0:00
0
"Police Sergeant Lily,"
Nilingon ko mula sa aking desktop ang nagsalita at nasilayan ang tila nababahalang ekspresyon sa mukha ni Romualdo.
"Ano na namang gusot ang kailangan ayusin?" Biro ko pa sa kanya para lang gumaan ang atmospera, pero nang masilayan ang takot sa mata nito, napalunok ako ng malalim.
"May isang biktima na naman ang nadakip."
Dahan-dahan ay napa-angos ako mula sa kinauupuan. Again? Not this time...sabi ko huli na iyon. Sabi ko hindi na mauulit. Ano bang ginagawa mong trabaho Lily?
"Isa na naman... At isang buwan lang ang pagitan," pukaw ko.
"Hindi lang basta-basta ang biktima ngayon...dahil panganay na babae ni Senator Jill ang nawawala,"
Kinagat ko ang labi. Masama ito. Sobrang samang balita. Bukod sa pagiging tanyag na pangalan, si Senator Jill ay hindi rin mapagtawad pagdating sa batas. Oras na siya ang masangkot sa isang kaso, asahang magiging pangunahing usapan ang hawak nito. At mukhang hindi malabo, lalaki at lalaganap ang coverage na ito.
Just when I thought things couldn't get worse. It did.
"What do you think is going to happen?"
Nang marinig niya ang tono ko, dahan-dahan itong tumungo at nagisip. "Hindi ito palalampasin ni Senator. Tiyak na maapektuhan ang imbestigasyon natin,"
Wala akong ibang nagawa kundi padarag na hampasin ang maliit na mesa. Ofcourse. It would. Ilang taon kong sinundan ang kasong ito, ilang oras ang ginugol at sinakripisyo. Sa pagkakataong maipahayag ito sa publiko, inaasahan kong mas lalong magiging mailap ang kriminal. Mas lalong tatalino at magtatago. Labis na papahirapan akong gugulin ito sa oras na maging national coverage ang balita. Hindi nila kailangan makielam sa investigation ko. Kailangan itong resolbahin ng tahimik at walang nilalabas na intel.
"Ilang araw pa ang mayroon ako bago ito ipasa sa senado at sa state police?"
"Hindi ko po alam sergeant Lily. Pero asahan kong sa mas lalong madaling panahon," Napakunot ang noo ko dahil alam kong baka ngayon pa lang ay nagmimiting de avance na ang bawat departamento.
"Maraming salamat Romualdo. You're dismissed,"
Wala na rin itong pagkakataong umapela subalit sinunod na lamang ang kagustuhan kong maiwan sa opisina ko. Matapos umalis ay nilingon at pinagmasdan ko ang investigation board na itinala ko. I've been working on this for years, and to imagine all my efforts go to waste is truly heartbreaking. Lumapit ako at may panibagong plot at identity profile na isinulat.
Senator Jill's Daughter. Marked.
Ito na ata ang ika-pitong biktima ng hindi namin mapangalanang kriminal. But many sources call him by the name of the witching hour killer. Ang galawan nito ay kaparehong-kapareho sa galawan ni Midnight. Parehong tahimik at tila lobo sa gabi kung umatake, parehong tanyag sa ilalim, magkatulad pagdating sa taktika, at higit sa lahat, dalawang mailap at magaling kumilos. Matagal na itong naging salot sa iba't ibang lupalop ng mundo. Ngayo'y sa Pilipinas na ito nananalasa.
I knew of this criminal. It was one of those mystery case files I constantly watched in many videos circulating around the internet. Siya ang naging dahilan kung bakit mahal na mahal ko ang trabaho ko. I realized I wanted to save lives, especially victims from cruelty. And he was my number one criminal I wished to have my hands on. It would propel me at greater heights. Mas lalaki ang hawak ko. Mas magtitiwala ang mga nasa itaas. At first, it felt like a distant dream, to finally capture this criminal.
But when he landed here in this very county I swear to serve, I realized this was my opportunity.
Pero hindi ko akalain na masyado nga itong makapangyarihan. I was foolish for dreaming high—but still, it was a fight I'm eager to win.
Hindi na magiging sagabal ang p********e ko. Makikita nilang kayang kaya ko rin umakyat sa tuktok kahit pa babae ako.
Walang pagaalinlangan kong dinampot ang susi ng police car bago ito pa-andarin sa malungkot na highway. Binuksan ko ang radyo at tahimik na nakinig sa balita. Anumang senyales ng atake ay mataman kong pinapakinggan.
Nang makauwi sa bahay, hinubad ko ang aking suot na uniporme at malamyang binuksan ang kalan para maginit ng tubig. Habang tumutunog ang pinapakuluang tubig, napuno ang aking utak ng karima-rimarim na mga isipin ng nakaraan. Lalo lamang pinasiklab nito ang aking determinasyon.
They said I had a sister...
Had. Kasi patay na raw siya.
She was the main reason why I became a policewoman. Sabi ko sa sarili ko'y hahanapin ko siya. Susuyurin ko ang bawat sulok ng Pilipinas para sa kanya, ngunit ngayong tinatawag na ako ng mandato ko bilang isang mabutihing tagapag-lingkod sa publiko, alam ko rin kailangan ko ng bitawan ang aking ambisyon na mahanap ang nakababatang kapatid. Pasensya na. Pasensya na rin mama. Subalit may dumating ng mas matinding kalaban. Kung ano man ang kailangan ng kriminal na ito, mas pipiliin kong ialay ang sarili upang hindi maranasan ng bawat pamilyang nawalan ang naranasan ko ng mawala ang aking kapatid.
No more deaths. No more grieving. Families will no longer experience the pain of losing someone.
And I am more than determined to do my job.
****
Hindi ko akalain na darating ang araw na masisilayan ko harap-harapan ang kapangyarihan ng isang taong may iba't ibang koneksyon, at kung paano nito nakayanang tabunan ang ilang taon kong paghihirap. Para itong naging sampal sa aking mukha dahil sa isang iglap, napangalanan ang kriminal na matagal ko ng tinutugis.
Maradona.
"Good job officer Villanueva. If it weren't for your service and exceptional skills, we wouldn't even have named this killer on the loose,"
I swallowed hard, sinking to my seat and feeling smaller than I already was.
"This is nothing Lieutenant. I am just doing my job,"
Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap.
How? Why was it so easy for him to obtain this information? Bakit ako na ilang taon nagpakasasa sa kasong ito ay hirap makakuha ng data? Hindi ko matanggap. Ang tanging dahilan na nakikita ko kung pa-paano niya nagawa ang kung tutuusin ay tila imposibleng trabaho ay ang pagkakaroon ng koneksyon sa ilalim. Mayroong perang kalakip sa pangalan ng mga Villanueva. He could've paid any of his underlings to do his dirty job.
Nang matapos ang miting ng federal investigation ay agad akong tumayo mula sa aking silya at sinuyod ang daan patungo sa kilalang private investigator. Nadatnan ko itong nakikipagusap sa isa pang opisyal. Kinuha ko ang maliit na notebook sa aking bulsa at ballpen, naghahanda para siya'y usisain.
"Officer," Bungad ko nang matapos ang diskusyon.
Nilingon ako ni Officer Ethan at saglit na natigilan.
"Officer?"
Nang magising siya'y agad siyang napailing. "I'm sorry. I thought you look just like someone I knew,"
Napakunot ang noo ko. "I'm sorry to intrude. Pero magpapakilala muna ako. I'm Police Inspector Lily Vasquez of district 7, and I have a few questions regarding this person... Maradona,"
Nagbago bigla ang ihip ng hangin, lalo na't ng banggitin ko ang pangalan ng taong iyon.
"I'm sorry police inspector Lily, but this is not a matter you can prod into. Hindi basta-basta ang caliber ng taong nais mong kilalanin,"
"Hindi mo ako naintindihan officer. Matagal ko ng hawak ang kasong ito,"
"Matagal na." He emphasized. Bahagya akong nainsulto.
"Oo, matagal na. Marami na rin akong impormasyon at pundasyon sa kasong ito. Tiyak na makakatulong ako matunton ang tao—"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang putulin niya ako.
"I am aware of what you wish to bargain with us. And I understand your disdain and interest. Alam kong gusto mo lang rin tumulong. Pero hindi kita hahayaang maging parte ng imbestigasyon, lalo na't sa kondisyon mo,"
Kinagat ko ang labi. Dahil ba babae ako? Gusto ko sanang sabihin.
"Isa pa. Baka maging sagabal ka lang rin ngayong nakikita ko'y emosyonal ka pagdating sa usaping ito,"
"—Hindi ganon iyon..."
"To put it simply as well...We only take in the best of the best. Hindi naman sa minamaliit kita officer, pero kinakailangan namin ng tulong mula sa mga taong matagal na sa larangan. And I doubt you barely even know how to find allies underground,"
Sinupil ko ang namumuong iritasyon. Harap-harapan ay nakikita ko namang hinahamak niya ang ranggo at kakayanan kong makipagsabayan sa kanila. Gayunpaman, nilunok ko ang aking ego. Kailangan kong makalahok sa paglilitis nila. Otherwise, all of those years meant nothing at all.
Wala akong nagawa kundi itiklop ang aking bibig kahit pa gustong-gusto ko na itong patulan.
"It's better this way," Buntong hininga at tanging iling ng ulo ang natanggap ko. "I'm really sorry Lily...but this isn't a battle you can take on. You are simply not ready for this," Huli niyang pahayag bago ako layasan.
While I was left dumbfounded.
****
Ang biyahe patungong estasyon ay naging tahimik. Kanina pa ako sinusulyap-sulyapan ni PO1 Germaine ngunit wala rin akong gana para paunlakan ang namumuong katanungan sa dulo ng kanyang dila.
"B-buti na lang noh...nabawasan na rin trabaho natin," Naiilang niyang banggit.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad niya ring tinikom ang bibig.
"A-ahh ang ibig ko sabihin ay mas pinadali nila trabaho natin," Tawa niya habang sinisilip-silip ako sa rearview mirror.
Bahagya akong umayos sa pag-lumbaba.
"—isipin mo yun...n-nakita rin nila yung pattern na nakita natin sa mga biktima ni Maradona,"
"Pattern?"
"Oo. Yung magkakamukha ang biktima nila. Ikaw na mismo ang nakapansin non dalawang taon na nakakalipas,"
I do remember. Ngayon ko lang rin natantong ang tagal ko na ngang hawak ang kasong ito. Magtatatlong taon na simula mawala ang tatlong biktima sa bawat bayang kinilatis ko. Dala ng memoryang iyon, hindi ko mapigilan magduda sa sariling kakayanan. Baka nga tama si Villanueva. Hindi nga ako nararapat para sa kasong ito. Biruin mo, sa loob ng tatlong taong iyon, ni isa sa mga biktima niya'y wala akong nasagip o natagpuan.
Habang-buhay nga rin talaga akong maghahabol na parang pusa. Kung hindi pa nga nakielam si Villanueva, baka nga maging cold case din ito.
Kailangan ko tanggapin ang pagkukulang, bagama't mahirap.
"Kaya ikaw mam, magiingat ka. Alam mo namang puro babae ang target ng ripper na iyon. Baka manyakis yung g*gong iyon,"
"Ako? Malabo. Hindi niya ako mahuhuli,"
Sa gilid ng aking mata, nakita ko siyang humalakhak. "Huwag mo ako biruin mam Lily. Ang mga mukhang tulad ng iyo ay ang natitipuhan niya. Kamukha mo pa naman yung mga biktima,"
Agad ko siyang nilingon. Nanguwestiyon ang mga mata ko sa kanyang sinabi.
"Ulitin mo yung sinabi mo,"
"Ang alin? Magingat ka?"
"Hindi. Yung huli mong sinabi,"
Saglit siyang napa-isip. "Ahh...yung kamukha mo yung mga biktima,"
I snapped my fingers. "Oo. Talaga bang kamukha ko sila?"
"Aba, syempre madam. Maganda ka gaya ng mga biktima niya,"
"No. Hindi iyon ang gusto ko marinig. Gusto kong malaman, kung talagang kamukhang-kamukha ko ang mga biktima niya?"
The chuckle that soon came from his mouth made me even more convinced. "Oo nga mam. Magkahawig na magkahawig kayo. Kaunti na lang ay isipin kong magkakapatid kayo,"
Kapatid...
Could it be possible?
"Sa tingin mo ba... pwedeng isa sa kanila ang maging kapatid ko?"
May katahimikang saglit na namayani. Maya-maya pa'y napunan ito ng halakhak. "Ginugulo mo ako sa totoo lang mam. Malay ko, pero siguro?"
I closed my eyes and massaged my temples. Dati pa man ay umaasa rin akong kapatid ko nga ang unang biktima ni Maradona. Pero nasundan ito ng nasundan ng iba't ibang babae na may kaparehang pangangatawan at anyo. Unti unti'y napapawi ang pagbabaka-sakali ko lalo na't wala naman silang nakaraan o anumang koneksyon sa Spider Flower Club. Pero maaaring magbago ang takbo ng paghahanap ko...
Lalo na't hindi pa naman natutuldukan ang paghahanap ng mga biktima ni Maradona.
"Germaine, hindi muna ako didiretso sa estasyon. Ihatid mo muna ako sa bahay. Kailangan kong magpahinga,"
"Ahh ganun ba. Malapit na sana tayo,"
"Pwede bang sundin mo na lang?" Bahagya akong natigilan nang mapagtantong medyo hindi kaaya-aya ang pagkakasabi ko kaya agad ko ring binawi. "—pasensya na pero masakit lang talaga ang ulo ko,"
"Naintindihan ko mam. Sige ililiko ko na lang,"
I immediately got off the police car as soon as we arrived at my place. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ay sinigawan ako ni Germaine mula sa bintana ng sasakyan. Nakitaan ko siya ng pagka-alarma pero maya-maya'y natunaw din ito at napalitan ng malambot na ekspresyon, yun bang puno ng pag-aalala.
"Seryoso ako mam Lily. Magiingat ka. Hindi biro ang kriminal na ito. Balita ko'y maghahasik ito ng kaguluhan oras na makuha niya ang kagustuhan. Wag ka masyadong magpaka-bayani. Unahin mo lagi ang sarili mo,"
Gusto ko sanang umapela, ngunit hinayaan ko na lang rin siya. Wala na akong ibang nagawa kundi ang ngumiti bago mag-paalam.
Nang makita ang pagretiro ng sasakyan mula sa aming kalye, walang pagaaksaya ko ring dinala ang sarili patungo sa loob ng aking maliit na apartment. Isa-isa kong kinalas ang kasuotan at pinagmasdan ang sarili sa salamin.
Nong una ay hindi ko naman masyado napapansin. Kahawig ko nga ang ibang biktima pero hindi tulad nila'y mas hamak na makinis at alagang-alaga ang kanilang mga hitsura. Taliwas sa akin na halos masunog sa ilalim ng araw, ang mga kamay ay pudpod naman sa samu't saring trabahong kinuha, at ang buhok ay parang dinaanan ng iilang bagyo. Pero kung tititigan, nakikita ko nga ang resemblance.
I never thought of this before. Kumalembang sa akin ang sinabi ni Germaine. Huwag kang magpakabayani.
But I'm sorry...I just can't ignore this chance.
Not when I see an opportunity. An open invitation.
Ngayong nakita ko na ang magiging daan ko palapit kay Maradona, at sa posibilidad na matagpuan ang nawawalang kapatid. Imposibleng pasadahan ko lang ang pagkakataong ito.
Kaunting ayos lang. Kaunting exposure lang. Hindi talaga imposibleng mapabilang ako.
Kinuha ko ang gunting at suklay. Dahan-dahan kong pinasadahan ang buhaghag na buhok na madalas ay nakatali at nakapasok sa aking sambalilo. Kinuha ko ang gunting at sinubukang gayahin ang gupit ng isa sa mga latest na biktima.
And when I looked at myself even closer. The odds became even bigger.
Mukhang kinakailangan kong ibalik ang dating kaugalian kung saan ako tunay na nanggaling.
I may not have connections underground, but I do know their ways. Ang batang tinapon sa Spider Flower club. How could I forget my roots?
Dahan-dahan ay tinanggal ko ang aking suot na salamin.
From now on, I'm no longer Policewoman Inspector Lily. I will no longer play investigator.