Elora's POV Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, ramdam ko na ang pananakit ng aking mga paa, nangangalay na kanina pa. Wala nadin akong pakialam pa kung panay tingin at bulungan ang mga babaeng nag a assist sa amin ngayon. Alam kong walang emosyon ang mukha ko, kitang kita nila na hindi ako nasisiyahan sa pinag gagawa namin ngayon ni kuya Arzhel. “Are you tired?” Napatuwid ang tayo ko nang maramdaman ko ang presensiya ni kuya Arzhel sa likod ko. Maging ang mainit na paghinga niya ay tumatama sa aking leeg ngayon. Nakikita ko ang kabuohan naming dalawa mula sa malaking salamin habang nasa likuran ko siya. His towering me right now! Ang kanyang mga kamay ay minamasahe ang aking balikat. Isang pagkagat sa ibabang labi ang ginawa ko upang pigilan ang boses kong kumawala

