tumigil kung nasa tugatog na ako ng layunin kong mapuksa ang pananalasa nito.
"Ano ako nababaliw? Hinding-hindi kita hahayaan maka-lapit sa mga uri nila. Forget about it, Lily. I'm backing out,"
Nag-iwas na siya ng tingin sa akin matapos ng aming alitan. Kilala ko si Ave, kapag desidido na siya sa kanyang desisyon, mahirap na rin itong baguhin. Gaya ng desisyon niyang manatili sa lugar na ito...
MATAGAL-TAGAL na pangungumbinsi ang ginugol ko pero gaya ng sabi, matigas ang resolusyon ni Ave.
Netong mga nakaraang araw, iba't ibang ahensya na ang nilapitan ko. Naroon ang mga private investigator guilds, independent security firms, at mga councils ng crime enthusiasts. Lahat ay pare-pareho ng sagot: isang matigas na hindi.
Kahit pa bigyan ko sila ng lead o impormasyon, kahit libre ko na itong ibigay na walang hinihinging kapalit kundi ang mapa-bilang sa imbestigasyon, napunta pa rin sa wala ang aking paghihirap. No one wants to be associated with this case—only the highest of the highest, the most powerful can strife with this ordeal.
And sadly, I blew this one and only chance at securing a position in this national coverage. Gusto kong magalit kay Officer Ethan, for kicking me out of the curve... for putting my efforts all to waste.
And yet, he also named the criminal...
Aaminin kong kulang nga ako sa karanasan, subalit hindi pa rin ako titigil.
Hangga't naririto pa si Maradona, hindi ko siya tatantanan.
****
Akala ko wala ng pag-asa sa aking mithiin. Iniisip ko palang na mapunta sa wala ang paghihirap ko'y parang ang hirap-hirap ng tanggapin.
Pero nagkamali ako.
Sa aking kamay, nanginginig kong binabasa ang laman ng isang liham na iniwan sa tapat ng pintuan ng aking maliit na inuupahan. Maiksi at diretso sa pinupunto ang konteksto nito. Sa dulo ng papel, naka-lagda ang pangalang hinding-hindi ko inaasahan sa talang ng aking buhay.
Midnight
Paano niya ako natunton?
Bahagya kong sinara ang liham at humugot ng malalim na hininga. Ito na nga ba ang pinaka-inaasam kong tsansa?
Sino pa ba ang makaka-harap kay Maradona kundi ang matagal na rin nitong karibal? The underground King himself.
Imbis na patagalin ang mga katanungan sa aking isipan, napagpasyahan kong sundin na lamang ang nilalaman nito. Mukhang nagbabaga na siguro ang sitwasyon. Lumalala ang ningas sa impyernong kinabibilangan ng mga sindikato at kriminal. Siguro nga kumikilos na rin ng kusa si Midnight. At gaya siguro ng aking mga katrabaho, natunugan niya ang pagpapaliban ko.
Pero bakit? Ano ang kailangan niya sa akin? At ano naman kaya ang maitutulong ko?
Sabi ko'y titigil na ako sa aking mga agam-agam pero ang hirap talagang paniwalaan na siya na ang kusang lumapit gayong ako itong desperadong naghahanap sa kanya—para sa pag-asang mapabilang sa paglilitis. Masasabi ko bang himala ito?
O baka matagal na pala itong planado...
Sa loob ng dalawang araw, umikot sa iba't ibang senaryo ang aking utak. Minsan napapadpad sa kung ano-anong bagay gaya ng pagiging espiya para sa kapulisan, o baka naman ay ninanais niya akong iblack-mail sa anumang bagay ang mayroon siya laban sa akin. Aaminin kong naririto ang kaba, pumipintig sa bawat patak ng oras.
Kaya naman nang dumating ang araw kung saan ko siya kikitain, hindi mawala ang nerbyos sa aking kalamnan.
Ginawa ko ang makakaya maitago ang panginginig sa loob ng kamiseta at maong na kasuotan. Kapit-kapit ko naman ang baril sa ikalawa—sa oras na hindi pumabor sa akin ang sitwasyon. Anuman ang mangyari sa usapan naming ito, nananalangin akong magugustuhan ko ito dahil kung hindi kami magka-sundo, natitiyak kong hindi lang ulo ko ang gugulong sa kalsadang ito.
"Police officer... Lily," anito sa malalim at nakakatakot na boses.
Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses at nasilayan ang isang matangkad at matipunong lalaking naka-maskara. Sa kanyang balikat, dahan-dahan niyang hinubad ang mahabang trench coat na itim at inabot ito sa kanyang tauhan.
"You've read my letter."
"Yes," tipid kong wika. Iniisip ko kung ano ang dapat pang sabihin, pero naging blanko ang aking utak. Maliban sa pagpapaka-totoo, wala na rin akong ibang masasabi pa.
"I've read your letter, and am honestly skeptical to see you. Inaasahan kong niloloko mo lang ako."
Straight to the point.
Tumaas ang gilid ng labi nito na animo'y namamangha sa sinabi ko.
"I mean... Why would you... a renowned figure from underground would want to work with me? Bakit? Wala akong ibang maibibigay. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo ng tulong ko."
Again, his lips curved into a wicked smile. This time with a glint in his eyes. At gaya ng kanina, mas tumiriple ang nerbyos na nararamdaman ko. "There is... something you can only offer..."
"At sa tingin mo, paano mo ako mapapapayag? Hindi porke kaya mo akong tulungan kay Maradona ay dapat na rin kitang pagkatiwalaan,"
"You'll agree with my terms. Alam ko kung nasaan ang kapatid mo, and if you want to protect her. You'll have to do some of my bidding,"
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Tila tumigil ang oras ng pagkakataong iyon. Hindi ko nga alam kung sasabog ang puso ko sa paghuhumarentado nito o baka sasabog sa kaba sa isiping nagsinunggaling lamang siya sa akin.
"Teka... Papaano? Paano mo nalaman iyon!" Kahit pa naroon ang pangamba sa aking dibdib, nagawa kong tawirin ang distansya sa pagitan namin. Hindi ko mawari kung saan ako naka-hugot ng lakas ng loob ngunit pagdating sa aking kapatid, nawawala ang takot sa puso ko.
"Sagutin mo ako!"
Nais ko siyang kwelyuhan ngunit sa isang kilos niya lang, nagawa niyang ipinid ang kamay ko sa aking likuran. Gusto kong umiyak. Nasaan ang kapatid ko? Ano ang nangyari sa kanya?
"She's in safe hands. Much safer than any place in this world. What you need to worry about is Maradona."
Sinubukan ko siyang palagan ngunit mas humigpit ang kanyang pagkaka-kapit. Nilapit niya ang bibig sa aking tenga at tila pagba-babala, mahinang bumulong.
"Stop struggling and I'll give you instructions if you still want to see her."
Kahi pa gusto ko siyang bombahin ng napakaraming katanungan, pinili kong itikom ang bibig gayong ako ang nangangailangan ng impormasyon mula sa kanya. Nanginginig ang aking labi at katawan, hindi mawari kung masisiyahan o hindi sa nalaman. Ilang taon din akong nagpakagugol sa paghahanap, at akala ko'y mawawalan ako ng pag-asa, pero heto ako ngayon, may bagong kakapitan.
"Your sister is one of Maradona's targets. I tried to hide her from him... tried to even plant a decoy. But he is more than persistent to complete his roster of women."
"Why? Ano ang gusto niya sa kapatid ko?"
"Like any of his other victims. He has this specific preference,"
Naiwan akong walang salita. I don't know what to make of this. Nauunawaan ko ang tinutukoy niya. Sa aking ginawang pagi-imbestiga, napagdugtong-dugtong ko rin ang pagkaka-pareha ng mga biktima niya. They all had identical and very similar features. Like me.
Kaya niya ba ako kailangan? Para palitan ang kapatid ko?
"You want me to sacrifice myself in her stead..." Wala sa sarili kong bulong.
Midnight almost gave me a chuckle, but instead he released me from his hold.
"You don't have to worry about whether you'll die or not." Nabigla ako nang ibalandara niya sa mukha ko ang naka-sipit na baril sa aking gilid. Inikot-ikot niya ito sa daliri na parang laruan lamang. How did he?...
“I’ll come rescue you when the clock hits midnight, when his game ends," aniya bago tuluyang itapon ang baril sa aking gilid.
Sa aking kamay, naiwan ang isang kapiranggot na papel na maaaring naglalaman ng instruksyon. Nagugulumihan akong tumingin sa nagre-retiro niyang anyo.
"Teka! Ano ang pakay mo Midnight? Bakit mo ako—kami tinutulungan ng kapatid ko?"
Wala siyang lingon na nahinto sa kanyang paglalakad. Tila ba mabigat sa kanyang dibdib ang usapin ukol sa aking kapatid, pero sa huli, nagpatuloy na ito sa gawi. Gusto ko man siya usisain, iniisip ko na lang na makukuha ko rin ang aking mga kasagutan sa tamang oras—matapos ang kaguluhang ito. Dahil hindi malabong may kailangan nga si Maradona sa kanya.
****
Parang bituin na kumikinang ang bawat palamuti na suot ng mga babae dito. Namumula ang kanilang mga pisngi, namumutok naman ang labi. The Red Light District of this city of Metropolis. It was a place full of sin. Pero sa akin? Isang lugar kung saan lahat ng sikreto'y nabubunyag. A place filled with information, and yet with a heavier cost. Marami ang nanghihikayat ng serbisyo dito. Hindi lang tawag ng kalamnan, pati mga trabahong madudumi.
"Ano tingin mo sa akin? 500 lang? Maghanap ka ng iba sa presyo mo!"
Walang kakurap-kurap at dire-diretso lang ako naglakad sa gitna ng maingay na kalye na animo'y pamilyar na lugar ang nilalakaran. Mainit, magulo, at madumi, minsan natatanong ko sa sarili kung pa-paano ako naka-ahon sa ganitong klaseng pamumuhay? Malayo-layo na rin pala ang narating ko.
Ang sabi sa liham ay may trabahong nag-aantay sa akin sa island bar sa loob ng Barrero. May tauhan daw siya roon na naka-estasyon kaya wala na dapat akong alalahanin kundi ang taong ninanais naming matunton.
Sa katunayan nyan, walang deskripsyon na binigay sa akin si Midnight. Ang sabi niya'y dadalo sa auction ngayon ang mga tauhan ni Maradona, kaya kung gusto kong makilala, kailangan kong galingan sa aking pakiki-halubilo. Sanay naman na ako. Buong buhay ko'y panay ang aking obserbasyon.
Makaraan ang sandaling pagligoy-ligoy, nadatnan ko rin ang itinalagang tauhan ni Midnight. Maka-hulugan kaming nagtitigan bago iluklok ang sarili sa island bar. Sa kanyang gilid, napasadahan ko ng tingin ang maliit na mikropono at recorder na naka-sukbit. Kung hindi titignan maigi, kahit sino'y aakalaing ballpen lang ito.
"Alam mo na ang gagawin?"
Sumeryoso ang mukha ko. "Hindi na ito bago sa akin."
"Good. Because our guest is arriving."
Hindi ako nakapag-salita bagkus pinagmasdan ko na lamang ang isang mapanganib na lalaking umagaw pansin sa lahat ng naririto sa Barrero. Nakasuot ng itim na masquerade mask, mayroon ding fur coat sa kanyang balikat. Sa kanyang porma, halata mo agad na banyaga ang taong ito.
Bawat isa sa amin ay natigilan sa ginagawa.
Back then, I can't fully describe what fear is under than the thought of death.
But for the first time, I had known... I had known.