"Wait for me here. I'll be back after 20 minutes," malamig na sambit nito sa akin na siya namang ikinabagsak ng balikat ko. Wala na akong iba pang nagawa pa at napalunok na lamang nang dahil sa lamig na sambit nito. So I guess, she's still mad, right? "Ok—" Hindi ko na natuloy pa ang gusto kong sabihin bagkus ay tinalikuran na ako nito at naglakad na palayo sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at napailing nang dahil sa kacold-an niya. Aba, tinalo pa ang pagtataray ni Keila. Naiwan na akong mag-isa ngayon dito sa library ng university. Maraming lamesa ang nakahalera at mga libro na nasa kaniya-kaniya nilang bookshelves. Though walang klase, university is still open for those students na may kailangang iresearch o ginugusto na makapagbasa sa tahimik na lugar. Naiiling ko na lamang

