Tumayo na ako sa aking kinauupuan nang dahil sa susunod na ang Earh and Life Science wherein I will have my report today. Sandali akong yumuko para kuhanin sa ilalim ng desk ko ang visuals na gagamitin ko and of course, yung tape.
Sa lahat ng subject na na-take ko na, sa Earth and Science lang ako naeexcite. I don’t know why, but all I know is I’m into reporting infront of the class.
Nagpatulong ako kay Edward para magkabit ng visuals sa harapan. Wala naman na akong maaasahan sa mga kaklase ko maliban sa isang ‘to.
“Anong nakaassign sayo na topic?” Pagtatanong nito sa akin habang nag-aabot sa akin ng tape.
“Male and Female reproductive system,” sagot ko rito ng derederetso at tsaka pinakat ang huling visual sa board.
Hindi kalauna’y bumukas na rin ang pinto sa harapan na siyang naging dahilan para mapatingin kaming lahat doon. Iniluwa noon si Sir Mendoza at dumeretso na sa kaniyang desk.
Kusang bumalik sa mga kinauupuan nila ang mga kaklase ko at iniayos ang kanilang mga sarili. Bumalik na rin kaming dalawa ni Edward sa upuan namin nang makapagsimula na si sir sa pag-aattendance.
“So our reporter for today is Mr.Vicencio?”
Napatayo ako sa aking kinauupuan nang dahil sa tinawag na ang aking apelyido. Kinuha ko sandali ang clearbook na nasa ilalim na siyang naglalaman ng ilan sa gagamitin ko sa pagrereport.
Isang kabog ang inabot ko kay Edward na siya namang binalewala ko na lang nang dahil sa tumatakbo na ang oras.
“You may start.”
“So good morning everyone, I will be your reporter for today and our topic will be all about the male and female reproductive system of a human.”
“This will be just a brief explanation between these two because our real topic will be focused on plants, so let’s get started.”
Nagsalita lang ako nang nagsalita sa harapan tungkol sa male reproductive then move on female reproductive. I’m thankful that hindi masyadong matanong si sir ngayon hindi gaya noong mga nauna kong report.
I’m confident with my reporting skills, pero pagdating kay Sir Mendoza, medyo nag-aalanganin ako.
“And that’s it. I hope that you learn something from me about our semi-topic for today. Any questions?” I asked them at sandaling napatingin sa bandang likuran nang dahil sa may nagtaas ng kamay.
“Yes Ms?” Pagtatanong ko rito habang seryosong-seryosong nakatingin sa kaniya.
Pansin ko naman ang hagikhikan ng mga kaklase ko na nasa bandang likuran na malapit sa puwesto nitong si Hailey I think? I’m not familiar with their names, kaya kakaunti lang talaga ang naaalala ko at minsan ay napagpapalit-palit ko pa.
“Guys, keep quite please.”
Sa sinabing iyon ni sir ay tumahimik talaga ang klase. Sandaling tumikhim itong si Hailey na nangingiti-ngiti pa rin.
“Can you demonstrate to us the thing under ejaculation?” Pagtatanong nito habang isinusukbit sa kaniyang tainga ang ilang hibla ng buhok na tumatama sa kaniyang mukha.
Tilian naman ang sumunod doon at ilang tawanan ang pinakawalan ng mga kaklase kong nawala na sa sarili nang dahil sa tanong ni Hailey. Napailing na lang ako at bahagya ring natawa nang dahil sa tanong niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Nginitian ko na lang ito at sandaling yumuko para bumuntong hininga.
“That’s not part of my report, ms. You know, you can watch it in some sites if you want to see how it happens,” sagot ko rito nang mahinahon at tumalikod na sa klase para tanggalin na ang mga visuals na ginamit ko.
Rinig ko naman ang tawanan nila at maging si Sir Mendoza ay natawa na rin.
“Okay, tama na ang tawanan guys! You always excel here in our class Mr.Vicencio, good job,” sabi nito sa akin na abot tainga ang ngiti.
“Thank you sir. An opportunity to search about staffs like this,” sabi ko rito na may halong pagbibiro na tama lang na kami lang ang nakakarinig.
Isang tapik naman sa balikat ang natanggap ko at bumalik na sa aking kinauupuan. Nagsalita na muli si Sir Mendoza at nagdagdag ng ilang informations na may kinalaman rin sa report ko.
Maya-maya pa ay siya namang tumunog na ang bell, hudyat na break time na. Naglabasan na rin ang ilan sa mga kaklase ko na ani mo’y ayaw maunahan sa pila sa canteen.
Sabihin na nating magkakasabay ang schedule ng Senior high sa break time, kaya siguro nag-uunahan ang mga kupal na makalabas sa classroom.
Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang hagikhikan ng mga kaklase kong babae. Napailing na lang ako at binalingan ng tingin si Edward na kanina pang tawa ng tawa.
“Ano bang tinatawa-tawa mo diyan ha?” Tanong ko rito habang iniaayos ang blazer ko.
“Tol, demonstrate mo raw aba,” sabi nito na hindi pa rin natitigil sa kakatawa.
Demonstrate? The f**k?
Tinaasan ko na lamang ito ng kilay at tsaka lumapit sa kaniya para akbayan siya. Nagulat naman ito sa ginawa ko at tinignan ako na para bang nandidiri.
“Hindi tayo talo tol, nyemas ka.”
Natawa na lamang ako sa sinabi nito at kinaladkad na lamang siya palabas ng classroom. Nakaramdam na rin naman ako ng gutom kaya sa canteen ko na lang dadalin ang mokong na ‘to.
“Is that Ethan Chase?”
“Yah, he’s handsome right?”
“That guy behind him is Edward Anthony hindi ba? Grabe parehas silang nagkakaroon ng looks habang tumatagal.”
“I know right.”
Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ay puro bulungan na ang sumalubong. Hindi naman na bago sa amin yun ni Edward. He’s a varsity player and I’m running as our batch salutatorian, hindi malabong hindi kami mapag-usapan.
Tumambad sa amin ni Edward ang napakahabang pila sa canteen. Umupo muna kami sa bakanteng lamesa nang dahil sa ayaw rin naman naming makipagsiksikan sa pila.
“Ano kayang masarap kainin ngayon?" Takang sambit ni Edward na ngayon ay nakasandal na sa upuan habang tumitingin tingin sa bandang harapan na kung saan ay nakalagay ang mga paninda.
Nagpalingo-lingo naman akong sandali para hagilapin ang vending machine. Laking gulat ko nang makitang walang masyadong nakapila o nagkukumpulan doon. First time na nangyari yun at talaga namang nakakapanibago.
“Bilan mo na nga ako Anton, Pocky sticks,” sabi ko rito at inihilig ang katawan ko sa upuan.
Tinignan ko ito at tinaasan ng kilay nang maramdamang pinanliliitan niya ako ng mata. He make face na para bang may tumatakbo sa isip niya.
Bahagya itong napangiti at natawa sa hindi ko malamang dahilan. Napailing na lang ito at tsaka tumayo na para pumila.
Napailing na lang din ako at sandaling kinuha ang cellphone ko na nasa aking bulsa na kanina pa nagvavibrate.
Tumayo muna ako sandali para kumuha ng soda sa vending machine, baka maunahan pa ng iba kung ipagpapaliban ko nanaman.
Habang hinihintay na mahulog ang soda ay naisipan ko nang buksan ang phone ko. Halos mapamura ako nang makitang naiwan kong nakabukas ang data nito. Kusang tumaas ang kaliwang bahagi ng upper lip ko nang dahil sa nangalahati kaagad ang battery noon.
Sandali kong binuksan ang phone at laking gulat nang makitang ang daming message ni Yyselle sa akin. Binuksan ko ang message na iyon at gulat na makitang pinapapunta na niya ako kaagad sa venue.
“Here’s your order sir,” sarkastikong sabi ni Edward sa akin at umupo na sa kinauupuan niya.
Ibinaba niya ang dalawang box ng pocky sticks sa lamesa na siya namang nakaagaw kaagad sa pansin ko. Ibinaba ko na lamang ang cellphone ko sa lamesa at kaagad na binuksan ang pocky sticks.
“Kilala ko na yung babae na nagsulat kanina sa board.”
Natigil naman ako sa pagnguya sa pocky sticks. Iniangat ko nang dahan-dahan ang tingin kay Edward na ngayon ay nilalantakan naman ang halo-halo na binili niya.
Minadali ko ang pagnguya at binuksan ang soda na kinuha ko sa vending machine. Halos mabilaukan ako nang dahil sa minsanan kong nilagok ang soda na iyon.
Huminga muna ako nang malalim at tumikhim bago magsalita. Tinignan ko siya at sandaling inilapit ang mukha sa kaniya. Inilapit rin naman nito ang mukha niya, kaya parang dinaig pa namin ang nasa BL series nang dahil sa kabaliwang ginagawa naming dalawa.
Sinapok ko naman siya na siyang naging dahilan para mapalayo ito sa akin. Kitang-kita ang pagngiwi niya at tinitigan pa ako ng masama nito na ani mo’y napakasakit nang ginawa kong pagsapok sa kaniya.
Umayos na rin ako sa pagkakaupo at sumubo na ng pocky sticks. Kinuha ko sandali ang cellphone ko at binasa nang mabuti ang sinabi ni Ate Yyselle.
Mapanakit
Where are you? The event will start at exactly 7pm
Make sure that you will make it on time.
Lagot ka kay mama kapag nalate ka raw.
Habulin
I’m at school canteen sis. Bakit napaaga pa yata?
I’m not sure if makakarating ako on time. Ang dami ko pang inaabangan na subjects.
Mapanakit
Can’t you give an excuse letter?
Para maaga kang makauwi?
Hey, I already told you that dalawang oras pa ang biyahe papunta rito sa event hall na ‘to.
Habulin
Sana ol kasi ginawan ng excuse letter ni mama hindi ba.
Sige, I will make an excuse na lang para makaalis ako ng maaga.
Ibinulsa ko na lamang kaagad ang phone ko at ipinagpatuloy na ang pagkain. Konting oras na lang din naman at tapos nanaman ang break time.
“Hey look,” napatingin naman ako kay Edward na ngayon naman ay nilalantakan na rin ang pocky sticks ko.
Kinunutan ko naman ito ng noo at aktong kukuhanin ko na sana sa kaniya iyon nang bigla siyang may iningunguso sa likuran ko. Hindi ko siya pinansin bagkus ay pilit ko pa ring kinuha sa kaniya ang meryenda ko.
“Ang takaw takaw mo, bakit kasi hindi ka bumili kaninang binili mo ‘to hindi ba,” reklamo ko rito at tsaka umupo na muli sa aking kinauupuan.
Aktong susubo na sana akong muli, nang madako naman ang tingin ko kay Edward na tulala sa bandang likuran ko.
“Hoy,” sabi ko rito na medyo nangingiti nang dahil sa nakakatawang ekspresyon niya.
Parang nakakita kasi ng multo ang mokong. Maya-maya pa ay tumunog na rin ang bell at kasunod noon ang tunog mula sa radio room na siyang naging dahilan para mapatingin ako sa speaker.
“Announcement students, the class will be suspended this afternoon because of the seminar that will be set here in our school. It will last for 1 week so better stay at home and do your works better.”
Matapos ulitin ang announcement ay siya namang naghiyawan ang mga estudyante na nandito ngayon sa canteen. Maging sa hallway ay naging maingay nang dahil na rin sa announcement na ginawa ng spokesperson ng school.
“Hey tol, aba tara na. Malelate na tayo sa next class natin,” asik ko rito na hindi pa rin nababawi ang wisyo.
Mahina kong itinulak ang noo niya na tama lang para matauhan ‘tong kaibigan ko.
“Tol, alam ko na talaga yung pangalan niya,” mahinang sabi ni Edward na siya namang nakapagpataas ng kilay ko.
“Ano?” Nagtatakang tanong ko rito nang dahil sa tulala pa rin siya sa likuran ko.Umaktong tatayo na sana ako nang bigla nanaman siyang tumikhim.
“Eisha Lorraine Andrande, ABM-A 12”