8

1162 Words
LE-ANNE Almost 2 weeks din akong nag training. Na yung dating akala ko ang cool na trabaho lang at chill lang talaga ay hindi pala. Na dati ay kapag nadinig kong checker, ay astig pa nga at angat sa iba. Subalit doon pala ako nagkamali... "Ano ito Le-Anne!?... You said, you already knew what to do? Pero ano itong ginawa mo!!" Bulyaw niya sa akin at halos mapasabunot si Tito Billy sa ulo niya ng i present ko sa kanya ang record book ko. Literal na natakot ako sa naging reaction niya, habang hawak hawak niya ang record book na ginawa ko, at nanlilisik ang matang nakamasid lang dito. Mapapansin din ang minsan minsan niyang pagtingin sa akin. Subalit ang mas nagpapa stress pa sa akin ay ang emosyon sa mga mata niya. Dahil hindi ito maganda. Isang facial expression na nakikita ko, kapag nakakagalitan niya ang mga ibang kasama ko. "So-sorry po talaga Tito... Akala ko kasi————" "Na ano? Alam mo, maraming namamatay sa maling akala Le-Anne. At ipapaalala ko lang sa iyo na hindi porket pamangkin ka ng Misis ko ay magiging special treatment ka na dito! FYI hindi ito playgound. Kaya naman huwag mo sanang isiping nandito ka lang para maglaro." Inis na sambit pa niya tsaka naman ibinalik sa akin ang record book, ng hindi sinasabi kung saan nga ba ako nagkamali. "Ayusin mo yan in one hour Le-Anne, or else ay hindi ka talaga magbe break.... Sinasabi ko sa iyo!!" sabi pa niya tsaka naman siya mabilis na tumalikod sa akin. Halos maiyak ako at manliit. To think na ngayon ay palihim na nakamasid sa akin ang mga kasama ko habang nagbubulungan pa nga ang iba. "S-sige po Tito, kaya lang ay...." Mabilis naman siyang napahinto at saglit na humarap sa akin. Subalit nakikita ko pa din sa gwapo niyang mukha ang pagkadismaya at galit sa akin. "May sinasabi kaba Le-Anne?" Tanong niya. "Ahh ehh Tito, baka po kasi pwede mong sabihin sa akin kung saan ako nagkamali para naman madali ko siyang mai correct. Sa dami kasi ng inilista ko diyan ay paano ko ba siya hahanapin kasi..." pangangatwiran ko pa. He sighed deeply, at matiim na tumitig sa akin. "You should be the one who knows kung ano ba ang mali diyan at yung tama. Pero sa tingin ko kasi ay mali lahat kaya naman ano paba ang sasabihin ko diba?" Sabi pa niya tsaka naman mabilis siyang tumalikod sa akin at tuluyan ng umalis. Habang ako ay halos mapako sa kinatatayuan ko at hindi na din napigilan pang mapaiyak. Lalo pa nga at sa tingin ko ay lihim na akong pinagtatawanan ng mga tao sa paligid ko. Dahil aminin ko man at sa hindi ay hindi naman talaga maganda ang pakikitungo nila sa akin, lalo pa nga at ako ang pinakabago dito. At sa katotohanan ding ako lang ang nag-iisang tagalog dito maliban kay Tito Billy. Dahil nga puro ilokano ang kasama ko. Kaya naman masama man ang loob ko ay muli naman akong nagbalik sa warehouse at tila wala ng lakas na napaupo sa harapan ng maliit na table na nakalaan para sa akin. At dito ay literal na humagulgol ako. "Nanay ayoko na dito... Nay nami miss na po kita... Patawad sa mga kasalanan ko... Hindi ko naman na siya uulitin eh, basta Nay payagan mo na sana akong maka-uwi sa atin." Mga litanya ko pa, na para bang nasa harap ko lang talaga si Nanay. Dahil dito ay nakakaramdam ako ng bahagyang kapanatagan. Na yung pagka homesick ko para kay Nanay at Ate ay nababawasan kahit papaano kapag ginagawa ko ito. "Sus... Wag kanang umiyak diyan Le-Anne. Ganon lang talaga si Sir noh." Isang boses ng pamilyar na lalake ang sandaling pumukaw ng attention ko. Siya si Jerome, isa sa mga warehouseman dito sa supermarket nila Tita. Na ayon na din sa sabi nila ay isa na siya sa pinakamatagal dito. Na gaya din nila ay isa ding ilokano. "Iihhh nasasabi mo lang yan, kasi hindi naman ikaw yung nakakagalitan noh." Irap ko pa sa kanya tsaka naman muling yumuko at umiyak. Napailing naman siya at bahagya pa ngang napabugtong hininga. "Ano ka? Yon lang ang akala mo... Lahat kaya tayo dito ay nasasabon ni Sir araw-araw. Kaya naman wag mo masyado dibdibin yon noh." Sabi pa niya habang patuloy lang siyang nakatayo at nakamasid sa akin. Infairness ay cute naman si Kuya, dagdag pa na lahat yata ng kasama ko dito ay siya lang talaga ang literal na may pakialam sa akin. "If I were you, balikan mo nalang isa isa yung record mo tapos ay i category mo yung mga items. For example sa mga de lata. Pagsama-sama mo sila ayon sa brand, at ayon din kung ano ba yung specific na laman syempre. Let say corned beef ... Naka categorized siya dapat ayon sa grams ganon." Bahagya naman akong napatango at napahawak pa nga sa aking mukha ng muli kong i-review ang listahan ko. At masasabi kong napakagulo nga nito. Na malayong malayo sa sinasabi niya ngayon. "Hayy, ok sige Kuys salamat. Kaya naman i expect ko ng hindi na ako talaga magla lunch dahil sa dami ng uulitin ko. Tapos ang sabi pa ni Tito Billy, dapat daw ang one hour ko lang ito gagawin." Naiiyak na sabi ko pa. Natawa naman siya at, "Yan ang huwag mong gagawin. Dahil the more na gutom ka, at mas hindi ka makakapag concentrate diyan sa ginagawa mo okay. Tsaka huwag kang mainiwala doon sa isang oras noh. Ano ka si wonder woman na may special power para ma- revise mo yan ng isang oras?" Napapailing pang sambit niya. I sighed at bahagyang tumingin sa kanya. "Bahala na nga. Basta iwan mo na muna ako kaya, para naman makapag focus na ako. And thank you pala sa tip mo. Sobrang nakatulong naman siya sa akin." Sabi ko pa. Bahagya naman siyang ngumiti sa akin. "Basta kapag ay kailangan ka, tawagin mo lang ako..." Hindi naman na ako kumibo pa at bagkus nga ay hinarap ko ang record book ko. Habang halos mapaiyak na naman tuwing makikita ko kung gaano na nga ba kahaba ang mga naisulat kong mali mali naman pala. *** Halos inubos ko ang buong maghapon ko sa loob ng warehouse. Na ni halos hindi ko na nga nakuha pang mag lunch para masigurado lang na maiayos ko lahat ng record ko. Dahil nga siguradong sigurado na mamaya na nandito na naman ang dragon kong Tito upang magmasungit na naman sa akin. Na hindi naman ako nagkamali dahil... "Siguro naman ay medyo maayos na record mo this time Le-Anne? Dahil mag o ot ka talaga kapag hindi mo pa ito naayos sa haba ng time na ibinigay ko sa iyo." Isang mababang tinig ang sandaling nagpatigil sa ginagawa ko. At bahagya pa ngang kabahan, nang sa pag-angat ng mukha ko ay nakita ko siyang nakatayo sa harap ng table ko. Si Tito Billy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD