3

1107 Words
DINO "Hoy ikaw Dino Sebastian! Pwede ka ng lumabas diyan, Laya kana!!" Sigaw pa ni Warden, habang mag-isa lang akong nakaupo sa gilid at nakakuyom lang ang mga palad. "Oy ikaw na bago tawag ka ni Warden! Bingi kaba?" Asik pa nga sa akin ng isa sa kasama ko matapos akong tapikin sa balikat. Hindi naman ako kumibo at mabilis na tumayo at tinungo ang kinaroroonan ni Warden, at masayang sinalubong ito. "Laya ka na Dino!" "Salamat po Boss Chief." Malapad ang ngiting sabi ko. Dahil sa wakas ay nagbunga na ang pakikiusap ni Mama kay Papa... "Pasalamat ka at hindi na itinuloy ng complainant ang demanda laban sa iyo. Ayoko ng makikita ka ulit dito!" sabi pa niya sa tsaka naman iniabot sa akin ang release paper ko. At tama, matapos ang anim buwan ding paghihimas ng rehas ay muli nga akong nakalaya, dahil na din sa pag uurong ng demanda ni Papa. Kapalit ng isang pangako... "Nakasaad dito sa settlement agreement na hindi mo na din maaari pang guluhin pa o puntahan kaya ang dati mong Asawang si Clarisse. At hahayaan mo na ang din ang dati mong Asawa na makapamuhay sa paraang gusto niya sa piling na din ng mga Anak mo. Maliwanag ba ha Dino?" May otoridad na sabi pa sa aking lawyer, habang pinapabasa pa ang isang kasunduang hindi naman ako interesado. "Naiintindihan ko po Attorney." Sagot ko naman sa Abogado, para matapos na lang. "Magaling Mr. Dino Sebastian. Dahil kung sisira ka sa isa sa mga ito ay maari uling maghabla ang iyong Ama, at sa bagay na yon at hindi na kita matutulungan pa. Mas mabuti na ang malinaw diba. Kung gayon ay pumirma kana at pwede kana ding maauwi sa Batangas. At syempre, bilang Lawyer mo ay ako na mismo ang maghahatid sa iyo doon." Sabi pa nito sa akin. Napakuyom nalang ang palad ko. Hindi na din kumibo pa bagamat tumango nalang tanda ng pagsang-ayon. *** At gaya nga ng sinabi niya ay inihatid niya ako mismo sa paresan ko sa Batangas. Wala na ng cheche boretse pa. At sa pagdating nga namin sa mismong lugar ko ay wala namang sabi sabi na bumaba na ako sa sasakyan niya. "Once again ay pinapaalalahanan kita sa pagtupad mo sa kasunduan Dino. Dahil ayokong ayokong maririnig muli na naging naging pasaway ka na naman, dahil ako na talaga ang makakalaban mo, sinasabi ko sa iyo! Dahil umaasa akong ito na ang huli nating pagkikita!!" May halong bantang sabi pa niya bago naman tuluyang isinara ang pintuan ng black Montero niya. Hindi naman ako kumibo at isinukbit ang may kalakihan kong bag sa aking balikat at nagsimula na ngang lumakad palayo sa sasakyan niya. At mapabuga nalang ng hangin ng tuluyan na ngang humarurot ang sasakyan ni Attorney palayo sa akin. Bago naman ako muling humakbang patungo sa paresan ko. Sarado ito, at ang tila napakasayang at napaka-ingay na lugar dati dahil sa dami ng tao, ay tila isang abandonado ng establishment ngayon. Napabugtong hininga ako... Aaminin kong may konting saya ding namang dulot para sa akin isang kalayaan, mula naman sa mala impyernong kinasadlakan ko dahil sa pagloloko ng asawa ko at ni Papa. Muli naman akong huminga ng malalim. At literal na magulat pa nga ng madatnan ko si Mama. Masaya ang kanyang mukha, bagamat puno ng luha ang kanyang mga pisngi. "Masaya akong nakauwi ka dito ng ligtas Anak." Sabi pa niya habang akmang yayakapin pa mga niya ako. Hindi naman ako kumibo at bagkus ay hinawi ang ang kanyang braso at dumiretso sa isang mesa at pabagsak na ibinaba dito ang dala kong bag, tsaka naman ako pabagsak ding naupo sa isang monoblock. At sadyang ihilig ang aking pagod na pagod na katawan sa sandalan nito, habang bahagyang napapatingala pa. Mabilis namang kumilos si Mama at naupo pa nga sa tabi ko sa kabila ng malamig na pakikitungo ko sa kanya. "Kumusta ka naman Anak? Hindi kaba nahirapan doon huh? Alam mo bang hindi ako makatulog sa tuwing maiisip ko ang kalagayan mo don." Muli ay naiiyak na sabi pa ni Mama. Tiningnan ko naman siya ng masama at, "Bakit nandito ka Mama?!" Tanging naging tugon ko sa kanya. Malamig.. Walang emosyon... Ahhh meron pala galit para sa kanya at kay Papa! "Nabalitaan ko kasing ngayon ang uwi mo dito, kaya naman mabilis akong pumunta dito para nga salubungin ka." Pangangatwiran pa niya. Ngumisi ako ng wagas, subalit piniling hindi pa din siya tingnan. "Wow talaga ba Mama? Sobrang na touch ako! Pwede ka ng umuwi. Nasalubong mo na ako diba?" Asik ko pa sa kanya tsaka naman muling tumayo at tinungo ang office table ko mula sa gilid lamg ng kainan at kumuha ng isang kaha ng sigarilyo. Sabik na binuksan ito at agad na kumuha ng isang stick at tila isang hayok na sinindihan ito. Tsaka naman hinithit ito ng todo habang sa maginhawahan ako ng maramdaman ko ang paghagod nito sa lalamunan ko. Napakasarap. Dahil aaminin ko na din na sobrang nanabik ako sa usok ng sigarilyo. Kaya naman sinulit ko talaga ang bawat paghipak nito. "Pag-usapan natin ito Anak. Napatawad ka ng Papa mo. Kaya naman diba dapat ay maging masaya na tayo huh?" Patuloy pa ni Mama, na tila nagsusumamo sa akin. Muli naman akong humipak ng sigarilyo at ibinuga ito ng buong laya. "Pwes ako ay hindi Mama! Dahil hindi ko siya mapapatawad sa pang-aahas niya sa akin at sa iyo din. Kaya huwag kang tanga Mama." Sabi ko pa. Napailing naman si Mama at, "Lahat tayo ay nagkasala Anak, wala namang nagmamalinis dito. At lahat din naman tayo ay nagkamali, subalit hindi naman ito dahilan upang hindi na tayo magpatawad pa." Patuloy pa ni Mama. Muli naman akong ngumisi sa kanya at, "Talaga ba Mama? At ikaw naman si tanga na naniwala agad sa drama ni Papa? Baka naman nakakalimutan mong may kasulatan lang tayo kaya naman sa ayaw at sa gusto ni Papa ay hinayaan niya si Clarisse? Kaya wag kang tanga Mama kung naniniwala ka sa sinasabi ni Papa na nagbago na siya, na ikaw na talaga ang mahal niya, ay isang kagaguhan lang! Dahil ang lahat ng sinasabi niya ay malaking kasinungalingan lang!" Hindi naman kumibo pa si Mama at patuloy lang na umiyak. Isang kasunduan na pinirmahan ko at ni Papa. Isang kasunduan kung saan ay kusa niyang lalayuan si Clarisse at makikisama siya kay Mama. Kapalit ng hindi ko na paggambala pa kay Clarisse at maging sa kapatid niyang si Le-Anne. Isang kasunduan na pabor pa din naman kay Papa at maging sa kabit niyang si Clarisse. Tama, ang malandi kong Misis na si Clarisse...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD