CHAPTER 6

1841 Words
“Mic test, mic test.” Matapos kumain ay nagkaroon nang kaunting palaro sa pagitan ng mga magulang. Habang kaming mga anak ay nakaupo lang at as usual, bagot na bagot na sa mga nangyayari. “Thank you for coming to our reunion this year guys. Ang nakasanayan noon ay babaguhin nating ngayong taon!” Halos umangat ang tingin ko patungo sa harapan nang dahil sa sinabi ng isa sa mga emcee. “Yes, you’re right partner. At tama kayo sa narinig niyo, kung dati ay halos ang mga magulang lang ang nagsasaya, but now, we will assure you that your sons and daughters will also enjoy this night!” Nagkatinginan naman kami ni Yyselle nang dahil sa sinabi ng isa sa mga emcee. Ramdam ko naman ang pagsiko sa akin nito at aktong ininguso ba ang isa sa mga emcee na siyang nakatingin sa table namin ngayon. Kaagad ko namang binawi ang aking tingin at kaagad na ibinalik kay Yyselle na nilalantakan na ang dessert na kadadala lang ng isa sa mga waiter. Halos maapakan ko na ang paa nito, pero hindi man lang natinag sa kakakain. Kusang tumaas ang kaliwang bahagi ng upper lip ko nang dahil sa binabalak ng kapatid ko. Well, alam ko naman na kung ano ang ibig-sabihin ng dalawang emcees,ang sa akin lang ay ayaw kong magsaya. That’s it. “So now we are calling some of the new generations in both family. One family should have one representative. Uulitin ko, isang pamilya, isang representative.” Halos mapairap ako nang dahil sa representatives na pinagsasasabi nila. For Pete’s sake, hindi na kami bata. “Oh before we start, para mas maging interesado ang laro for your sons and daughters, the prize will be five thousand pesos for the winners.” Muli kaming nagkatinginan ni Yyselle at halos mag-unahan pa sa pagtayo na siyang naging dahilan para kaming dalawa ay pagtinginan. Sandali naman akong napalingon sa gilid namin na siyang kitang-kita ang sumisilay na ngiti sa mga labi nila. Napakagat na lang ako sa aking labi at dali-daling umupo. Rinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni mama at papa na siyang mas lalong nagparamdam sa akin ng hiya. “Chase, I can give you that amount later,” Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan nang dahil sa nasa tabi ko na pala si papa. Natatawa pa itong nakatingin sa akin na inilingan ko na lamang. Nanatiling nakatayo si Yyselle nang dahil sa siya na ang representative ng pamilya namin. Wala naman na siyang magagawa kung hindi ang tumayo nang dahil sa sinabi na rin ni mama. Bahagya kong tinignan si Yyselle at halos mapataas ang kilay nang dahil sa panlilisik na tingin nito sa akin. Kinibitan ko na lamang ito at itinuon ang sarili sa nagsasalitang emcee. Akala mo naman kung makatingin e hindi ginusto na siya ang napili. Nakipag-unahan pa nga sa akin ang loka-loka. Nang magsisimula na ang laro ay siya namang itinuon ko na ang pansin ko sa cellphone na kanina pang nagvavibrate sa aking bulsa. Kumunot naman ang noo ko nang makita ang dami ng messages doon. I decided to open it and check those messages. Keila Hey dude, nasa kalagitnaan na ako ng reviewer na pinapagawa mo. Don’t forget our treat. Natatandaan ko yun ha. Chase Yes sure,thanks btw. Ibinalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at pinanuod na lamang ang pakana ng emcee. Well the game has something to do with brain and it really suits Yyselle. Yyselle is an achiever in her college. Maraming nanliligaw sa kaniya pero ni isa ay wala siyang sinagot. Yes, ganoon siya kapihikan. Ilang minuto pa ang nagdaan ay natapos na rin ang laro at gaya ng inaasahan, Yyselle won the game. Parang bata itong naglalakad patungo sa pwesto namin habang iniiwagayway pa ang pera niya. Napailing na lang ako at bahagyang nanliit ang mata nang dahil sa ako mismo ang nahihiya sa babaeng 'to. Well, you can say that five thousand is a big thing already for kids like us. Ewan ko lang kay Yyselle na napakagastos. “Look easy money!” Pagmamayabang nito sa amin na pinapaypay pa sa kaniya ang pera. Napailing na lang ako at sumubo sa dessert na nasa platito ko pa. “That’s dirty Yyselle! Gusto mo bang madapuan ng mikrobyo? Itigil mo yan.” Hindi ko mapigilang matawa nang dahil sa sinabi ni mama. Bahagya akong nag-angat ng tingin at nakitang nakatingin nanaman sa akin ng masama itong kapatid ko. Naglaho kaagad ang ngiti ko at kaagad na tinaasan siya ng kilay. But instead of her doing the same thing that I did, she just rolled her eyes and look on the stage. Well, I guess she’s not in the mood to kill me with her stares. “Again congratulation Yyselle for winning the first game! As you can see guys that five thousand pesos is real!” “You’re right partner. As for the second game, the winner will also receive five thousand pesos and a mystery box!” Napahikab na lang ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung pagod na ako o wala lang talaga akong ganang sumali at makinig sa mga emcee na 'to. Muli kong ibinaling ang tingin sa harapan at halos mapanganga nang makita ang napakalaking box na nasa harapan. You can say that it is like a balikbayan box. “So this is the mystery box that I have said earlier. As you can see, this box is full of suprises. Aba worth five thousand rin yata ang laman nito partner,” pagmamayabang ng emcee na babae. Narinig ko naman kaagad ang bulungan sa paligid nang dahil sa sinabing iyon sa harapan. Napalingo-lingo ako at halos kumunot ang noo nang makitang nag-uusap-usap na sila kung sino ang isasalang nila sa next activity. Napailing na lang ako at ibinalik na ang tingin sa mga emcee. Sandali akong tumusok sa cake na nasa platito ko at kaagad na isinubo iyon habang nakikinig sa sinasabi ng mga emcee. “So each representative, kindly stand up,” utos ng emcee na siyang dahilan na nagsitayuan na ang iilan. Naramdaman ko naman ang pagtingin sa akin ni mama at papa kaya tinignan ko sila na medyo kunot ang noo. Lumapit sandali sa akin si papa sa hindi malamang dahilan. Hindi ko na ito nilingon bagkus ay hinayaan lang siya sa tabi ko. Maya-maya pa ay biglang lumapit ito sa tainga ko at halos manlaki naman ang mata ko nang dahil sa binulong niya na iyon. Kaagad naman akong napatayo nang dahil sa sinabi na iyon ni papa. “Woah, I thought you don’t want to join the game?” Natatawang saad ni Yyselle dahilan na maistatwa ako sa aking kinatatayuan. Inilingon-lingon ko ang tingin sa aking paligid at huli na ng mapagtanto kong nakatayo na ako. Aktong uupo pa sana ako nang bigla akong tinulak ni papa para mapunta na sa labas ng lamesa namin. Halos mapapikit ako nang mariin nang dahil sa kailangan ko pang sumali sa laro na 'to. I didn’t even notice that all eyes are on me already. “All representatives please come infront.” Napalakad na lang ako papunta sa harapan at hindi na binalingan ng tingin ang pamilya ko. I badly want to have that Five thousand but not in this game for Pete’s sake. Pagkarating na pagkarating sa harapan ay ngayon ko lang napansin na halos babae pala ang representative. Mas lalo lang akong nainis nang dahil sa walang ni isang lalaki dito na pwede kong makausap. Ramdam ko rin ang titig sa akin ng mga babaeng nasa tabi ko at halos pag-usapan pa ako. Do they know that it is rude to talk about someone lalo na’t nasa tabi lang nila yung tao na iyon? Napabuntong hininga na lang ako at naghintay pa ng ilang segundo bago sila sitahin. “Pl—” “Okay so here our players for our next game! The game will be named Dark Room!” Hindi ko na naituloy ang pag-angal ko nang dahil sa bigla nang nagsalita ang emcee. Napairap na lang ako sa loob-loob ko at nakinig na lamang sa sinasabi nila. “So for this game, we will go to the other room na nirent na rin namin. We will used that because we need a room that no one can escape without the permission of our instructor,” pagpapaliwanag ng isa sa mga emcee. “So partner, bakit nga ba dark room ang pangalan ng laro? Anong connection sa magiging takbo ng game?” “Actually partner, I just named it Dark room nang dahil sa wala na akong maipangalan,” natatawang sabi ng isa sa mga emcee na siyang kinailing ko na lamang. Nang dahil sa madami pa silang sinasabi at halos ilang minuto na rin akong nakatayo dito sa harapan ay kinuha ko na muna sandali ang phone ko sa aking bulsa at iyon ang pinagkaabalahan. Sakto naman ang paglitaw ng message ni Edward kaya kaagad ko na iyong binuksan. Halos matawa naman ako nang makitang nagsend ito ng picture niya na hawak-hawak ang folder na ibinigay ko sa kanila ni Keila. Edward We’re TIRED. WE WANT BEER Chase NO TO BEER UNLESS WE HAVE OUR JOB ALREADY. Napapailing na lang akong binulsa ang cellphone ko nang dahil sa kagaguhan ng kaibigan ko. May usapan kasi kami na hindi kami iinom hanggang sa makatapos na kami. That’s our golden rule sa aming magkakaibigan. Kung iinom man kami, we make sure na may kasama kaming nakakatanda. “So ayun na nga partner, mukhang marami ng naiinip sa ating mga representatives. So sabihin na natin yung rules natin!” “Here’s the rule. Lahat ng representative natin ay kailangang pumunta doon sa room na nirent natin, the dark room. May mga lamesa dun gaya na lang dito sa atin, but there’s no light inside. Yes, we will make sure that it is dark gaya na lang ng name ng game natin.” “And partner, we will turn on the music para naman maging masaya ang laro sa loob. They need to dance hanggang sa tumigil ang tugtog. And guess what partner!” “Ano yun partner?” Natutuwang tanong ng kasama nito. Deretsong-deretso lang ang mukha ko hanggang sa magsalita muli ito. “As the music stops, kailangang magtago ng ating mga representatives by pair sa kahit saang pwesto man nila gustuhin!” Halos masamid ako sa sarili kong laway nang dahil sa narinig kong sinabi nitong emcee na 'to. Are they for real? Hindi man lang nila ikinunsidera ang pagiging lalaki ko? Aktong aapila sana ako nang mapansin kong napatingin sa akin ang isang emcee at nginitian na lamang ako na medyo naiilang. Nalunok ko na lang ang laway ko ng mga sandaling iyon at inis na iniayos ang pagkakatayo ko sa harapan. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa lamesa namin and there I can see my father and my mother laughing as if they are the one who arrange this game. Or maybe they are the real one who made this? Napairap na lang ako sa loob ko at aktong aalisin na ang tingin sa pamilya ko nang mahagip ng mata ko ang pamilyar na tao sa bandang dulo. “Eisha Lorraine?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD