5

1028 Words
STEVEN At ngayon nga ay malinaw na sa akin ang lahat, matapos magtapat ng aking Asawa tungkol sa inakala kong pagloloko niya. Na sa kabila pala ng lahat ay nanatili siyang matapat sa akin. Na ako pala itong tunay na nagtaksil at talaga sa manugang na babae ko pa mismo. Ang napaka gandang si Clarisse na dati ay inisip ko lang isang pangarap na hindi ko malalasap. Subalit nagkamali ako, dahil sa isang pagtatapat ko lang sa kanya ay agad ko siyang nakuha. Marahil ay swerte lang dahil sa sira-ulo kong Anak na si Dino. At dito ay masasabi kong bagamat nagkasala kami ay titiyakin kong wala akong pinagsisihan kahit kaunti. Dahil mas nananatili sa akin ang masasarap at masasayang sandali na marahil ay hindi kayang tapatan ng kahit anong halaga. Ang sandaling kapiling ko ang aking magandang manugang. Subalit ang lahat ng ito ay mga magagandang alaala nalang. Mga alaalang marahil ay kasama ko na lang habang ako ay nabubuhay. Dahil muli at magsisimula kami ng aking asawang si Sophia. Dahil gusto kong bumawi sa naging katapatan niya sa akin sa kabila ng lahat. Mahirap oo, pero basta nandiyan siya ay kakayanin namin ito ng magkasama. Sa katunayan ay muling bumalik ang init ng aming mga gabi. Na walang pagkakataong hindi kami nagtatalik basta lang din naman may pagkakataon kami. Hot pa din naman si Sophia, she have an awesome body sa kabila ng edad niyang 45 na, at masasabi kong nakatulong din naman sa kanya ang hilig niya sa pagsu-zumba kaya naman na maintain niya ang maganda niyang katawan at hubog nito. Na bagamat hindi naman na kaliitan ang kanyang baywang ay sobrang bumawi naman ito sa kanyang hips and thighs. Na marahil ay kaya naman madami pa din ang nagkakagusto sa kanya sa kabila ng kanyang edad. Subalit napaka impokrito ko naman kung sasabihin ko ding nakalimutan ko na si Clarisse. Well, marahil ay mas pinili ko nalang ang tahimik na buhay kasama ang aking asawa. At kahit sa ganitong paraan siguro ay makabawi ako sa kanya... "At ano naman pala ang gumugulo sa isip ng mahal ko?" Malambing na tanong ko pa sa kanya matapos ngang makita ko siya sa lababo habang hinuhugasan ang mga pinagkainan namin. Tahimik lang siya at tila kay lalim ng iniisip, subalit mapapansin din ang bahagyang pagsilay ng mga ngiti sa labi niya, habang ginagawa ito. Mga bagay na bahagyang nagpapataka sa akin bilang asawa niya. Mga bagay na ngayon ko lang muling nakita sa kanya. "Ahh ehh wala naman Mahal may naalala lamang ako." Tugon niya, tsaka naman humina ng malalim at muling nagpatuloy sa kanyang ginagawa. "Kung ganon, ay maari mo bang ibahagi ito sa iyong Asawa?" Nakangiting sabi ko naman sa kanya, at marahan pa nga akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran niya. "Wala lang ito Steven, nga pala... Hindi mo man lang ba kukumustahin ang Anak mong si Dino huh?" Sabi pa niya matapos namang kusang tinanggap ang pagyakap ko sa kanya. Sandali naman akong napabugtong hininga dahil sa narinig ko. "Oo nga naman pala, halos nakalimutan ko na may Anak nga pala tayong Dino ang pangalan." Makahulugang sambit ko pa. Bahagya naman siyang napaismid sa akin at, "Kaya naman ang hiling ko ay makapatawaran na kayong mag-ama. At kalimutan na ang mga nakaraan, kung maaari lang sana." Sabi pa niya. "Subalit handa na nga ba siya para dito? Nang iurong ko ang demanda laban sa kanya ay malinaw na kinalimutan ko na ang lahat ng hindi magandang nangyari sa amin Sophia. Subalit sana nga ganito din naman si Dino para sa akin. Alam kong labis siyang nasaktan sa mga nangyari. Subalit pasasaan ba at ang mga galit ay kusang humuhupa din naman sa pagdaan ng mga panahon." Huminga naman siya ng malalim at sandaling iniwan ang ginagawa niya at humarap sa akin. "Sa sandaling magkasundo na kayo ni Dino ay ako na siguro ang magiging pinakamasaya Steven. Kaya naman ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa iyo." Nagkibit balikat naman ako at sandali ding kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. "Hayaan mo at gagawin ko ang lahat upang muling magkasundo kami at makapagpatawaran na. Bilang kanyang Ama ay ito naman talaga ang pinakahahangad ko..." Sandali naman siyang yumakap sa mga balikat ko at matamis na ngumiti sa akin. "Kung ganon ay salamat Steven. At nga pala, naisip kong mag invest ng pera kay Dino upang muli naman ay makapagsimula ang ating Anak. Gusto kong mag sosyo kami sa paresan niya at mas palaguin pa ito at mai convert na din sa kainan, sa gayon ay mas mapalakas pa ito." Masiglang balita naman akin ni Sophia, na aaminin kong bahagyang nagpa alala para sa akin. "Sigurado kaba diyan sa iniisip mo Mahal? Alam naman nating si Dino ay waldas at lulong sa bisyo. Paano nalang kung mauwi sa wala ang mga naipon mo Sophia!?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Tinugon naman niya ako ng ngiti. "Still ay Anak ko si Dino, Steven. Na kung meron mang magnais na bigyan siya ng isa pang pagkakataon ay ako yon syempre, bilang kanyang Ina. At naniniwala akong kung nasa tabi niya ako ay magagabayan ko siya." Himig pahiwatig pa ng aking Asawa. Sandali namang napakunot ang aking noo. "Ano ang ibig mong sabihin Sophia?" Muli namang siyang ngumiti at mas yumakap pa nga sa akin. "Well, bilang business partner niya ay naisip kong bakit hindi ko siya samahan diba? Kesa naman nandito lang ako sa bahay at naiinip habang nagkukulong... Gusto ko din namang maging productive ako. At gusto ko ding kumita pa ang mga naipon ko." Sabi pa niya. Sandali naman akong hindi nakakibo. "Ang totoo niyan ay si Dino ang may gusto nito. Na samahan ko siya sa pagsisimula niya sa kanyang negosyo." Masiglang pahayag niya. Muli naman akong napahinga ng malalim, at sa bagay na ito ay wala naman na akong magagawa pa. Lalo pa nga at nakikita sa mga mata ni Sophia na excited na siya para sa bubuksan niyang bagong negosyo na kasama ng aming Anak na si Dino... —- Pwede po ba kayong mag comment? Para naman mas ma inspired pa si Author 😊 Salamat po
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD