Rain's POV I remained silent as we reached the plaza's stage. Hindi ko alam kung ano ang ikinatatahimik ko. Kung tutuusin ay dapat sinesermonan ko na siya ngayon nang dahil sa biglaang paghigit na lamang niya sa akin kanina. Pero heto ako, tulala at hindi malaman ang dahilan sa mabilis na pagtibok ng puso ko. As far as I remember, wala akong sakit sa puso at hindi naman ako ganoong kabilis mapagod. But why my heart is beating so fast? Wait, did I just gain weight kaya nangyayari 'to? O baka naman naparami ako ng kain kaninang breakfast? "Rain rain go away, come again another day." Nabalik ako sa wisyo nang dahil doon. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kabila nang sinambit nitong katabi ko. As I turned my head, sumalubong sa akin ang mukha nitong titig na titig sa kalangi

