Madaming nag-aasam na makamit ang kasiyahan nila.
Inaasam na makakakita ng taong talaga namang magmamahal sa kanila nang lubusan.
Yung tipong laging nariyan sa tabi mo,
Laging ipaparamdam na ikaw lang ang bubuo sa buhay niya.
Ngunit hindi naman maiiwasan na magkaroon ng problema na siyang susubok sa dalawang nagmamahalan,
Problemang kailangang solusyunan ng dalawang taong tunay na nagmamahal,
Nang pag-iibigan ay lubusang magtagal.
Paano kung ang pagmamahal ay hindi pa naman pala ganoon katatag?
Paano kung mahirap pa para sa dalawang tao ang pagsolba sa problemang kanilang kinakaharap?
Anong mangyayari sa pagmamahal na kung saan ikaw ay sumugal?
Magpapadala ba sa kahinaan?
O patuloy na makikipaglaban para sa taong iyong minamahal?