“Ang dami nanaman yatang kinakausap nila mama?” Pagtatanong ko kay Yyselle habang nakatingin sa magulang namin na nasa kumpulan ng mga tao.
“Ano pa bang bago?” Sagot nito sa akin.
Pinagkibitan ko na lamang ito ng balikat at sumandal sa aking kinauupuan. Kinuha ko sandali ang cellphone ko at kaagad na nagpunta sa f*******: para kahit papaano ay mawala ang pagkabagot ko.
Ito ang ayaw ko kapag nagpupunta sa reunion. Halos ang matatanda lang ang nag-uusap tungkol sa mga business nila and after that, kainan na. Kaming mga anak? Wala lang, nakatunganga hanggang sa mag-uwian na.
While scrolling to f*******:, ay siya namang may nakaagaw sa atensiyon ko.
Mia Onofre
With my bestie! Eisha Lorraine Andrande
1.5k 130 comments
So she’s really not here?
Napailing na lang ako sa tumatakbo sa isip ko. Napangiti ako and at the same time ay nalulungkot nang dahil sa hindi pala siya yung nabanga ko kanina.
“Why I’m getting sad? Mas maganda ngang wala siya rito at hindi ko siya kamag-anak, for pete’s sake,” bulong ko sa sarili ko at itinuon na lang ang sarili sa nagsasalita sa harap.
Maya-maya rin ay bumalik na rin sila mama at papa na may tig-isang dalang regalo. Umupo na rin sila sa kanilang kinauupuan nang dahil sa nagsisimula na rin ang event.
“So Good evening everyone! So we will be the emcee for this event.”
“Yes right, we are from Palma side and we want you all to enjoy this night.”
Patuloy lang sa pagsasalita ang dalawang emcee na nagmula raw sa kabilang pamilya, Palma. Actually, wala akong kakilala sa mga nagpunta rito. Tanging ang ilan lang sa mga Vicencio ang kilala ko at ilan sa Palma ang namumukhaan ko.
“Pein?”
Napalingon kami parehas ni Yyselle sa babaeng nagsalita. Dumeretso ang mukha ko nang makita ang babaeng ‘to rito.
Sandaling bumeso ito sa pisngi ng kapatid ko at ibinaling ang tingin sa akin. Napansin ko ang pagkurba ng labi nito at nginitian ako.
“Oh, you’re here also,” sabi nito sa akin nang makaayos na ng tayo. I just nod at agad na inalis ang tingin sa kaniya.
Nakiupo ito sa table namin at bumeso kay papa at mama. Umupo ito sa bakanteng upuan na nasa harapan ko at binigyan ako ng ngiti.
Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang sarili sa mga nagpeperform sa harapan. She’s Athena Mei Buenavidez, a friend of Yyselle and also my ex-girlfriend.
Flashback
“Ethan, can you please do this for me? Hindi ko kasi maintindihan. O kaya pwedeng turuan mo na lang ako,” sambit ni Athena sa akin at sandaling inihilig ang ulo niya sa’king balikat.
Naistatwa ako sa aking kinauupuan nang dahil sa biglaang panlalambing niya. Kanina lang kasi ay halos iwanan niya na ako rito nang dahil sa hindi ko siya nailibre.
Pero ngayon, dinaig pa ang isang maamong tuta na nabigyan ng pagkain ng amo niya.
“Tungkol saan ba yan?” Tanong ko rito habang patuloy pa rin sa paggawa ng school works ko.
Hindi ko siya binalingan ng tingin bagkus ay hinayaan siya na ilagay sa tamang page ang pinapagawa niya. Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan nang bigla niyang hawakan ang aking hita.
Sinamaan ko naman ito ng tingin ngunit nginitian lang ako nito. Napalingon-lingon ako nang dahil sa kaba na baka may taong makakita sa amin.
For Pete’s sake, nasa library kami!
“Athena,” nauutal-utal na sabi ko rito.
Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya at tila ayaw magpaawat. Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan na siyang naging dahilan nang pagtingin sa akin ng ilan sa mga tao na nasa library.
Tinignan ako ni Athena na para bang dismayado sa ginawa ko. Tinignan ko lang siya ng deretso sa mata at kaagad na iniayos ang gamit ko.
“What do you think you’re doing?”
Hindi ko ito pinansin at inilagay na kaagad sa bag ang gamit ko at umalis na.
Kinahapunan ay dumeretso kaagad ako sa classroom nila Athena, pero laking gulat ko na lang nang makitang wala ng katao-tao sa kanila. Maglalakad na sana ako palayo pero may narinig akong nagsalita na siyang nagpalingon sa akin.
Dahan-dahan akong naglakad papunta muli sa classroom nila at halos manlaki ang mata nang dahil sa narinig.
“Anong nangyari sa batang yun?”
“Well, hindi siya pumayag. Ni hindi pa nga yata natuwa sa ginagawa ko.”
“You know babe, iwanan mo na yun, hindi naman pala napapakinabangan.”
Naistatwa ako sa narinig ko at hindi man lang nakaramdam ng galit. Tanging inis lang talaga ang naramdaman ko.
“Yes, you’re right babe. I’ll do it tomorrow,” malanding sabi nito na siyang mas lalong nagpainis sakin.
She’s just using me, the f**k. Athena...
End of Flashback
Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman kong may gumagapang sa binti ko. Napatingin ako kay Athena na ngayon ay ngiting-ngiti na nakatingin sa akin.
Kaagad akong tumayo sa upuan na siyang naging dahilan para mapatingin sa akin sila mama. Sandali akong tumikhim at tumigin kaagad kila mama.
“I will go to the comfort room,” sabi ko sa kanila na tinanguan na lamang ako.
Napabuntong hininga na lang ako at napailing-iling nang dahil sa ginagawa ni Athena. Alam ba niya yung salitang hiya?
Imbes na dumeretso sa cr ay dumeretso na lamang ako sa likuran ng building para kahit papaano ay makalanghap ako ng sariwang hangin. Kaagad akong dumeretso sa bench na malapit lapit sa isang punong malaki para masigurado lang na walang gagambala sa akin.
Inilabas ko kaagad ang phone ko at kaagad na tinawagan si Edward.
“Anong kailangan natin ha Vicencio?” Salubong sa akin ni Edward.
Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa bench na aking kinauupuan. Sandali akong napapikit nang mariin nang dahil sa inis na nararamdaman.
“Dude,” panimula ko habang ang boses ay seryosong-seryoso.
“Yes? Any problem?”
“You know my ex girlfriend right?”
“Who? Athena?” Takang pagtatanong nito sa akin.
Sandaling nanahimik ang linya nang dahil siguro sa biglaang pagbalik ng mga ala-ala.
“Yes.”
“f**k that b***h. Bakit anong meron?” Aligagang tanong nito sa akin.
“Well, she’s here,” sagot ko rito at kaagad naman akong napatingin sa kalangitan.
“Anong ginagawa niya diyan? Bakit nandiyan yang walanghiya na yan?”
Napangiti ako nang dahil sa galit sa boses ni Edward na naririnig ko ngayon. He also witness what happened two years ago.
“I don’t know? She’s sitting with us at alam mo ba? Sinisimulan nanaman niya ako,” mahinahon pa rin na sagot ko sa kaniya.
Rinig ko ang pagmumura nito sa kabilang linya na siyang nagpatawa sa akin. Halos mapahawak ako sa tiyan ko nang dahil sa mga sinasabi niya.
Ito ang nagustuhan ko kay Edward. He’s always there when I’m feeling down. Lagi siyang nandiyan sa lahat ng oras at higit sa lahat, he’s a loyal friend.
“So what are you planning to do?” Pagseseryoso nito na rinig na rinig pa sa kabilang linya ang bigat ng hiniga nang dahil sa kakatawa.
“I think I should deal with her.”
Seryosong sagot ko rito at umayos na nang pagkakaupo. Rinig ko naman ang pag-asik nito sa kabilang linya na halos murahin na ako nang dahil sa sagot ko.
“Know your limits, Ethan Chase,” pagpapaalala nito sa akin na siyang napatango naman ako bilang pag-oo.
“Yes, I know. Thank you.”
“No problem dude. For you malabs.”
“Thank you labs,” sagot ko rito na natatawa–tawa pa rin.
Rinig ko rin sa kabilang linya ang pagtawa nito na halos mawalan na ng hininga nang dahil sa sinimulan niyang kabaliwan.
I ended the call with a smile on my face. Edward never failed me to make me happy when time like this came.
Aktong tatayo na sana ako nang may marinig akong nag-uusap. Halos maistatwa ako sa aking kinauupuan nang marinig ang isang babaeng humahagulgol.
“What? Isusumbong mo ako? For your information, ikaw yata itong may kasalanan sa akin mister kaya wala kang karapatang magreklamo ngayon,” boses ng babae na para bang naiinis base sa tono ng kaniyang pananalita.
“Can you please stop crying? Nakakarindi miss.”
“Why would I stop ha? Akala mo ba ganun-ganun lang yun?”
Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagtangkang pakinggan muli ang usapan nila. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at naglakad na patungo sa event hall at baka hinahanap na ako nila mama.
“Where’s Athena?” Pagtatanong ko kay Yyselle pagkaupo na pagkaupo ko.
“Pinaalis ko na,” seryosong sagot nito sa akin na hindi man lang ako binalingan ng tingin at tutok na tutok sa kumakanta sa harapan.
Nagkibit balikat na lamang ako kasabay ng pagbuntong hininga ko at tumutok na lang din sa mga nagpeperform.
Matapos ang isang oras ay siyang inihain na ang hapunan sa bawat table. May mga naglalakad na waiter na siyang may dala-dalang mga wine at cocktail juice.
“Oh, is that Conon’s son?”
“I think so? Kamukha niya ha.”
Napangiti naman ako ng palihim nang dahil sa narinig ko. Well, gaya na nga lang ng sinabi ko, nakuha ko ang itsura ni papa at kaunti lang ang kay mama.
But still, without them walang guwapong nilalang na ipinanganak sa mundong ‘to. So thank you to the both of them.
“Nakita mo na ba si Keziah, love?” Kunot noong pagtatanong ni mama kay papa.
Napasimangot naman si papa nang marinig ang sinabi ni mama. Umaktong nasaktan ito at napahawak pa sa kaniyang dibdib nang dahil sa sinabi ni mama.
Oh yes, Tita Keziah is my father’s sister. They stayed in Singapore for one month at kakauwi lang nila last month.
Natawa naman si mama sa inaakto ni papa. Halos kabugin na ni mama si papa nang dahil sa sobrang pagpapatawa nito sa kaniya.
Napangiti naman ako nang dahil sa ngiti na nakikita ko sa mukha ng magulang ko. Either Yyselle is smiling eventhough she’s holding it back.
“I don’t see Keziah. Do you miss her that much eventhough I’m here at your side?” Pagtatampong sabi ni papa na halos batukan ni mama.
Napaayos naman si papa sa pagkakaupo at hinawakan na lamang ang kamay ni mama na nasa mesa. Halos mapaubo ako at ganoon na rin si Yyselle nang dahil sa nakita.
“Ma, pa, for Pete’s sake, kasama niyo kami,” pagrereklamo ni Yyselle na umaaktong nasusuka pa.
Tinaasan ko naman ito ng kilay nang mapatingin siya sa akin. Inirapan lamang ako nito at sumimsim sa baso ng tubig na nasa harapan niya.
Gusto kong matawa nang dahil sa reaksyon niya. Aba, dinaig pang nakakain ng napakaraming ampalaya sa sobrang kabitteran. Dinaig pang iniwan ng boyfriend kaso wala siya nun.
“Oh dear, I’m contented that you are here,” sagot naman ni mama at hinilig ang ulo nito sa balikat ni papa.
Napakunot noo naman ako habang nangingiti. Magkahalong kilig at konting pandidiri. Kitang-kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni papa na tinignan ako.
“O anong kinukunot-kunot noo mo diyan ha Chase?” Natatawang tanong ni papa sa akin.
“Pa, pakinggan niyo na lang yung sinabi ni Yyselle.”
Napailing na lang ako habang natatawa-tawa at itinuon na ang sarili sa pagkain. Naramdaman ko naman ang tingin ni mama na siyang dahilan para itaas ko ang tingin sa kaniya.
Nginitian ako nito at may binigkas sa hangin na siyang nagpanganga sa akin.
YOU WILL DO IT TOO, SOON.