CHAPTER 4

1875 Words
Napabalikwas ako sa pagkakahiga at kaagad ring napahawak sa ulo nang dahil sa biglang pagbangon. Kaagad kong kinapa-kapa ang cellphone ko na siyang hindi ko maramdaman sa aking bulsa. Sandali kong itinaas ang ilalim ng unan ko at gulat na makitang napunta roon ang cellphone ko kahit na hindi ko naman iyon nilagay. Agad kong binuksan iyon at gulat na makitang alas kuwatro na pala ng hapon. Halos mapamura ako at kaagad nang umalis sa kama. Hinubad ko na kaagad ang blazer ko at binagsak na iyon sa kama. Maging ang sapatos at medyas ko ay ibinato ko na lang kung saan-saan dito sa aking kwarto. “Napasobra naman yata yung pag-iisip ko sa kaniya,” asik ko at sandaling ginulo-gulo ang buhok ko. Sandali akong bumaba at kumuha ng makakain nang dahil sa nakaramdam na rin ako ng gutom. Hinalughog ko na lamang ang ref at kinuha ang dalawang bote ng Delight at isang pack ng brownies. Hindi na ako nag-abala pang pumunta sa sala para roon kumain, bagkus ay umupo na lamang ako sa bakanteng upuan na nandito sa kusina. While eating brownies, siya namang biglaang vibrate ng cellphone ko na nasa aking bulsa. Kaagad ko iyong kinuha at hindi na inalintana ang nagkalat na parte ng brownies sa aking daliri. 12 new notifications from facebook 4 new notifications from telegram I first opened the telegram at kaagad na tumambad doon ang apat na messages na galing kay Edward. EdwardAnthony Paano yung gagawin dito? Just a reviewer only? Chaseme Yes, I will get that from you two kapag nakauwi na ko. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain at hindi na binalingan ng pansin ang notifications from f*******:. Binalik ko na rin ang tirang brownies sa ref nang dahil sa hindi ko na kayang ubusin pa. Dali-dali na rin akong umakyat sa itaas at dumeretso na sa banyo nang makapaglinis na ng katawan. Ilang minuto na lang din naman at aalis na ako kaya kailangan na talagang magmadali. Pagkalabas na pagkalabas ko ay kaagad kong hinanap ang longsleeve at slack ko na siyang nasa closet ko lamang. Ibinagsak ko iyon sa kama nang makita at pumunta sa harapan ng salamin para ayusin ang buhok ko. Sinuklay ko lamang iyon nang patagilid at hinayaang bumagsak ang mga maliliit na hibla sa harapan ng aking mukha. Nagspray na rin ako ng pabango sa bandang leeg at maging sa aking palapulsuhan nang manatili roon ng matagal ang amoy. Sinuot ko na kaagad ang longsleeve ko at sinunod doon ang slacks ko. Inayos ko ang pagkakatuck-in at umupo munang sandali sa kama nang masuot naman ang sapatos ko. The party will have a formal theme kaya kailangang nakaformal attire. But I choose only to wear longsleeves than wearing it with a suit. Masyadong pormal para sa akin ang ganoon. Habang nasa kalagitnaan nang pag-aayos ng kwelyo, ay siya namang tumunog ang cellphone ko na hudyat para sa isang tawag. Kaagad ko iyong iniabot na nasa kama at laking pagtataka nang magflash sa screen ang isang unregistered number. 09123456789 is calling… “Hello?” Sagot ko rito na may halong pagtataka sa boses. [“Chase! Where are you?”] Nailayo ko ng wala sa oras ang cellphone ko nang marinig ang sigaw na iyon. Familiar voice and that will be my Mom, that is for sure. “Ma, I’m at home already. I’m just finishing some things here, okay?” Mahinahong sambit ko rito at napahawak na lang sa aking batok at napangiwi. “Wait. Finishing things?" “Yes ma, nag-aayos ako. Ayaw mo bang maging presentable ang mukha ng anak mo?” Natatawang tanong ko rito at sandaling niloudspeak na ang tawag. Ibinaba ko sandali ang cellphone ko sa cabinet na abot naman ng aking boses. “Of course, I want you to be presentable. But make sure that you will not be late, okay?” “Yes ma, trust me. I will be on my way after I finish things,” sagot ko rito at unti-unti nang iniayos ang damit ko. “Okay, text me or your papa when you are in your way already.” “Sure ma, I’ll hang up.” “Mag-ingat sa pagmamaneho ha! Don’t be reckless!” Paalala nito sa akin at tsaka pinatay na ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako at inilagay na sa aking bulsa ang cellphone at ang panyo ko. Sandali kong tinakpan ang pabangong iniregalo sa akin ni papa na siyang nagpapakalma sa pagkadragon ni mama. Muli kong ibinalik ang aking tingin sa salamin at hindi maiwasan na hindi mapangiti. Iniayos ko pa nang kaunti ang aking buhok at ang pagkakatuck-in ng longsleeves ko. “And it’s perfect again,” I mumbled and smirked infront of the mirror na para bang kinakausap ang aking sarili Hindi na mapagkakaila na nakuha ko nga ang mukha ni papa na may halong galing kay mama. Ang nakapagtataka lang, bakit sobrang hirap paamuhin ni mama. Bumaba na ako at sandaling dumeretso sa kusina. Kumuha na ako nang malamig na tubig sa ref at nagsalin na sa isang baso. Napabuntong hininga na lang ako nang dahil sa daming trabaho na aabutan ko matapos ng reunion na ‘to. Sino ba naman kasing tatanggi sa incentives lalo na’t once in ablue moon lang magbigay si Ma’am Valdemor ng ganoon. Hindi kalauna’y lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa aking kotse. Inilagay ko ang cellphone ko sa phone holder at dinala kaagad sa maps. Actually, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Aasa lang talaga ako sa sinend na location ni Yyselle. “123 Zamora Building, Xenon Boulevard will be 2 hours away from your location when you ride a car. The fastest route will be on Damiana Road at Xypler Boulevard.” Napatango-tango ako nang dahil sa laking tulong ng maps sa akin ngayon. This will be the first time na aalis ako ng mag-isa na hindi ako pamilyar sa lugar na pupuntahan ko. Sinimulan ko nang paandarin ang kotse ko at hindi na inalintana ang ilang tunog na nagmula sa aking cellphone. Kitang-kita naman sa cellphone ko ang paggalaw ng location ko kaya’t ipinagpatuloy ko na lamang ang pagmamaneho. Tahimik ang naging biyahe ko papuntang venue ng reunion. Sinunod ko lang ang location na sinabi ni Yyselle at sinunod ang fastest way na sinabi ng google maps. Pagkatungtong na pagkatungtong ko sa harapan ng buiding ay nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang dahilan. Sandali akong napahinto at dali-dali rin na bumalik sa kotse para kuhanin ang cellphone ko. Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang lamig ng hangin na mula sa aircon ng building. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sandaling nagdial sa cellphone ko. I decided to call Yyselle to asked her kung anong floor ang event hall na paggaganapan ng reunion. Nakailang ring na pero sa kabila nun ay walang sumagot. Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga at sandaling napatingin sa front desk. Napailing na lamang ako at dali-daling naglakad patungo roon. “Excuse me,” panimula ko na siya namang pinagtaasan ako ng tingin ng isa sa mga front desk. “Yes sir? How may I help you?” “I just want to ask kung saan yung event hall ng Vicencio and Palma?” Kitang-kita sa mukha nito ang pagkamangha nang dahil sa kaniyang pagkatulala habang kinakausap ko siya. I just flashed a smile at dali-dali naman siyang yumuko at tumutok sa laptop. Napailing na lang ako at tumingin sa aking relo. Halos mapaubo ako nang makitang 6:45 pm pa lang. Tinignan ko naman ang cellphone ko at nakahinga ng maluwag nang makitang tama naman pala ang nasa aking relo. “Ahm, sir, the event hall of Vicencio and Palma is on the third floor. Room 178 right corner,” kalmadong sabi nito habang halatang-halata pa rin sa mukha nito ang pagkakilig. “Okay, thank you,” sabi ko rito at naglakad na papunta sa venue. Habang naglalakad papunta sa elevator, kitang-kita ko ang ilan sa mga tumitingin sa akin. May ilang bulungan rin naman, pero hindi na iyon bago sa aking pandinig. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay siya namang paglabas ng mga nakasakay doon. Sumakay na rin ako kaagad at pumindot na roon nang makapunta na ako sa event hall. I just want to rest for Pete’s sake, but because of this event ay mauudlot ang pahinga ko ng one week at isama po ang kinuha kong matrabahong reviewer. Maya-maya pa ay nakatungtong na kami sa third floor at kaagad na rin akong lumabas doon. Just like what the girl said earlier, pumunta ako sa right corner at hinanap ang room number 178. Napahinto ako sa event hall na maririnig mo na kaagad ang ingay. Napatingin ako sa number noon at napangiti nang makitang nandito na pala ako. Bago pumasok ay tinawagan kong muli si Yyselle. Nagring iyon nang tatlong beses pero kaagad rin na pinatay na siyang ipinagtaka ko. Problema nang babaeng ‘to? Sinubukan ko namang tawagan si mama at si papa pero wala pa ring sumagot. Halos mapairap ako nang dahil sa inis at pagtataka. Paano ba naman, kanina halos ayaw na nila ako papasukin at halos pagmadaliin na pumunta rito. Tapos ngayon ayaw nila kong sagutin? Pumasok na lamang ako sa loob ng hall at nanatili sa gilid. Muli ko nanamang naramdaman ang tinginan ng ilan sa akin ngunit hindi ko na lamang pinansin at itinuon ang aking sarili sa cellphone. Muli kong denial si Yyselle and finally after five rings ay sumagot rin ang bruha. Bago magsalita ay nagpakawala muna ako ng buntong hininga at pinakalma nang kaunti ang sarili. “Hey, nasaan ba kayo? Bakit hindi niyo sinasagot yung tawag ko ha?" Inis na sambit ko na halatang-halata sa boses ang pagtitimpi. “Are you calling? I’m sorry, hindi ko marinig ang ingay kasi rito,” sagot naman nito sa akin na halatang-halata rin sa boses ang inis. Napabuntong hininga na lamang ako at sandaling tinakpan ang kabila kong tainga nang dahil sa sobrang ingay. “By the way, I’m already here. Saan kayo banda?” “Sa bandang unahan, left side.” “Okay, thank you. I will hang-up.” Ibinulsa ko na ang cellphone ko at nagsimula nang naglakad papunta sa harapan na sinasabi ni Yyselle. And from far away, nakita ko na kaagad ang papa at mama ko na ang daming kinakausap. Napangiti na lamang ako at nagderederetsong naglakad papunta sa kanila. Laking gulat ko na lang nang biglang may nakabangga sa akin na siya namang nilingon ko kaagad. “I’m sorry,” sabi nito at bahagyang yumuko bilang paghingi ng paumanhin. Dali-dali itong naglakad papunta sa likod at tanging ang likuran na lang nito ang aking nakita. She’s wearing a blue green fitted dress na hanggang sa itaas ng likuran ng tuhod nito. Napako ang tingin ko rito hindi dahil sa nabangga niya ako, kung hindi nang dahil sa body posture nito at sa buhok niyang medium legth. Huwag mong sabihing siya iyon? Is that her? Napailing ako at napangiti nang dahil sa iniisip. Napakalabo naman yata na maging siya ‘yun. She’s not even a Palma right? Kinabog ako ni Yyselle nang makarating ako sa table namin. She’s smiling na para bang tuwang-tuwang nandito na ako. Napakunot noo ako nang dahil sa kawirduhan ni Yyselle na siya namang tinawanan lang ako. “Good evening everyone! We will start the event after 10 minutes.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD