Hindi ako lumingon nang dahil sa takot na baka tama ang hinala ko. Aba, kahit na pa napakaliwanag ngayon, may chance naman siuro na magparamdam sila lalo na’t hapon na. “Hey, are you okay?” Para ba akong binuhusan ng malamig na tubig when I hear his voice. Napalingon ako kaagad sa likuran ko at halos mapaawang ang bibig nang makita siya rito. “W-what are you doing here?” Nauutal kong tanong dito na halatang-halata pa sa boses ko ang kaba at takot. Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kaniya. If stares can melt someone, kanina pa ako tunaw. “You are not aware na half day ngayon, at napansin kong hindi mo dala ang bag mo kanina,” he paused, while I didn’t bother to look at him. “ So, I came to check your room at tama nga ang hinala ko.” Mas la

