Chapter 7

1913 Words
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kinaroroonan niya. She's dazzling in her mint green sleeveless dress na hanggang tuhod lamang ang haba. Her medium length hair na nakabagsak lamang at may kaunting parte na ikinulot na siyang nakalagay sa bandang harapan nito ay siya naman talagang bumabagay rito. Para bang napako na ang tingin ko sa kaniya at hindi ko na magawa pang ibaling sa iba ang tingin ko. Nakakasimple ng suot nito pero napakaganda ng tignan sa kaniya ang ganitong istilo. "Napakaswerte naman ng mahihila nitong nag-iisang lalaki na participant natin," nangungutyang sambit ng emcee dahilan para maibaling ko ang tingin ko rito. Napalingon pa ako sa magkabilang gilid ko pero kaagad ko rin na naalala na nag-iisa nga pala akong lalaki sa larong ginawa nila. Halos mapairap ako sa loob-loob ko at nginitian na lang sila kahit na labag sa aking kalooban. "s**t, I can die right now," rinig kong bulong ng katabi ko pero hindi ko na ito binalingan pa ng pansin. Nagsalita pa ang emcee at sandaling nag-explain pa na siyang may kinalaman sa laro. Sa buong buhay ko, ito na yata ang pinakamatrabahong pag-eexplain ang narinig ko. Kung sino man ang gumawa nito, siguradong bored yun. "Sa projector na ito makikita ang kaganapan sa kabilang room. So all of you that will be here will feel also the darkness in that room nang dahil sa papatayin na ang ilaw dito for better viewing." Tamad lang akong nakikinig sa sinasabi nila at nakararamdam na ng ngawit nang dahil sa kanina pa ako nakatayo dito. Medyo naiirita na rin ako sa pagsulyap sa akin ng mga kasamahan ko rito sa harapan. "Participants, are you ready?!" Pahiyaw na pagtatanong ng emcee sa amin at halos mabingi na ako nang marinig ang pasigaw na sagot ng mga katabi ko. Kusang tumaas ang kilay ko nang dahil sa pagkairita sa pagsigaw nila. Hindi ko mapigilang mapapikit nang mariin nang dahil doon. "Mukhang ready na ang participants natin! Kumusta naman ang mga magulang at kapatid ng mga nandito sa harapan?" Gaya ng mga nandito sa harapan na kasama kong nakatayo, nagsigawan rin ang kaniya-kaniyang pamilya na ani mo'y napakalaking premyo ang mapapanalunan. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kanila mama at halos tumaas ang kaliwang bahagi ng labi ko nang dahil sa ginagawa nila. They are shouting as if napakalaking pera ang makukuha ko. Aba, kung makasigaw akala mo naman nanalo ako sa lotto. Kung sanang ganoon nga ang sitwasyon, baka mas tumalon pa ako sa tuwa. Pero, hindi e. Napailing na lamang ako at halos mapayuko nang dahil sa hiya. "Okay now, let's proceed to the next room. Someone will play the projector for you all." Naglakad na kami papunta sa kabilang event hall. They rent it for this childish game? Napakayaman naman ng sponsor nila ngayon at nagawa pang irent ang kabilang hall. As far as I know, it cost 120,000 pesos para sa room lang at iba pa ang bayad ng sound system at ng catering. Napatigil ako sa paglalakad ng bigla akong may naramdaman na humawak sa braso ko dahilan para lingunin ko ito. Nawala kaagad ang kanina kong expression at mas naging deretso pa ang mukha ko nang dahil sa biglang pagsulpot ulit ni Athena. Akala ko ba umalis na 'to? Ano nanamang ginagawa niya rito? "What is it now?" Malamig na tugon ko rito. Tumaas naman ang kilay nito at ngumisi sa akin ng nakakainis. She's currently seating in the vacant seat sa katabi kanina ng ilang stockholders sa company ni Lolo. Sandali naman akong napasinghap nang biglang sumagi sa isip ko si Eisha Lorraine. Inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Eisha Lorraine. Pero laking dismaya ko na lang nang wala na siya sa paligid. Hindi ko maiwasang mapangiti at mainis nang dahil sa takbo ng isip ko. How can she go here if she's with her bestfriend right? "Why are you smiling, babe?" Halos manindig ang balahibo ko nang narinig ang huling salitang binitawan ni Athena. Tinignan ko siya nang napakalamig at puwersahan na tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. I looked at her at sandaling tumikhim bago nagsalita. "Kung wala kang sasabihin, please excuse me." Pagkapasok na pagkapasok sa kabilang hall ay tumambad sa aking ang disco lights at ang mga participants na nasa gitna na at tila ba ay naghahanda. "Ayan na si fafa." "Gaga, kadugo natin." "Sira, hindi naman direkta." Halos mapailing ako sa loob-loob ko at dali-daling lumapit sa dalawang emcee na mukhang kanina pa yatang may hinihintay. Mukha silang balisa, sa totoo lang. "Sorry, may kinausap lang po," paghingi ko ng paumanhin nang makalapit na ako sa kanila. Mabilis ko lang din namang nakuha ang atensiyon ng isa sa kanila na nginitian ako bilang tugon. Lumakad na lamang ako papunta sa mga bakanteng upuan para sandaling makaupo habang hindi pa nagsisimula. Sandali ko na munang inilabas ang cellphone ko sa aking bulsa para kahit papaano ay mawala ang pagkabagot ko. Tamang punta lang sa twitter at tumingin ng ilang trending tweets ngayong araw. Napakadilim dito sa loob lalo na't nakasarado ang pintuan. Tanging disco lights lang ang nagbibigay liwanag para kahit papaano ay makakita kami dito sa loob. Habang nasa kalagitnaan ng pag-iscroll ay bigla kong naramdaman ang pagbukas ng pintuan. Hindi ako nagpatinag bagkus ay napaka-interesting na ng mga binabasa ko. "Hay, sa wakas dumating ka na!" "Sorry na tita, umihi lang ako." Napatingin naman ako sa kinaroroonan ng bagong dating. Hindi na ako nagtaka pa ng babae nanaman iyon. "Okay participants! Pumunta na kayo rito sa gitna," masayang wika ng isa sa mga emcee. Tumayo na ako at naglakad na patungo sa kinaroroonan ng ilan. Hindi na rin ako nag-abala pang tignan sila isa-isa nang dahil sa kahit nasa malayo pa lang ako, ramdam ko na ang tingin nila. "So as what we have said earlier, you will start to dance as the music starts already. And as the music stops, the disco lights will be turned off also at yun na ang chance na humila kayo ng kapares ninyo." "And of course, we hired someone na maghahanap sa inyo. So be careful kung saan ninyo binabalak magtago!" Masigasig na sambit nito dahilan para sandali rin akong matawa, pero kaagad rin iyong nawala nang maalala ko yung prize lang pala ang kailangan ko rito. "Are you ready guys!" "Yes!" "Oo naman!" "Of course! I will get this handsome boy beside me!" Nanatili lang na diretso ang pagmumukha ko na para bang walang naririnig. Gusto ko ng matapos 'to at kuhanin na lang ang premyo. Gusto ko na lamang na makapagpahinga kahit na napakahaba ng magiging pahinga ko nang dahil sa seminar. "Remember the first prize everyone! Five thousand pesos and a mystery box for the winners!" Ilang hiyaw pa ang narinig ko mula sa mga participants at ramdam ko na unti-unti ang pagkairita ko. Hindi ba napapagod ang mga lalamunan nila kakasigaw? Ramdam ko na ang pagkunot ng noo ko. Ang mga disco lights ay nagsisimula na rin na gumalaw ng mas mabilis nang dahil sa nagsisimula na rin na tumunog ang tugtog. "Konting tiis pa, Chase," bulong ko sa aking sarili at pilit na pinananatiling kalmado ito. Maya-maya pa ay mas lumakas na ang tugtog at mas lalong nagiging hype ang boses nila. Of course, they will shout na parang nasa isang club kami. But for Pete's sake, this is not a club! "And in three, two, one, music please!" Muling nag-iba ang tugtog at mas naging lively pa iyon. The disco light are starting to move fastly also na siyang nakasabay sa rhythm ng tugtog. It feels like, you are in a club because of the up-beat sound. Nagsisimula ng sumigaw ang mga kasamahan ko, pero ako ay nananatiling nakatayo at halos mapairap nang dahil sa pakulong 'to. If this is not about money, I will quit. "Oh! The boy is not dancing!" Halos mapailing ako nang dahil sa sinabing iyon ng isa sa mga participants. Napalingon naman ako sa kinaroroonan ng mga emcee na busy sa pagtingin sa ginagawa ng DJ. "Someone is not dancing!" Nagpanting kaagad ang tainga ko nang marinig ang isa sa mga emcee. Halos mapapikit ako nang mariin at dahan-dahan na sumabay sa ritmo ng tugtog. Pagalaw-galaw lang ako sa puwesto ko para masabing sumasayaw ako. I hate this. I don't go to clubs because of this at isa pa ang kakatuntong ko lang sa legal age. Ramdam ko naman ang tingin ng ilan sa mga participants tungo sa gawi ko. I feel stares at halos lantaran nila kong hubaran gamit ng tingin na iyon. I admit that I can dance, but I'm not that good. "Hi baby." Halos mapaurong naman ako nang marinig ang bulong na iyon. Kaagad ko itong nilingon at nakita ang isa sa mga participants who's wearing a red fitted long sleeve dress. "Back-off. I don't like girls," malamig na sagot ko rito habang ang mukha ay walang kaemoemosyon. Sumabay lang ako sa ritmo ng tugtog at iniwan na siyang tulala roon. Para bang nakakita ito ng multo nang dahil sa sinabi ko. I just really don't like girls na pilit na ipinagsisiksikan ang sinabi nila sa akin. They are girls. Tinitingala sila, they should know how to respect theirselves first kung ayaw nilang mabastos. If they kept acting like that, hindi na ako magtataka kung bigla silang bastusin. "As you can see parents, nagsasaya na ang mga anak ninyo!" Napailing na lamang ako nang dahil doon. Mukha ba akong nagsasaya sa lagay na 'to? Feeling ko tawang-tawa na ang pamilya ko while watching this. I just f*****g hate this. "Remember participants! As the music stops, you need to find someone na hihilain niyo para makapatago. Piliin niyo ng mabuti kung saan kayo magtatago," pagpapaalala nito sa amin. Narinig ko naman ng kaunti ang hagikhikan nila at kaagad kong naramdaman ang tingin nila sa akin. I can already sense kung ano ang binabalak nila. Hindi ko alam, pero bigla akong nakaramdam ng kaba matapos ko maramdaman ang tingin nila. Or should I say, titig? Napatigil ako sa pagsayaw kasabay ng pagtingin ko sa itaas nang dahil sa pagpatay ng disco lights at pagtigil ng tugtog. Kaagad kong pinakiramdaman ang paligid ko at nang mapansing papalapit na sila ay kaagad akong umupo. Napangisi naman ako nang mapansing nawala na sila sa tabi ko. The plan is effective I guess. Dahan-dahan akong naglakad papaupo kahit na nahihirapan. Wala akong masyadong makita nang dahil sa sobrang dilim. Para bang nangangapa ako sa dilim at tila'y nabulag ng sandali nang dahil sa laro na 'to. I think I can find someone here na walang interes sa lalaki. Yung galit din sa lalaki kahit papaano para iwas issue. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may maaninag ako sa hindi kalayuan. Para bang kumikinang ito sa dilim sa hindi ko maipaliwanag na paraan. Sandali muna akong huminto para pakiramdaman ang paligid. I just can sense kung ano na ang nangyayari sa paligid ko, pero hindi ako tulad ng kwago na nakakakita sa dilim. I'm not nocturnal for Pete's sake. Nang mapansing wala na ay tsaka ako tumayo ng mabilis at halos mapaurong nang dahil sa naramdaman kong matigas na bagay. Napahawak na lang ako sa noo ko nang mauntog ako roon. Hindi ko maiwasang mapangisi at mainis at the same time. Am I facing the wall? "That hurts."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD