"Ma!" And she just waved at me. Napangisi na lang ako nang dahil sa sinabi ni mama na siyang kasabay ng pagsarado ng pintuan namin. Nawala rin naman kaagad ang ngisi sa labi ko bagkus ay napalitan ng ngiti. Hindi ko namamalayan na inaabot ko na pala ang sapatos na sinabi ni mama. Wait, did I just believe her for what she say that girls love this? "May lakad ka?" Halos mapatalon naman ako sa gulat at halos mapairap nang dahil sa biglaang sulpot ni papa ngayon sa aking likod. Sandali ko na munang iniabot ang sapatos na susuutin ko mamaya na nasa ibaba ng rack at tumayo rin naman kaagad ng maayos. Nilingon ko si papa ng mahinahon at tinanguan na lamang bilang sagot. He just nod at tinapik na lamang ang balikat ko. Walang ngiti man lang ang sumilay sa labi nito at tumalikod na sa akin. Na

