Literal na kinabahan ako... Na halos manlamig ang mga palad ko, kasabay pagbubutil-butil ng mga pawis sa aking noo.
"Huh?" Wala sa loob na naibulalas ko. Habang halos hindi naman ako makatingin sa kanya.
"I said, naayos mo ba yung report mo?!.. Are you with me?" Halata ang agad na pagkairita mula sa mukha nito, na lalo lang yatang nagpakaba sa akin.
"Ahh ehh yes po Ti-Tito... Actually ay okay na po siya Tito... Gusto mo po bang makita?" Tila wala sa sariling tanong at sagot na din sa kanya.
Huminga naman siya ng malalim, subalit walang mababakas na kahit anong emosyon sa kanyang mukha.
"Sige tingnan ko."
Wala na akong nagawa pa ng siya na mismo ng kumuha ng records ko. At halos maging estatwa ako, habang isa-isa niya itong binubuklat at chini-check.
Nagtagal siya sa ganito, na halos punong puno ng tensyon ang buong paligid ko habang tahimik lang siya at nakamasid sa records ko.
"Eto na Le-Anne."
Sabi pa niya matapos niya nga itong ituping muli at walang emosyong ibinalik sa akin ang record book.
"O-ok napo na po ba yung mga ginawa kong revisions Tito?" Kinakabahang tanong ko pa sa kanya.
He sighed at tsaka naman sinulyapan ako at tuluyan ng tumalikod ng walang sinasabi na kahit ano.
Na tila ba iniwan akong naka hang, at hindi maintindihan kung matutuwa na ba ako o ano.
Kaya naman sa tuluyan niyang paglayo mula sa lugar ko at napasandal ako sa upuan ko. Kasabay din naman ng paghinga ng malalim dahil sa pakiramdam ko ay ngayon lang talaga ako nakahingang muli ng normal.
Bagamat sa isip ko ay wala pa din akong idea kung dapat na nga ba matuwa o ano?
***
Tapos nga ay ayon, after that incident ay hindi na niya ako pinansin pa.
Na si Ms. Myra na nga ang madalas pumupunta sa pwesto ko upang makipag coordinate naman sa mga na check ko.
Siya kasi ang tumatayong Admin na din sa supermarket. Na kung tutuusin ay Madam na namin dito.
Siya din kasi ang nag-aayos ng payroll namin at maging kapag may internal problem ay siya na din ang nagto troubleshoot nito.
At pumapasok na lang si Tito Billy sa eksena, kapag naman masyado ng maselan ang mga decision making na kailangang gawin.
Mga bagay na gusto ko naman talaga na siya nalang ang nakakausap ko. Dahil sa totoo lang kasi ay naiilang naman talaga ako kay Tito Billy. Na kung hindi lang siguro palaging sinasabi sa akin ni Tita Lorraine na mabait naman talaga si Tito, bagamat strict lang ay iisipin ko talagang masama ang ugali niya...
"That's good Miss Le Anne. Ang bilis ng progress mo ah. Sino mag-aakalang baguhan ka lang dito, pero halos gamay na gamay mo ang position mo." Complement pa sa akin no Ms. Myra, matapos ngang ibalik niya sa akin ang summary report ko.
"Hindi naman po Mam, sadya lang pinagbubuti kong maigi ang trabaho dahil ayoko din namang mapahiya si Tita sa pagre recommend sa aking mapasok dito." Tanging naisagot ko nalang habang nanatili naman akong matamis na nakangiti sa kanya.
"Good... At sa tingin ko ay hindi nga nagkamali si Ma'am Lorraine na ikaw na ilagay niya sa position na ito. Kaya naman keep it up Le Anne." Sabi pa niya.
"Salamat pala Ma'am. Alam mo bang sobrang nakakataba ng puso ang mga papuri niyo. Kaya naman pakiramdam ko tuloy ay lalo ko pang pagbubutihan sa susunod." Tugon ko.
Malapad naman siyang napangiti sa sinabi ko. At bahagya pa nga niya akong tinapik tapik sa aking balikat.
"Mabuti naman kung ganon diba? Dahil still ang company pa din naman ang magbe benefit kapag magagaling ang empleyado nito, tama ba?"
Timid naman akong ngumiti sa kanya ang tumango.
"And siya nga pala Le Anne. Mag-iingat ka sa mga kasama mo dito... Lalo pa nga ang halos puro lalake sila dito. Napakaganda mo pa namang bata. Kaya naman bilin nga sa akin ni Tita ay lagi din kitang babantayan. Dahil nga alam mo naman ang kahinaan ng mga lalake diba?... Ang maganda at batang batang kagaya mo Le Anne."
Sabi pa niya bago naman siya tuluyang nagpaalam sa akin. Isang bagay ma marahil nga ay totoo naman dahil habang nagtatagal ako dito ay tila parami din ng parami ang nagpapahiwatig ng interest nila para sa akin.
Mga bagay na ipinagkikibit balikat ko nalang talaga.
Subalit, minsan isang araw habang busy ako sa mga ginagawa ko, ay may isang sorpresa ang hindi ko talaga akalaing gugulat sa akin.
Nangyari ito habang papabalik na sana ako sa table matapos ko nga mag check ng mga bagong deliver na grocery items mula sa isang supplier namin.
Abala ako habang naglalakad at iniisa-isa din naman ang mga nai record ko para sa final review sana. Nang biglang matigilan ako at tila naging estatwa mula sa kinakatayuan ko.
Yung halos limang hakbang nalang yata ay nasa table ko na sana ako. Subalit hindi na talaga ako natinag pa, at halos mamigat din ang mga paa upang ihakbang pa ito.
"Oh bakit natigilan ka Le Anne?! Hindi naman ako multo para magkaganyan ka siguro." Napapailing pang sambit nito, habang patuloy na nakamasid sa akin at bahagya ding nakangiti.
Yung ngiting ngayon ko lang yata nakita sa kanya.
Yung ngiting hindi ko talaga alam kung ano nga ba ang ibig sabihin. Basta kinakabahan ako sa bagong siya na ipinapakita niya sa akin.
"Ahh eeh hindi naman Tito, nagulat lang kasi ako..."
"Dahil ba hindi mo ini expect na pupunta ako dito para dalhan ka ng lunch?"
"Ehhh hindi naman po sa ganon Tito... Pero nakakagulat nga yata talaga, diba?" Wala sa loob pang nasabi ko.
Na agad ko din ngang sinaway ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay nagiging rude yata ako.
Natawa naman siya sa sinabi ko at nag cross pa nga siya ng legs, bago naman muling humarap sa akin.
"Ang totoo niyan ay napapansin kong nagpapalipas ka na ng gutom dahil sa sobrang pagka dedicated mo sa trabaho mo Le Anne. Alalahanin mong may isang oras kang break, dito." Sabi pa niya na tila relaxed lang nakaupo.
Habang ako naman ay hindi talaga ma relax sa nasasaksihan ko.
Hindi kasi ako sanay na gumaganito siya. Or better say, na ano nga ba ang pakialam ng isang kagaya niya para sa akin?
"Oh ano tatayo ka nalang ba diyan at hindi ako sasamahang kumain dito? Sayang pa naman itong in order para sa atin."
"Huh?! As in para sa atin yan? You mean to say na tayo ang kakain niyan?"
Gulat na gulat na sabi ko pa sa kanya na tinugon lang naman niya ng ngiti.