“Chase!” sigaw ni mama na akala mo ay sasabog na sa galit.
At ito nanaman nga, panibagong araw ay may panibagong sermon nanaman.Walang araw na hindi ako nabubungangaan ni mama sa totoo lang. Buti na nga lang at natagalan siya ni papa.
“I’m going down ma!” Sagot ko rito na halos pasigaw na rin nang dahil nga nasa taas ako at siya ay nasa baba.
Yes, since high school raw ay ganiyan na talaga si mama. Based on papa, noong naging sila hindi naman daw bungangera si mama. Pero habang patagal sila nang patagal, ayan na unti-unti nang nagiging dragon ang nanay ko.
Agad akong lumapit sa salamin at iniayos ang buhok ko. Sinuklay ko lamang iyon patalikod nang hindi tumabing sa mata ko ang kaunting hibla ng aking buhok.
Sinarado ko na ang butones ng polo ko at hindi na nagpatumpik-tumpik na kinuha ang blazer ko na nasa rack. Napakagat ako sa labi ko at dali-daling bumalik sa kama para kuhanin ang bag at wallet ko. Makalimutan ko na ang lahat, huwag na huwag lang ang pera ko.
Aktong bubuksan ko na ang pinto nang madaan nanaman ako sa salamin. Tila napahinto ako at napatingin doon at sandaling tinignan ang aking sarili.
“Ethan Chase Vicencio! Anong oras nanaman! Gwapo ka na so please! Lumayas ka na diyan sa kwarto at anong oras nanaman!” Sigaw ni mama na ngayon ay nasa tapat na ng aking kwarto at ilang beses nang kumakatok.
Napailing na lang ako nang dahil doon at hindi maiwasang mapatingin sa napakagwapong nilalang na nasa harapan ko.
Napangiti ako habang inaayos nang kaunti ang aking buhok at ang polo ko. Napahawak na lang ako sa aking baba at hinimas-himas iyon na para bang nag-iisip kung may kailangan pang gawin sa pagmumukha ko.
“Yes, perfect,” bulong ko sa aking sarili habang ngising-ngisi.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko si mama na nakapamewang na at nakatingin na sa kaniyang relo. Umangat ang tingin nito sa akin na siyang naging dahilan nang paglagok ko.
“Okay, I will go down there peacefully,” mahinahong sambit ko at dahan-dahang naglakad hanggang sa makalayo sa kaniya.
“Ethan Chase!”
Sandali akong napahinto at dali-dali ring nabalik sa wisyo at tumakbo na pababa sa hagdan bago pa dumapo sa tenga ko ang kamay ni mama.
My mom is an accountant and that’s not her choice actually. My lolo wants her to be like that sa hindi malamang dahilan. Sumunod siya sa gusto ni lolo pero may sinaway siyang kaisa-isang batas ng lolo namin. Yun ay yung mahalin si papa.
Their love story is not that easy actually. Ang daming trials, ang daming thrill, but still here I am, nabuo ang napakagwapong nilalang sa mundong ‘to. And that’s because of my mom and my dad.
“Love hayaan mo na yang si Chase, binata na yan,” sabi ni papa nang makitang bumababa na si mama na nakapamewang.
Napahinga naman ako nang napakalalim nang dahil sa kabang baka mapingot nanaman ako. Tumingin ako kay papa at umaktong nagdadasal sa harapan niya. Napailing na lamang ito nang dahil sa ginagawa ko.
“Kaya na niyang kaharapin mag-isa ang parusa ng university sa mga nalelate,” rinig kong sabi nito na para bang diniinan pa ang pagbitaw sa bawat salita na ‘yun.
Rinig ko naman ang tawa ni mama na papalapit na kay papa. Iniayos nito ang necktie ni papa na siyang naging dahilan na napailing na lang ako at sandaling umupo sa couch habang hinihintay pa sila.
“Ayos na ba ang itsura ko, Love?” Papa asked while mama is combing her hair right now.
“You’re always good looking Love,” mama said and flashed a smile na siya namang nagreflect sa salamin.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang dahil sa kasweetan ng magulang ko sa isa’t-isa. Ang lakas makateenager kung makabanat e.
“Please, ayaw kong masira ang umaga ko nang dahil sa katamisan niyong dalawa, ma."
Napatingin naman ako sa hagdan nang dahil sa pambabasag ni Yyselle sa kasweetan ng magulang namin. Napailing na lang ako at ganoon na rin si papa at mama.
Nagkatinginan pa kami ni papa nang dahil sa inaakto ni ate. Napansin naman iyon ni mama na bahagyang natawa na lamang nang dahil sa titigan naming mag-ama.
Aktong kukuhanin ko na sana ang phone ko na nasa aking bulsa nang bigla naman na akong tapikin ni ate. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha na kaagad ang bag ko na nasa tabi ko lang.
“Humabol ka mamaya Ethan Chase ha, pag-uuntugin ko kayo ng papa mo,” napakunot noo naman akong napatingin kay mama nang dahil sa sinabi niya.
Maging si papa ay napakunot ang noo na ani mo’y hindi makapaniwala sa sinabi ni mama.
“Bakit nadamay nanaman ako Love?” Kunot noong pagtatanong ni papa sabay akbay kay mama.
Nilakihan ni mama ng mata si papa na siyang awtomatikong natanggal ang pagkakaakbay nito. Hindi ko maiwasang mapailing na lamang at kunyari mo ay sumasang-ayon na lamang kay mama.
Ibinaling sa akin ni mama ang tingin na seryosong-seryosong nakatitig sa akin. Hindi ko maiwasang sumeryoso nang dahil sa seryoso na rin siya.
“Nagkakaintindihan ba tayo ha, Chase?”
“Copy that ma,” sagot ko rito at hindi kalaunay ay nginitian ko na rin siya at sumakay na rin sa kotse ko.
Actually, where going to a family reunion tonight. Pero nang dahil sa napakarami kong requirements at kinakailangang subaybayan sa university, hahabol na lang ako mamaya sa event hall.
PAGKARATING na pagkarating ko sa university ay agad ko nang pinarada ang kotse ko sa parking lot ng students. Dali-dali kong kinuha sa side seat ang bag ko nang dahil sa tumatakbo nanaman ang oras.
Habang naglalakad ay hindi maiwasan ang tinginan nang iilan sa mga nakakasabay ko sa paglalakad papunta rin sa mga respective classrooms nila. May iilan rin naman sa mga kaklase ko ang bumabati sa akin at nginingitian ko na lamang pabalik.
Our first teacher was so strict kaya hindi maiiwasan na kabahan ako. Napatingin ako sa relo ko at gulat na makitang 7:55 na at kailangan ko pang umakyat sa fourth floor.
Mas binilisan ko pang maglakad at hindi na inaalintana ang buhok kong humaharang sa mata ko. Nasa second floor pa lang ako for Pete’s sake!
Halos madapa pa ako nang dahil sa pagmamadali. Hingal na hingal akong napahinto sa staircase sa fourth floor nang dahil sa pagod.
Huminga muna ako nang malalim at sandaling nag-isip kung ano ang pwede kong gawing palusot kay Ma’am Velasco, my Politics teacher.
“If I just know earlier that Ms. Velasco is my first teacher today, sana hindi ko na hinintay pa sila mama,” napapailing na bulong ko sa sarili ko at nagsimula nang naglakad sa hallway ng floor namin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa likod ng classroom namin nang dahil sa napakatahimik na ng mga kaklase ko. And yes, if they are quite like this, Ma’am Velasco is inside.
Laking gulat ko na lang nang buksan ko ang pinto ay nagsusulat lamang sila. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa upuan ko para hindi makalikha ng ingay.
As I sat on my chair, hindi ko maiwasang tignan ang babaeng nagsusulat sa harap na napakaseryoso. Her medium length hair, her height, parang bago lang sa paningin ko.
Isang sapok naman ang natamo ko mula sa katabi ko na siyang nagpakawala nang kahibangan ko. Kinunutan ko ito ng noo na siya namang pinagkibitan lang ako ng balikat.
“Nasaan si Ma’am?” Pagtatanong ko kay Edward na tutok na tutok sa blackboard at nagsusulat.
“Ma’am Velasco is out, may sakit daw sabi ni ate girl,” sagot nito habang patuloy lang sa pagsusulat.
Napatango na lang ako at binuksan ang bag ko para kuhanin ang notebook ko sa Politics. Nagsimula na rin akong magsulat nang dahil sa nakakalahati na ang blackboard ng mga kung ano-anong batas na bago lang sa paningin ko.
Nasa kalagitnaan ako nang pagsusulat nang bahagya kong nakita ang mukha ng babaeng iyon. She’s scanning the book as if she’s looking at something. Hindi ko maiwasang humanga nang dahil sa angking ganda nito.
Her height makes her cute even more.
“Hoy Ethan, baka malusaw yung nasa harapan,” bulong ni Edward sa akin na tama lang para marinig ko.
Bahagya namang napatingin sa amin ang nasa kabilang desk at ani mo’y narinig ang usapan namin. Kinunutan ko naman ng noo si Edward na iiling-iling na lang.
“You must hurry at ipapass daw yan.”
Natameme ako at natutok ang tingin sa blackboard. Hindi iyon dahil sa babaeng nasa harapan, kung hindi dahil sa malapit na niyang mapuno ang pangalawang blackboard!
“Hey wait!” Sigaw ko at napatayo kaagad sa aking kinauupuan.
Nakuha ko lahat ang atensiyon ng mga kaklase ko na siyang naging dahilan para titigan nila kong lahat. Hindi ko sila binalingan ng tingin bagkus ay titig na titig ako sa babaeng nasa harapan na siyang nakatingin na rin sa akin ngayon.
She looks like a Goddess…
“Hoy Vicencio! Ano bang sinisigaw sigaw mo diyan ha?” Inis na tanong ng bida-bida kong kaklase na kaibigan yata ni Keila,my other friend.
Tinignan ko ito nang walang kaemoemosyon sa mukha at ibinaling muli ang tingin sa harapan. Nakataas naman ang kilay nito na para bang nagtataka sa pagsigaw ko.
Tumikhim muna ako bago magsalita. Ramdam ko naman ang paghila ni Edward sa laylayan ng blazer ko pero binalewala ko lang iyon.
“You will get your uniform dirty when you continued leaning back on the board,” lakas loob na sabi ko rito at umupo na kaagad sa aking upuan.
Agad akong umaktong nagsusulat nang dahil sa hiya. Sino ba namang matinong tao ang sisigaw nang ganoon sa loob ng klase hindi ba?
Ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko kahit na hindi ko na sila balingan ng tingin. Hindi ko maiwasang mapapikit nang mariin nang dahil sakahihiyan.
Lumipas ang ilang minuto at natapos na ang oras ng Politics. Thanks God at hindi pinapasa ang notebook namin.
Napadukmo na lang ako sa desk at nagpakawala ng buntong hininga. Aba, ikaw ba namang madaliin yung paglelecture? Mukha ng kinalahid ng manok yung notes ko sa Politics na dati e mas maganda pa sa sulat ng babae.
“You will get your uniform dirty when you continued leaning back on the blackboard,” panggagaya ni Edward sa akin na siya namang binalewala ko na lamang.
I just did it because I realized na hindi ako ang hari ng klase na ‘to para hintayin ako sa pagsusulat. It’s a lame excuse but I don’t have choice, for Pete’s sake.
Umalis ako sa pagkakadukmo at sumandal na lamang sa aking upuan. Humilig ako nang kaunti nang kahit papaano ay maihiga ko ang ulo ko sa sandalan.
“So anong feeling nang pagrarush ha Mr.Vicencio?” Natatawang tanong ni Edward sa akin na ngayon ay nakaupo na sa desk niya habang nakadekwatro.
Inirapan ko na lamang siya at tumingin na lamang sa bintanang nasa gilid ko. Pumikit ako sandali para alalahanin ang itsura ng mukha ng babaeng iyon.
Her pinkish cheeks,
Her eyes,
Her long lashes that you can see thou you’re far away from her,
Her medium length hair,
Her strawberry shaped earrings,
Sino ba siya?