"Plaza Miranda. Destination reach." Nahinto kaagad ako nang marinig ang sinabi ni google. Hindi ko alam pero mas kumabog ang puso ko nang makita mula sa loob ng kotse ko ang pamilyar na babae na naglalakad na patungo sa plaza miranda. Kumunot pa ang noo ko at tila'y sinisipat pa kung sino iyon. Inilapit ko pa ang pagmumukha ko sa windshield para lang masipat na hindi ako namamalikmata at tama ang tumatakbo sa isip ko. And suddenly, it feels like the time stops when she turned her head towards where I am. Hindi ko alam pero mas kumabog ang puso ko at tila'y mawawalan ako ng hininga nang dahil sa kaba! Why I am being like this? Is this really me? Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang busina sa kung saan man. Napalingon pa ako sandali sa aking likuran at doon nakita ang kotseng nandoon d

