Ganon lang kasimple.
After nga naming mag shake hands ay umiwas na siya ng tingin sa akin at hinarap na niyang muli si Tita, na para bang wala lang ako sa kanya. At siguro ay ginawa lang niyang kausapin ako noong una ay dahil lang din naman kay Tita.
At gaya siguro ng normal na pangyayari sa kanilang buhay ay nag-usap na silang mag-asawa, tungkol naman sa negosyo nila.
Na para bang saglit akong na out of place at ibinaling nalang ang atensiyon sa ganda ng bahay nila. Mula sa napakagandang ceiling nito na may mga details pa sa bawat gilid. Hanggang sa napakagandang wallpaper ng wall nila na lalong nagpamukhang elegant ng kabuuan ng interior nila. At syempre hindi din naman nakalagpas sa akin ang mga mamahalin nilang furnitures at maging ang paintings na nakasabit sa center ng wall nila, habang may malaking image ng canvas ng family picture nila.
Totoo pala ang sinasabi ng classmates ko, na kapag bahay ng mayayaman ay walang tv sa sala kundi isang malaking portrait lang makikita mo, maliban sa magandang pagkaka arranged ng mga sala set nila or sabihin na nating couch na kulay light beige lahat.
At aaminin kong medyo kinilig ako dito, at syempre hindi pa din naman makapaniwala na titira ako sa ganito kagandang bahay diba?
Na kung hindi lang nakakahiya kay Tito ay inilabas ko na siguro ang phone ko at nag selfie na ako para naman may maipagmalaki na ako sa i********: ko.
Pero syempre ay pinigilan ko nalang ang sarili ko. Since madami pa naman akong oras para dito...
"Le-Anne!!! Kinausap ka ng Tito mo. Bakit hindi ka sumasagot? Haist, maryosep kang bata ka!"
"Huh Tita?"
At tama, masyado yata akong nalibang sa mga isipin ko at hindi ko na namalayan pa na nasa akin na pala ulit ang atensiyon nilang dalawa.
And worse pa, ay may tinatanong na pala sa akin si Tito Billy, subalit hindi ko talaga ito napansin. Dahil siguro mga ay masyado akong nalibang. O dahil ba mahina ang boses niya?
"No worries Le-Anne. Later nalang natin pag-usapan. Maybe ay masyado kang napagod sa mahaba mong byahe, right? Kaya naman parang wala ka pa sa sarili mo..." mariin namang sagot ni Tito Billy sa akin.
"Ay sorry po, siguro nga po ay napagod lamang ako. Pero ano nga ulit yung sinasabi mo pala Tito?"
Napansin ko naman ang bahagyang pagka-irita niya sa tanong ko at,
"Di bale na Le-Anne. Pero sa susunod ay dapat attentive ka, lalo naman sa mga instructions ko kapag nasa office na! Dahil ayoko sa lahat ay inuulit ulit ko pa ang mga sinasabi ko, ok." Malamig namang tugon niya tsaka naman mabilis na tumalikod sa akin.
Aaminin kong nakaramdam ako ng bahagyang takot sa naging reaction niya. Lalo pa nga at hindi naman na siya lumingon pa kahit sumagot naman ako sa mga sinabi niya.
Hanggang sa maramdaman ko nalang ang bahagyang pag-akbay sa akin ni Tita Lorraine.
"Oaahh sorry Hija, kung medyo naging off agad ang pagkikita niyo ni Tito Billy mo. Pero mabait naman yon, huwag mo ng isipan pa..." Agad namang bulong sa akin Tita.
Dahil siguro nga ay napansin niya ang biglang pag wo worry ko sa naging response sa akin ni Tito Billy. Dahil sa umpisa pa lang ay labas na ang ugali nito sa akin.
Yun bang medyo strict na ewan. Yung bossing na bossing talaga.
"Ok lang po Tita, since kasalanan ko din naman eh. Hindi ako nakikinig kasi." Tanging naisagot ko nalang kay Tita, na bahagya naman niyang tinawanan.
"Basta warning ko lang sa iyo Hija. Masyadong strict si Billy when it comes sa negosyo. Dahil masyado siyang hands on dito. Kaya ikaw na ang bahalang umintindi kung minsan ay masisigawan ka niya o kaya naman ay mapapagsabihan. Pero syempre ay para din naman ito sa iyo. And also, at dapat nakatutok lang ang buong atensiyon mo sa kanya kapag may may ini instruct siya sa iyo. Dahil ang asawa kong yan ay never na never talagang inuulit ang mga sinasabi. Kaya naman iwasan mong itanong sa kanya ang mga bagay na nasabi na niya dahil tinitiyak kong hindi niya ito magugustuhan, maliwanag ba Hija?" Malumanay namang pagpapaliwanag sa akin ni Tita.
Bagaman at medyo kinabahan talaga ako sa sinabi niya ay may magagawa pa nga ba ako?
Lalo pa at ngayon ay nakikitira na ako sa kanila?
"All noted po yan Tita. At ipinapangako ko din gagalingan ko po para naman hindi na maulit pa yong kanina." Positibong sabi ko pa.
Bahagya naman siyang ngumiti sa sinabi ko at ginulo pa nga niya ang aking buhok.
"Alam mo bang napakaganda mong bata Le-Anne. Na kung mas titignan ay maganda ka pa sa Ate Clarisse mo. Pero, keep in mind din na walang bisa yang charm at innocent look mo sa Tito mo. Dahil masyado yong focus sa negosyo namin, kaya naman kung nasanay ka sa school niyo na nakukuha mo ang lahat sa simpleng pa cute mo lang. Well, sinasabi ko din sa iyo naman na ibang iba na dito ok." Muli namang sabi ni Tita sa akin.
Tama naman siya. Sa school ay apple of the eye ako para sa mga boy classmates ko. At tama din si Tita na lahat ng pabor na gusto ko ay tila kay dali lang sa tuwing maglalambing ako sa kanila.
Subalit tama din si Tita na ibang-iba na ang mundo ko ngayon. Na malayong malayo na sa dating isang estudyante na walang pakialam sa buhay. Na basta makapasok lang at makagawa ng homeworks, thesis at defense ay okay na.
Dahil ngayon ay nasa totoong buhay na ako.
At gustuhin ko mang balikan pa yung dati ay matatagalan pa siguro...
"Bweno Hija, sasamahan pala muna kita sa magiging kwarto mo sa itaas. Para din naman malinis at maayos mo na din dahil matagal-tagal din kasing nabakante ang room na iyon dahil nga guest room lang siya." masigla namang sabi sa akin ni Tita, bago naman tuluyang tumayo at lumakad nga patungo sa hagdanan.
Na mabilis naman akong napasunod sa kanya.
"Sige po Tita, lilinisin ko po siyang mabuti, para din naman hindi nakakahiya kapag punapasok ka don." Sabi ko pa.
Tinugon naman niya ako ng isang matamis na ngiti at,
"Matapos mong maiayos ay maaari ka na ding magpahinga muna Le-Anne, dahil alam ko namang napagod ka din mula sa mahabang byahe. At ipapatawag na lamang kita mamaya kapag kakain na." Patuloy pa niya habang sabay na kaming umaakyak sa marangya nilang staircase.
"Sige po Tita." Magalang namang tugon ko.
At sandali pa nga akong matigilan makasalubong sa mismong hagdan si Tito Billy.
At saglit din namang kabahan at agad na mataranta. Bagay na nahalata naman ni Tita at pinisil lang ang palad ko.
"Hello po Tito.." masiglang bati ko pa nga sa kanya.
Subalit hindi naman siya umimik at bagkus ay sinulayapan lang ako at mabilis ding binawi ito bago naman tuloy tuloy ng bumaba ng hagdan.
Muli ay nakaramdam ako ng takot para sa kanya.
Na ang lahat ng iniisip ko kaninang madali ko lang sigurong makukuha ang loob niya ay tila isang panaginip lang yata, dahil sa nakita kong sobrang cold na treatment niya sa akin...