Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay kaagad akong napatalon sa tuwa at agad na niyakap ang Tita Aubrey ko. Rinig ko naman ang bahagyang pagtawa nito nang dahil na rin siguro sa ginawa ko. “Magkacollege ka na, yet isip bata ka pa rin,” natatawang sambit nito na siya namang sinimangutan ko na lang. “I just missed you tita. Ang tagal mo rin kayang hindi bumisita,” reklamo ko at inaya na siya papasok sa loob ng bahay. Tita Aubrey is my mother’s sister. Since I was a child, siya na ang nag-aalaga sa akin nang dahil nga sa busy madalas sila mama at papa, at itong si tita naman ay wala pang anak at tanging trabaho lang ang inaasikaso noon. That’s why, siya ang lagi kong kasama at halos siya na ang tumayong magulang ko. “Anong gusto mo tita? Red tea?” Pagtatanong ko rito habang naglalakad n

