10

1028 Words
"Yes lahat ng yan Le Anne... After all, deserved mo naman yan dahil sa ipinapakita mong kasipagan." Kampanteng sagot niya. Na wala nga yata sa kanya, kung tatanggi ba ako o hindi? Dahil nakalimutan na kaya niyang naging rude siya sa akin? At ngayon ay eto siya na parang wala lang? Yung feeling closed na para bang tropa kami? "Huh? As in deserved talaga? Eh ano ba ginawa ko Tito? Diba ito naman talaga ang dapat kong ginagawa bilang empleyado dito sa company mo?" sabi ko pa at patuloy lang na nakatayo na malayo sa kanya. May pagkakataon pa ngang napapatingin ako sa paligid, dahil ayoko talagang may makakita sa aming gumaganito siya. At ano nalang ang iisipin nila? Ayoko ko pa naman ng ganito? Dahil paano nalang kung lalo akong makainisan ng mga kasama ko dahil sa mga ginagawa niya. Natawa naman siya sa akin. I don't know kung dahil ba sa gesture ko, o parang ewan lang siya talaga. "May nakakatawa po ba sa sinabi ko Tito?" Sabi ko pa, habang pinipigilan ang sariling mapairap sa kanya. Still ay amo ko siya. At ayoko din naman syempreng ma badshot kay Tita, once na magsumbong siya dito. "Hmm, hindi naman.. Alam mo bang ang cute mo kapag gumaganyan ka.. Huh Le Anne." Sabi pa niya. Hindi naman ako kumibo at huminga lang ng malalim. Nagbugtong hininga naman siya at pagkatapos nga ay muli akong hinarap. "Ganito na lang, kung hindi ka komportable ay sa office ko nalang ako kakain. But, mag promise kang kakain kang mabuti, dahil lagot ako Tita Lorraine mo, kapag nalaman niyang pinapabayaan ko ang pamangkin niya dito, diba?" Sabi pa niya. Nakaramdam naman ako ng ginhawa sa sinabi. At ganon nga ang ginawa niya. Kinuha niya ang plate niya at tsaka binitbit papunta sa office niya na hindi naman kalayuan din sa place ko. Subalit sobrang dami pa din ng naiwan niya, at kahit anong isip ko ay hindi ko naman talaga ito kayang ubusin, mag-isa. Napailing nalang ako. At tsaka lumapit sa mesa at bahagya pa nga nag stretch ng katawan bago naman naghandang kumain na. Sa totoo lang ay sweet pa din naman siya, infairness... Isa pa sakto na din naman ito sa gutom ko. Isa pa ang nami miss ko talaga ang ganitong pagkain. Subalit dahil din naman dito ay may isang tao akong naalala. Dahil sa isang bucket din ng fried chicken, nagsimula ang lahat. Tama, si Kuya Dino. Si Kuya Dino na aminin ko man at sa hindi ay minahal ko naman talaga, sa kabila ng katotohanang katawan ko lang naman ang habol niya. Na sinamantala lang naman niya ang kahinaan at sobra sobrang pagka crush ko sa kanya, upang mabiktima niya ako. Huminga ako ng malalim at napailing, tsaka naman marahan ko ding kinuha ang disposable na spoon and fork, at nagsimula na ngang kumain. "Wow... Ang sarap naman ng pagkain mo Le Anne. Mapapa sana all ka nalang." Sandali naman akong natigilan mula sa boses ng isang lalake, na medyo familiar naman sa akin, at bahagya pa ngang napalingon sa kanya. "Huh? Paano namang naging masarap eh pritong manok lang naman ito noh. Kung naging steak pa ito siguro." Napapailing pang sagot ko. "Kahit pritong manok yan eh masarap pa din. Alam mo bang minsan sa isang buwang lang kami nakakain niyan kaya, dahil may kamahalan din kasi." Tugon pa ni Jerome. "Ayy ganon? Kung gusto mo kuya share nalang kita dito. Tutal ang dami-dami niya eh. Hindi ko naman siya kayang ubusin sa totoo lang." Sabi ko pa, tsaka naman ako kumuha ng isang breast part ng chicken at iniabot sa kanya. Nagulat naman si Jerome sa mabilis kong naging tugon sa sinasabi niya "Huh? Hindi na Le Anne, may baon naman ako. Tsaka baka mamaya ay makita pa ako ni Sir ay magalit pa yon." Sabi pa niya. Natawa naman ako at napailing. "At bakit naman siya magagalit ay shareable naman ang pagkain para sa lahat kaya noh." Sabi ko pa habang hawak pa din ang isang part ng manok na tanging tissue lang ang nakasapin dito. Bantulot naman si Jerome at napapahawak pa nga sa batok niya habang umiiling. "Dali na Kuya... Hayy nakakangawit kaya." Reklamo ko pa sa kanya. Kaya naman wala na din siyang nagawa pa kundi ang abutin ito mula sa akin. "Kung mapilit ka eh, kukunin ko talaga ito." Sabi pa niya. "Oo naman Kuya, teka eto pala yung isang gravy. Dalawa naman yan eh kaya sa iyo na yong isa." Bantulot man ay kinuha na din naman niya sa akin ang gravy na iniabot. "Salamat pala dito Le Anne. Mukhang mapapadami ang kain ko neto " sabi pa niya. "Sure Kuya, sige kain ka lang." Napailing nalang ako ng makaalis siya, at tsaka naman muling hinarap ang pagkain ko. *** Yung sumunod na mga oras ang tila naging normal lang naman sa akin. May pagkakataon pa ngang tumatawag sa akin si Tita, upnag kumustuhin ako. At kasama ito sa normal na buhay ko araw-araw. Dahil simula nga ng umalis ako sa amin, ay tila pansamantala din naman akong nawalan ng connection kay Nanay at kay Ate Clarisse. Pero syempre ay hindi naman ako pinanghihinaan ng loob na darating din naman talaga ang time na muli ay magkikita-kita kami. At muli nga ay, makakauwi ako sa amin... Nasa ganito akong kaisipan ng biglang may lalakeng nagsalita sa likuran ko. "Tapos kana ba sa mga report mo?" "Ayy kalabaw!!..." Nagulat pang sambit ko dahil sa bigla nga niyang pagsasalita mula naman sa pagde daydream ko. Natawa naman siya dahil dito, halos hindi nga siya agad na nakahupa mula rito. Habang ako naman ay halos pamulahan ng mukha sa sobrang hiya. Bakit nga ba kasi yon ang sinabi ko? "So-Sorry po pala Tito, ikaw po kasi eh. Bigla bigla ka nalang sumusulpot kasi." Sabi ko pa. Mabilis naman siyang sumiryoso at, "Tama na muna yang ginagawa mo Le-Anne. Dumidilim na sa labas, pack your things at sumabay kana sa akin pag-uwi." "Huh?? Pero..." "Wala ng pero, order ko yan bilang Boss mo ok." Sabi pa niya tsaka naman tuluyan ng tumalikod mula sa akin. Habang ako naman ay naiwan niyang nakatulala...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD